CHAPTER 44 HE SAVE HER, SHE SAVE HER

2.8K 70 24
                                    



Mahimbing ang tulog ni krishna ng gabing iyon. Pero dahil bumalik na ang mga alaala nya. Naging mas alisto sya paligid nya.

Naramdaman nya ang paglundo ng kama nya sa tabi nya. Tanda may taong tumabi sa kanya.

Nang imulat ang kanyang mga mata. Natagpuan nya si Christa sa tabi at nakapikit.

"Ate?"

"Dito ako matutulog, namiss kasi kita." Anito habang nakapikit pa rin ang mga mata.

Napangiti sya, namiss nya ang kapatid nyang si Ria, ganoon din kalambing si Ria sa kanya kahit na madalas silang nagtatalo.

Kinabukasan ng magising sya wala na sa tabi nya ang kapatid. Bumaba sya at nagtungo ng kusina.

"Krishna! Gising ka na!" Bungad sa kanya nito.

Hindi nya alam kung saan nang gagaling ang kasiyahan na bumabalot sa mukha ni Christa. Pero masaya dahil hindi ito sinusumpong ngayon.

"Kain na!" Anito.

Naupo sya sa palaging pwesto nya at pinag hainan sya nito plato at pinag sandukan.

Nakapagtatakang sya lang ang kakain. "Hindi ka ba kakain?" Tanong nya dito.

"Mauna ka na. Tikman mo kung okay na ang luto ko." Anito sa kanya at may kasama pang napaka tamis na ngiti.

Sumubo sya. "Masarap, tara sabayan mo na ako." Aniya dito.

Nakaka isang subo pa lamang sya ng makaramdam sya ng hilo. Biglang umikot ang paningin nya na hindi nya maintindihan.

"Oh my god! Are you okay krishna!?"

Umiling iling sya dito dahil mas lalong tumindi ang hilo na nararamdaman nya. Bago tuluyang magdilim ang paningin nya at bumagsak sa sahig. Nakita nya pa ang kapatid nya na patakbo sa direksyon nya.

Nagising sya sa malamig na tubig na sumakop sa buong katawan nya. Sa lamig non ay nanginig ang buong katawan nya.

Hindi nya alam kung bakit nakamulat na ang mga mata nya pero wala pa rin syang makita. Sinubukan nyang gumalaw pero naramdaman nya ang higpit ng pagkakatali ng kamay at paa nya. Sinubukan nyang magsalita pero may takip ang bibig nya.

Unti unting nagliwanag ang unahang bahagi sa harapan nya.

"Nasa bodega ako." Aniya sa isip.

"Good morning my dear sister." Anang kapatid na may hawak na kandila.

Nakangiti itong nakatingin sa kanya. Nagtatanong ang mga mata nyang nakatingin dito.

"Akala mo ba hindi ko alam!" Asik nito sa kanya at sinabunutan sya.

"Na bumalik na ang alaala mo at may balak ka nang iwan ako!" Sigaw nito.

Umiling iling sya dito. Hindi Christa wala akong balak na iwan ka!

"Ang kapal ng mukha mo! Wala kang utang na loob! Pagkatapos kong buhayin ka at alagaan iiwan mo ako!"

malakas na sampal sa kanya nito.

Walang ingat na tinanggal nito ang ducktape sa bibig nya.

"Christa makinig ka! Hindi kita iiwan! Sasamahan kitang magpagaling!" Aniya dito.

Pero isa pang malakas na sampal ang sinagot sa kanya nito.

"Wala akong sakit!" Asik nito.

"Christa. Please pakawalan mo na ako, hindi naman ako aalis e." Aniya dito.

Stolen By The Twins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon