CHAPTER 29 SECRETS

2.3K 76 10
                                    



         Naghahanda ng miryenda ang kasambahay nila sa loob ng mansyon ng pumasok si Ria sa kusina.

"Manang para kanino ho ang mga yan?"

"Para sa mga bisita ho ni Master." Anito

"Saan nyo dadalhin yan? Nandoon din ho ba si Grieg?"

"Sa conference po ma'am. Oho nanduon din po si Master."

"Ganun ba? Ako na magdadala ng iba manang." Kailangan kong malaman kung anong lagay ni ate. Hindi ako matatahimik sa pag aalala sa kanya.

"Sige ho."

Binuhat nya ang isang tray na may lamang pagkain, at isa naman ay binuhat ng kasambahay nila.

Unang pumasok ang kasambahay nila sa conference room kasunod noon ay si Ria.

"Oh, hi miss. Beautiful." Anang lalaking matangkad na may kulay abong mata sa kanya ng mailapag nya ang tray sa mahabang mesa doon.

Pinaikutan nya lamang ito ng mata at hindi pinansin.

"She's my wife Gilbert." Ani Grieg dito.

"A fake wife Grieg." Anito sa kanya.

Nagulat ang mga taong naroon lalo na sina Tiger, Silver at Gold. Hindi nila alam ang totoo kaya ganun na lamang ang reaksyon nila sa sinabi ni Gilbert.

"Shut up Gilbert." Ani Shawn dito.

Nilapitan ni Ria si Gold at pasimpleng bumulong dito.

"Sino sila?" Aniya dito.

"Rank number two Gilbert Wriston and rank number three Shawn Trivas." Anito sa kanya.

Tumango tango sya at isa isang tinignan ang mga ito.

Mukhang tahimik ang isang ito. In fairness ang gwapo nya. Aniya sa isip habang nakatitig kay Shawn.

At ang isang ito naman! Mukhang babaero! Gwapong manyakis ang dating na sobrang yabang ang porma. Tch. Komento naman nya sa isip habang nakatingin kay Gilbert.

Nanlaki ang mata nya ng bigla itong tumingin sa kanya at kindatan sya.

Agad naman na nagiwas tingin sya dito. Tila nag init ang pisngi nya. Kaya hindi nya mapigilan hawakan ang mukha nya. Nasisiguro nyang namumula ang mga iyon.

Bumalik sya kay Gold at nag umpisang mag usisa.

"Nasaan ang at---- i mean si Vhia?" Pabulong nyang tanong dito.

"Nasa camp four parin sya. I know you know now who really she is Ria. Hindi mo na kailangan magpanggap." Ganting bulong nito.

Nakahinga sya ng maluwag.. "Kung nandoon pa sya. Anong lagay nya? Is she okay?"

"Ria, may sakit sya." Anito.

"Anong sakit nya?"

Naghiwalay sila ng makitang palapit sa kanila si Grieg. Nanlamig si Gold ng sa kanya mismo ito lumapit at hawakan ang bandang tainga nya.

"Next time turn off your device so that i can't hear what you're saying. Stupid!" Anito tsaka tumalikod at bumalik sa puwesto nito.

Dali dali naman nilapitan ni Ria si Gold. "Oh my god narinig nya!" Nagaalalang bulong nito sa kanya.

"Don't worry, wala naman tayong binanggit na pangalan e." Paniniguro nito.

Muli silang naghiwalay ng lingunin sila ni Grieg at masamang tinignan. Tila nataranta si Gold at kinapa ang device na nakakabit sa kanya at siniguro kung nakapatay na nga ba talaga iyon.

Stolen By The Twins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon