CHAPTER 32 SECRET REVEALED

2.5K 79 4
                                    

Hindi umuwi ng gabing iyon si Grieg. Sa DH club sya dumiretsyo at doon naglasing ng naglasing.

Mabuti na lamang ay sinundan sya ni Slide at Tiger.

Sa malayo lamang sila at naka masid dito. Alam nilang galit sa kanila si Grieg kaya wala silang balak lapitan ito at kausapin. Baka makatikim na naman silang dalawang pag nagkataon.

"Fuck!" Usal ni Tiger ng matanaw ang taong pumasok sa Club.

"Shit! Their here!" Ani Slide.

Agad na inalerto nya ang mga tao sa mansyon sina Ria, Silver at Gold.

"Well look who's here!" Ani Lawrence na may mala demonyong ngiti sa mukha.

Lasing na si Grieg kaya hindi nya na makilala ang taong kumakausap sa kaniya.

"Get lost..." Lasing na turan nya dito.

Mapaklang napatawa nya si Lawrence sa paraan ng pagsasalita nya dito.

"Shit nakalapit na sila!" Nagaalalang turan ni Slide habang nagtatago sa makapal na poste sa gitna ng club.

"Kung sinuswerte ka nga naman, wala kang galamay ngayon." Anito.

Binitbit sya ng mga tauhan nito. Napayuko ang lahat ng humandusay sa sahig ang isang lalaking bumitbit kay grieg.

Mas lumakas ang hiyawan ng mga taong nandoon ng lumakas ang music na pini-play ng dj.

Tumaas ang sulok ng labi ni Lawrence ng makita nya si Ria sa itaas na palapag ng club at may hawak na baril na nakatutok sa kanya.

Ito ay may pakana ng pagpapalakas ng tugtog sa loob ng club para maiwasan ang gulo at hindi mawala sa paningin nya si Lawrence.

Hindi alam ni Ria kung ipuputok nya ba iyon o hindi. Hanggang ngayon kahit takot ay may nararamdaman pa rin sya para kay Lawrence.

Lawrence once a good man to her. Wala itong pinakitang kasamaan sa kanya, bagkus ay puro kabutihan. Pero kung titignan nya ito ngayon ay parang hindi na ito ang lalaking nagpatibok ng puso nya.

Ngunit ang isa sa mga nagpahanga sa kanya ang gwapo nitong mukha na bumihag ng damdamin nya na gumugulo sa isip nya kung kakalabitin nya ba ang gatilyo o hindi.

"It's for Rio..." Dinig nyang sabi sa isip nya.

Kumurap lamang sya tsaka kinalabit ang gatilyo pero sya ang bumagsak sa sahig ng unahan sya nitong paputukan. Mabuti na lamang ay mabilis ang naging pagkilos nya at naiwasan ang balang dapat na kikitil sa kanya.

Nawala sa lasalingan si Grieg ng matauhan sa kung anong nangyayari sa paligid nya pero nahihilo pa rin sya dahil sa tama ng alak sa katawan nya.

"Kinuha nya ang baril na nakatago sa coat na suot nya at malakas na hinampas ang likod ng ulo ng lalaking may hawak sa braso nya.

"Fuck you!" Aniya dito at bumagsak iyon sa sahig.

Walang kamalay malay ang mga taong nagsasaya sa loob ng club na may nangyayari ng tahimik na putukan sa loob ng club.

Tuloy ang sayawan at hiyawan, tuloy din ang bakbakan sa pagitan ng mga makapangyarihan sa underground society.

Mga tinaguriang demonyo na naninirahan sa lupa. A devil vs demon.

Panay ang hatak ng mga bouncer sa mga bumabagsak sa sahig sa magkabilang panig. Yes they were also a member of the mafia kaya kontrolado nila ang lugar.

Kung saan saan nagpalinga linga si Ria, pero hindi na mahagip ng mga mata nya si Lawrence ng matanaw nya ang labas ng club, dali dali syang tumakbo palabas at dumapa sa sahig at pinaputukan ang sasakyang paalis lulan ang hinahanap nyang si lawrence.

Stolen By The Twins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon