(ang chapter na to ay pawang gawa ko lamang hehe)
3rd Person's Point of view...
No one's can brake the rule.
Sabihin na nating nagsimula ang sumpa sa isang magkasintahang sina Hank at Jewerly.
3,000BC (before christ) sa isang lugar kung tawagin nating ponka.
Maraming batas, maraming digmaan, maraming suwail at maraming sawi
Isa na sa batas ng lugar na iyon ay ang huwag umibig sa lalaking nasa iba ang lahi.
Sinuway ni Jewerly ang isa sa batas kaya ang kanyang mahal na si hank ay pinakuha ng hari at isinunog sa apoy.
Apoy na walang hanggan na kung tumigil.
Umiba ang tibok ng puso ni Jewerly nang nasaksihan ang pagkamatay ng gusto niyang lalake kaya sumumpa ito.
Sumumpang pag babayaran nila ang lahat ng ginawa nila sa lalaking pinaka mamahal niya.
Sabihin na natin na isang prinsesa si Jewerly at nag kagusto lamang ito sa isang alipin mula sa ibang tribo kaya sumuway sila sa iisang batas ng ponka.
Nakipag ugnay Si Jewerly sa kanyang step mother noon na ngayon ay mangkukulam na.
Tinuruan niya si Jewerly kung ano ang gagawin at habang niluluto ni Jewerly sa kanilang palasyo ang formula ay biglang natapon niya ito sa kanyang balat at lahat ay biglang umiba.
Ang formula na iyon ay kapag dadapo sa balat mo ay may maaring mangyari sayo. At yun nga yun, nagkaroon ng matinding kapangyarihan si Jewerly at lahat ng tao mula sa kanilang lugar ay napatay niya sa pamamagitan ng pag iyam
Nahihibang na siya.
Hanggang sa naging baliw na siya dahil ang akala niyang kapangyarihan ay sumpa pala.
Napatay niya ang pangalawang lalake na minahal niya sa pamamagitan ng pag iyak. Hindi lamang ang mahal nito ang napatay niya kundi marami pang tao.
Buntis si Jewrly noong araw na namatay ang lalakeng pangalawa niyang minahal at nang maisanggol ang bata pinasa niya rito ang sumpa sa pamamagitan ng iba't ibang formula pero walang nangyari.
Hindi siya sumuko. At hanggang sa naging 5 taong gulang na ang kanyang anak na babae at sinubukan niya ulit ang ritual at tumalab na ito.
Gumawa si Jewerly ng isang libro at noong lumaki ang kaniyang anak ay ipinasa niya rito.
Nakasulat roon ang gagawin at huwag gagawin sa sumpang iyon. Pero hindi pa pala kompleto lahat ng inpormasyong iyon dahil hindi nila malaman laman kung paano ba mawawala ang sumpa sa isang tao.
Paulit ulit lang ang nangyayari.
Dahil sa pagkakabaliw sa sumpang iyon ay pinag pasa pasa nila ito sa isang batang 5 gulang at hanggang sa sumapit ang panahon natin ngayon ay nanjan parin ang sumpa
Na kay Venesse.
Kay Venesse na ngayon ay naka bigti na sa stuckroom na malapit sa gymnasium.
Hindi ko masabi ang paraan pero bakit nga ba hindi binigay ng matandang iyon ang libro kay Venesse nang magabayan naman siya nito.
Hindi alam ni Venesse na wala ring mapapala ang ginagawa niya ngayon.
Kahit ang magpaka saksak ka pa ng kutsilyo sa sarili mo, kahit mag pa sagasa ka pa sa truck, kahit magpasunog ka pa sa apoy.
No one's can break the rule.
Gaya ng nasabi sa librong isinulat ni jewerly.
Ang sumpa ay sumpa ang tangi mo lang magagawa ay ipasa sa iba ang sumpa para sayo ay mawala.
Another rule is habang patanda ng patanda ang taong pinasahan ng sumpa ay lalong lumalala ng lumalala ito sa kanya.
Tignan natin kung ano na ang nangyari kay Venesse ngayon.
Matapos ng napakaraming pag patak ng luha niya ay imunulat niya na ang napakaganda at asul niyang mata.
Lahat ng nasa paligid niya ay duguan. Isa lang ibig sabihin non dahil ang mga taong duguan ay nakita si venesse na naka bigti.
Hinawakan niya ang napakatibay na tali at laking taka niya nalang na wala ni isang sugat ang dumapot man lang sakanya.
Isang himala.
Inalis niya ang tali sa kanyang leeg at saka naman bumaba na roon sa itaas.Tumingin muna siya sa paligid bago pinunasan ang mga luha niya.
Sobrang napakalaking pagtataka ang pumalibot sa utak niya at sobrang daming tanong ang nasa isip niya.
'bakit hindi ako namatay?, bakit walang nangyari?, anong nangyayari?'
Sa araw na ito na nangyari sakanya ay iisa lang ang ibig sabihin non hindi niya na ma control ang sarili niya.
Bumalik na siya sa classroom nila na magang maga ang mata niya at nawala na ang contact lense niya kaya lahat ng studyante nagtataka sakanya.
Well wala namang pake si Venesse kung makilala pa siya na siya ang dating Venesse. Ang nakaka alam lang naman ng totoo niyang katauhan noon ay ang principal, ang babaeng puti ang buhok at Si Paul. Sila lang ang nakaka alam na kayang pumatay ni Venesse sa pamamagitan lang ng pag iyak.
Back to the History.
Sa dinami rami ng taong napasahan ng sumpa ay ni isa sakanila ang hindi nakaka alam kung paano ito mawawala. Tanging ako lang ang nakaka alam hehe.
BINABASA MO ANG
Venesse Death Tears(Complete)
Fantasi(Completed!) Highest rank Achieved#40 in fantasy (05/12/18) Lahat ng tao pwedeng masaktan, karamihan sa kanila ipinapakita ito sa pamamagitan ng pag iyak. Lahat ng Tao pwedeng maging Masaya karamihan sa kanila kapag sumobra naiiyak na Lahat ng Tao p...