C11

1.8K 38 0
                                    

Venesse Point of view...

Expected ko na talagang mawawala na ako dito sa mundo pero mali pala ako.

Expectations is just an expectations walang halong katutuhanan isang pangarap nalang.

Sana nga mamatay nalang ako, ayoko na rito. Mababaliw na ako.

Bumaba ako sa pagkatali ng leeg ko. Ni kahit na gapos o sugat man lang ang dumapo sana sa katawan ko wala.

Ganito ba ka makapangyarihan ang sumpang ito. Hindi ko na kaya.

Bumalik na ako sa section 3 na tuyong tuyo ang mga mata ko dahil sa pag iyak.

Gusto ko nang umuwi kaso paano ko magagawa yun kung hindi parin dumarating ang bago naming principal. Hayss.

Sa buong klase lutang lang ang isip ko, hindi ako makapakinig ng maayos sa prof. namin dahil sobrang inaaalala ko lahat ng pangyayaring ito.

Hindi ko namalayang napapikit nalang ang mata ko sa klase at tumulo ang luha ko. Wala akong pake.

****

"Hoy gising!" Sabi ng isang boses na familliar saakin.

Ang ganda ng feeling ko ngayon grabe para akong binubuhat at nakalutang sa ere.

Hindi ko alam kung nasa langit na ba ako ngayon pero feeling ko lang kasi eh atchaka gusto ko naring mapunta na doon.

Eh ang tanong doon kaya ako makakapunta? Huhu.

Minulat ko ang mga mata ko kaso sobrang hirap dahil ang daming muta na nakadikit sa mata ko pero kahit na ganon ay pinilit ko parin na imulat ang mga mata ko.

At nakita ko si Paul.

Bakit niya ako binubuhat at saan niya ako dadalhin?.

Inalala ko ang huling nangyari saakin. Nakatulog ako, tapos napaluha ako dahil sa kaantukan. Ano na kayang nangyari sa section na pinasukan ko kanina? Ang section 3 pero nakakapagtaka lang dahil kung umiyak ako siguradong mamatay sila pero bakit hindi ako duguan ngayon. Hmmm

"nasaan tayo?" tanong ko at saka niya naman ako nilagay sa isang upuan. Hindi ko alam kung saang lugar ba ito"anong nangyari?"

"Venesse!" sigaw niya na pahingal hingal na may halong emosyong galit na galit. Anong problema niya? "akala ko noon mabait ka, akala ko inosente ka na hindi mo sinasadya ang lahat ng nagawa mo pero di ko na matiis tong duguan na pangyayaring ginagawa mo. Hindi kita pinapansin kasi nasusubaybayan kita, lahat ng tapos mong gawa nakikita ko, sa gymnasium, sa classroom nasubay bayan ko ang lahat kahit nahuhuli akong dumadating. Tinurin kitang kaibigan pero mali pala ako ng pagpili ko sayo. Halimaw ka. Pinatay mo ang kapatid ko"

Wala akong masabi.

"patayin mo na ako! " sigaw niya habang umiiyak.

T-tinurin niya akong kaibigan kahit na alam niyang ganito ako kasama? I've never expecting this moment na may ganon pa palang tao na tu-turn ng ganito para saakin. Kagaya ni Paul.

Kapatid?

So ibig sabihin may kapatid siya sa section 3,anong nangyari sakanila ni hindi ko man lang nakita kung paano sila namatay at bakit walang mga dugo ang uniporme ko? Nakakapagtaka.

"sorry" sambit ko. Wala na akong magagawa. Wala na akong maibabalik.

Nasasali ako sa pag iyak ni Paul pero hindi pwede ito. Na gi-guilty ako sakanya.

Venesse Death Tears(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon