CHAPTER 38 CONFIRMED

2.4K 76 9
                                    



          Naging abala si Grieg sa pakikitungo nito kay Christa. Palagi silang lumalabas kasama ang mga kambal.

Masaya syang makita ang kambal na nakakasama ng mga ito si Christa.

Kung dati ay nagdududa sya sa sariling nararamdaman nya tungo kay Christa, ngayon ay sigurado na sya.

"Bye bye cuties." Ani Christa sa kambal na nagpapaalam dahil uuwi na ito.

"Bye bye tita Christa!" Sabay na turan ng kambal at nagpalipad pa ng halik sa hangin.

Matamis na nginitian nya ang mga ito tsaka tuluyang umalis ang kotseng sinasakyan nya.

Tahimik lamang sya buong byahe habang katabi si Grieg na nagmamaneho.

"They like so much." Basag ni Grieg sa katahimikan.

"I like them too. I love them already Grieg." Aniya dito..

And i love you. Sagot ni Grieg sa isip wala pa syang lakas na loob na sabihin ito kay Christa pakiramdam nya kasi ay hindi pa iyon ang tamang panahon para sabihin iyon, at gusto na muna nyang malaman ni Christa kung sino talaga sya sa buhay nito.

"Christa?"

"Hmm?"

Hinawakan nya ang kamay nito ng huminto sila sa tapat ng bahay nito.

"Wala ka pa ba talgang maalala?"

"Why do you ask?"

"Hindi mo ba ako nakikilala?"

Nagsalubong ang kilay ni christa dito.

"What do you mean? I mean magkakilala na tayo noon pa?"

Tumango si Grieg dito at matamnan na tinignan sya sa mata.

"Hindi..."

"Okay, hindi kita pupwersahin na maalala ako. Just take your time."

"Ano o sino ka ba dati sa buhay ko Grieg?"

"I'm...--- you're the mother of my twins Christa..."

"What! No!" Anito at nagmadaling lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob.

Agad naman syang sinundan ni Grieg. "Christa, please makinig ka muna---

"No! Wala pa akong anak! Hindi ako ang ina nila! Look Grieg! Yes! I love them, and yes! I love you! But hindi ako ang ina nila!" Mariing pagtanggi nito.

"Christa please nasasabi mo yan kasi hindi mo kami naalala."

"Oh yes! Hindi ko nga naalala but shit! Wala pa akong anak!"

"How can you say that!"

"Because i know! Hindi ko maipalaiwanag! Basta alam ko!" Asik nito.

"But your heart remembered us." Doon natahimik si Christa. Oo nga at mahal nya ang mag aama. Pero hindi nya matanggap na sya ang ina ng mga ito.

Hindi maaring itago ng mga magulang nya sa kanya kung sakali ngang may anak na sya. Masyado syang mahal ng mga magulang nya kaya hindi maaaring sya ang ina ng mga ito.

"Ate?" Pukaw sa kanila ni Krishna.

Napalingon sila dito. Pero agad na nagtago si Krishna nang makita nya si Grieg na kasama ng ate nya.

Simula nang mapalapit ang ate nya kay Grieg at mapadalas ang pagpunta nito sa bahay nila ay palagi nya itong pinagtataguan.

Sa hindi nya malamang dahilan ay kapag nakikita nya ito ay sumasakit ang ulo nya at hindi sya makatulog kakaisip sa pangalan nito.

Stolen By The Twins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon