C46

1.7K 25 2
                                    

Venesse Point of view...

Bigla akong nagising dahil sa liwanag na naaaninag ko ngayon.teka nasa hospital ba ako ngayon?buhay ako,buhay si paul

Bigla akong bumangon at kaagad kong nakita ang isang balita sa TV

"Nakakapagtataka dahil sa hospital na ito ay mayroong 5,000 plus na tao ang narito ngayon,ngayon lang nangyari ito"sabi ng reporter ,teka wala na akong sumpa!

Wala na ang sumpa!

Waaahhh ang saya saya ko,pero wow lang huh ang dami ko palang napatay

'Lahat ng pinatay ay mabubuhay, pag sumpa'y magugunaw,lahat ng matagal nang buhay ay papanaw kung sumpa'y magugunaw

Ngayon naganap na ang kasulatan na nasa libro,ang huli Kong maalala noong nasa mall ako biglang natumba ang ina ni catherine ,siguro patay na siya ngayon at pati narin si lola jewerly hayss sa wakas at namayapa na ang kaluluwa nila

"Oww gising ka na pala,sa dinami rami ng nandito sa hospital ngayon ikaw lang ang matagal na nagising"sabi ng nurse na kakarating lang din

"Nasaan si paul?nasaan sina mommy,si daddy?ilang araw ba akong nandito sa hospital?"tanong ko na parang nagtataranta

"Dahan dahan lang sa pagtatanong miss,ang mga pamilya mo ngayon ay nasa sarili na nilang bahay ,magiging masaya yun sila kapag nalaman nilang gising ka na at ipapadala ka nalang namin sa bahay ninyo kapag magaling kana at yung huli mong tanong.ummm isang buwan mahigit ka na siguro na nandito sa hospital"paliwanag niya,wow ang tagal ko na palang nakatulog dito?sobrang sakit kasi ng katawan ko pero ngayon ayos na ako

"Gusto ko na silang makita , ok na ako ngayon at mas lalong magiging ok ako kapag nakita ko sila."pagmamakaawa ko sakanya

"O sege aayusan lang kita"sabi ng nurse at pinasuot niya ako ng magandang dress at inalis niya na ang eyeglasses ko at pati ang contact lenses ko at sinuklay niya ang napakagulo kong buhok

Tumingin ako sa salamin at grabe,ang laki na ng pinagbago ko,ang Ganda ko.

"Ok Tara na"sabi ng nurse at ngumiti naman ako sakanya,excited na akong makita sila

Fast forward....

Nandito Na ako sa harap ng bahay namin ngayon at laking gulat ko nalang dahil may agad na tumakip sa mata ko.

"Nurse ano po to?"

"Surprise to venesse"sabi ni p-paul? Waaahhh hindi na ako makapaghintay at niyakap ko na kaagad siya ,miss na miss ko na ang lalakeng to,pati narin ang boses niya at ang mukha niya,lahat,lahat ng nasa kanya namimiss ko na.

Dahan dahan niya akong nilakad pahakbang habang nakatakip parin ang mata ko

"Uy ano to?"

"Surprise nga wag kang makulit"sabi niya ,haha ang kilit ko pala"ang Ganda mo ngayon huh"sabi niya kaya namula tuloy ang mukha ko waaahhh kinikilig na po ako"ok mag bilang ka ng tatlo at bibitawan ko na ang kamay ko sa mata mo"

"Isa"

Kung noon ,nagbibilang ako para sa kamatayan ng isang tao

"Dalawa"

Ngayon nag bibilang na ako para sa ikasasaya ko

"Tatlo"

"Surprise!"sigaw nilang lahat.

Venesse Death Tears(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon