CHAPTER 34 END OF REVENGE

2.5K 75 28
                                    



Habang buhat ni Ria at Slide ang kambal patakbong lumapit si Tiger sa laptop nitong binato nito sa damuhan ng makita nyang umilaw iyon at madetect ang eksatong lokasyon ni Grieg.

"Slide! Nasa north si Master!" Anito.

Agad na ibinigay nya kay Silver ang lalaking sanggol na hawak nya at kinuha ang laptop.

"Gold utusan mo sila!" Sigaw nito.

Sinunod ni Gold ang utos ng nito na sundan ang track na ipapasa sa kanila ni Slide.

Tagumpay na nailabas si Grieg ng gusali. Wala itong malay ng mailapag ito sa damuhan.

Agad na dinaluhan ito ng mga doktor na naroon din.

"May pulso pa sya!" Anunsyo ng sumuri sa kanya.

"He suffered fron suffocation." Anang isa.

Kinabitan ito ng oxygen at isinakay sa streacher at ambulansya kasama si Silver na buhat ang isa kambal at si Gold sa isa at si Tiger na naka alalay kay Grieg.

Samantala naiwan si Slide at Ria. Habang hinihintay na mamatay ang apoy sa kampo.

Makalipas ang dalawang araw. Nanatiling nakahiga sa hospital bed si Grieg. Hindi pa ito nagigising simula ng dinala ito doon.

Samantala ang kambal ay nasa nursery room ng hospital ni Austin.

Please take a good care of them Grieg, i love them and i love you too.

"Rio!" Sigaw nya.

Nagising sya sa panaginip ng pamamaalam sa kanya ni Rio.

"Master!" Agad na dinaluhan sya ni Tiger at Sliver, si Gold na tumawag agad ng doktor.

Hinihingal na naupo sya. Himalang hindi sya nasunog at tanging mga galos lamang ang natamo nya.

Matapos syang tignan ng doktor at masigurong okay na sya. Bumaba sya ng kama.

"Master, saan kayo pupunta? Kailngan nyo munang magpahinga." Ani Tiger

"Pupuntahan ko ang mga anak ko Tiger." Aniya dito.

"Ipapadala ko na lang sila dito bumalik ka na sa kama." Sabad ni Silver.

Bumuntong hininga sya tsaka bumalik sa kama.

Bumukas ang pinto ng kanyang silid. Iniluwa noon si Ria, at ang mga kaibigan nya. Ngunit hindi nya inaasahan na naroon din ang mga magulang ni Rio.

Nilapitan sya ni ryalyn.

"Nangako kang mas magiging ligtas ang mga anak ko sayo! Pinagkatiwala namin sya sayo!" Asik nito sa kanya.

Pinigilan ni Ria at ni Reynaldo ang asawa nito.

"Para sa buhay ng anak kong kinuha mo sa amin! At para sa mga apo kong hindi man lang nakasama ng matagal ang kanilang ina!" Sigaw nito habang umiiyak.

"Mom, stop it. Hindi lang naman tayo ang nawalan." Ani Ria.

"Hon. Look nasasaktan din si Grieg ngayon. Ginawa naman nya ang lahat." Ani Reynaldo sa asawa.

"Rio is gone! How can i accept the truth that our daughter is gone Reynaldo! Wala na ang isa sa mga kambal ko!" Hinanakit nito habang hinahampas ang asawa nito sa dibdib.

"I'm... Sorry.." Tangin nasabi ni Grieg habang nakayuko pero kita nila ang sunod sunod na pagpatak ng luha nito.

Nagtagis ang bagang nya at naikuyom ang kamay. Alam nyang ang Caprio ang may kagagawan nun at hindi sya titigil hanggat hindi nya nababawi ang buhay na kinuha nito sa kanya.

Stolen By The Twins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon