Venesse Point of view ..
Kagabi ang pinakamasayang araw na naganap ngayong taon na to.
Hindi ko inexpect ang mga pangyayari at hindi ko rin namalayan na pinayagan ko si paul na ligawan ako...wahhhh ang saya ko.
Bumangon na ako sa pagkakahiga ko kaso laking gulat ko nalang dahil biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko
"Good morning venesse"sigaw ni paul.wow huh himala binati niya ako ng good morning at pumunta pa talaga siya sa kwarto ko para sabihin lang yun..auhhh sweet.
"Ang aga mo atang nagising Auh"sabi ko habang pinupunasan ko ang mga mata ko.
"Umm oo,naalala ko kasi na birthday pala ni sophie ngayon sama ka huh"sabi niya, wow magkasunod lang pala kami ng kaarawan kaya nag ok sign lang ako kay paul"hmmmm huwag mong kalimutan yung kagabi huh"sabi niya habang kaakbay ako at hinalikan niya ako sa pisnge"ang cute mo"
"Alam ko,salamat"sabi ko kaagad
"Wow ang bilis mag respond."sabi niya at hinawakan niya ang pisnge ko na parang gigil na gigil
"Aray"sabi ko,pero kahit masakit kinikilig parin ako.
"Haha,mag bihis ka na nga lang jan amoy cake ka eh"sabi niya.kyahhh pinalo ko tuloy siya sa braso niya at tawa naman siya ng tawa bago umalis sa kwarto ko.
Mapang asar talaga tong lalakeng to,kagabi kasi habang kumakain kami ng cake bigla niya nalang nilagayan ang mukha ko kaya bilang pasimuno pati narin ang mga maid na pinadala niya nilagyan rin ako ng icing sa mga katawan ko huhu
At talking about sa mga maid ni paul,sabi niya kagabi na much better na kami nalang raw muna ni paul sa mansion niya,pero hindi ibig sabihin non na ako ang magiging maid niya dito...waaahhh ang sweet.
Tumayo na ako at kagaya ng araw araw kong ginagawa ay naligo na ako sa banyo habang kumakanta,nagbihis, nagsipiyo,kumain,sipilyo ulit, at pumunta na ako sa kwarto ni paul
"Tara na "sabi niya at hinawakan niya ang kanang kamay ko.
Pero bago muna kami pupunta sa bahay nila sophie dumaan muna kami sa isang mall at bumili ng regalo para sakanya.
***********
Nandito na kami ngayon ni paul sa bahay ay este mansion nila sophie ,grabeeeee sobrang lawak dito pero kung ikukumpara sa mansion ni, paul mas malawak parin ang kay paul pero hindi lang kasi ako makapaniwala sa sobrang ganda ng mansion nila Sophie kaso mukhang napaaga ata kami ng punta eh kasi kami palang ni paul at ang mga maid niya palang ang nandito.
"Hello insan..,owww kasama mo ngayon si ate venesse.hehe hello"sabi niya at ngumiti saakin.hehe naaalala niya pa pala ako.
"Hello,happy birthday "sabi ko at inabot ko sakanya ang regalo ko,puro chocolate lang naman yun kasi ang sabi saakin ni paul favorite niya raw ang mga tsokolate lalong lalo na ang Goya.
"Ito rin yung saakin insan"sabi naman ni paul at inabot kay Sophie ang regalo na ang laman ay make-ups
"Salamat,upo muna kayo ang aga niyo kasing dumating eh."sabi niya kaya sinunod nalang namin siya.
Fast forward.
Padami na ng padami ang mga bisita sa bahay nila sophie ,ang iba busy ,ang iba naman nag uusap habang kami ni paul nakupo lang sa kinauupuan namin simula pa kaninang umaga.
Grabe ang gagara ng mga suot nila kung ikukumpara mo sa suot ko,sabagay isa naman pala akong nerd at kailangan kong sumuot ng eyeglasses at mag pakamanang
Biglang nagkaroon ng sparks ang mga mata ko nang makita ko ang sobrang daming masasarap na pagkain sa lamesa hindi naman kalayuan saamin.
"Gusto mo nanamang kumain?"tanong ni paul.huhu nakakahiya ,kanina pa kasi ako kain ng kain dito huhu hindi ko mapigilan kasi ang sasarap ng mga pagkain....
"Oo"sabi ko at tumango tango pa
"Haha,sege kumuha ka lang don"sabi niya kaya dali dali akong umalis muna sa tabi niya at kukunin ko na sana ang sliced cake na nasa plato na kaso may nauna na saakin.
S-si Catherine.pshhh
"Minsan kailangan mong bilisan para hindi ka maagawan ng iba.ow hi Venesse Alcantara"sabi niya with matching sungit face pa.psh yabang
"Kahit alam mong ikaw na ang nauna mas lamang parin ang nasa puso niya.at ako yun Catherine"sabi ko.hmmm ayokong maging mahina,wala ata sa vocabulary ko ang maging mahina.
"Ayoko ng gulo venesse ,darating ang parents namin ni paul at mag uusap sila ngayon about sa future namin kaya kung ako sayo umuwi kanalang at umiyak sa kwarto mo"bulong niya sa tainga ko at umalis na dala dala ang cake na sana ay para saakin.
"Wala na akong gana"sabi ko sa sarili ko at bumalik nalang ako sa upuan ni paul.
"Oh nabusog ka ba?"tanong ni paul saakin pero sasagutin ko na sana ang tanong niya kaso bigla nalang nagpakita sa harap namin si Sophie
"Kuya ,pinapatawag ka ng Daddy mo"sabi ni sophie
"Umm ok,babalik ako venesse stay ka lang dito huh"sabi ni paul at umalis na.
"Umm sophie?"tanong ko nang makatalikod siya
"Ano?"tanong niya habang nakataas ang isa niyang kilay at parang may kakaiba sa boses niya ngayon,umupo siya sa tabi ko at nagulat nalang ako sa kasunod na sinabi niya"Venesse ang pangit pangit mo at para saakin babawiin ko na ang mga sinabi ko nang nag bakasyon ako sa thailand noon .hindi kayo bagay ng pinsan ko dahil mas boto ako kay ate catherine,naiintindihan mo?"
"S-sophie"
"Wag mong banggitin ang pangalan ko ,hindi tayo close."sabi niya.hmmm lumalaban kang bata ka huh.humanda ka saakin dahil may napakalaking sorpresa akong ibibigay sayo ngayong kaarawan mo.
Umalis na siya at pumunta siya sa table kung nasaan nandoon sina paul at catherine at ang parents nilang dalawa.
Teka.... nanay yun ni catherine?bakit parang ang tanda niya na at kulubot na ang mga mukha niya tapos familiar pa yung mukha niya kaso hindi ko masyadong maanigan dahil nasa malayo sila.
Hmmmm
----------------
Paul point of view
"Hi insan ,kakatapos ko lang kausapin si venesse,grabe ang cute niya talaga hehe"sabi ni sophie pero ngumiti nalang ako kahit hindi naman ako masaya
"Paul nakikinig ka ba?"tanong ni daddy pero to be honest ang sagot ko ay isang napakalaking HINDI."masyado akong busy this days kaya ngayon lang tayo muling nagkitakita."
"Dad,ilang ulit ko bang sabihin na ayoko kay catherine"sigaw ko ng napakalakas habang nakatayo ako kaya feeling ko lahat na ng tao na nandito ngayon ay nakatingin na saakin.pero wala akong pake,hmp paulit ulit ko nalang bang sabihin sakanila na hindi si catherine ang gusto ko.
Umalis na ako sa table nila at bumalik ako kay Venesse.
"Anong n-nangyari?"tanong niya at umupo agad ako sa tabi niya at hinawakan ko ang kamay niya"uy halos lahat sila napapatingin saatin.ah este sa kamay natin"bulong niya
"Wala akong pake,gusto kong ipakita sa kanilang lahat na ikaw lang ang gusto ko"sabi ko at bigla nalang siyang namula .haha nakakatawa ang reaksiyon niya kaya hinalikan ko nalang siya sa noo niya"Tara umalis na tayo dito"sabi ko.
hayss sana pala hindi nalang kami pumunta ni venesse dito.
BINABASA MO ANG
Venesse Death Tears(Complete)
Fantasy(Completed!) Highest rank Achieved#40 in fantasy (05/12/18) Lahat ng tao pwedeng masaktan, karamihan sa kanila ipinapakita ito sa pamamagitan ng pag iyak. Lahat ng Tao pwedeng maging Masaya karamihan sa kanila kapag sumobra naiiyak na Lahat ng Tao p...