Venesse Point of view..
Sabado na ngayon at nananatili parin akong nakahiga sa kama ko,
Time check 5:00 am. Maaga pa naman.
Maaga talaga akong nagising dahil kinakabahan ako sa ano mang mangyari mamaya.
May halong kaba, at masaya ang nararamdaman ko ngayon habang iniisip ko kung ano man ang mangyari mamaya sa pag dalaw namin sa puntod ni Jenny.
Kinakabahan ako dahil kay Paul. Alam kong medyo loko loko rin yun baka ipag buking lang ako kay Kive na crush ko siya at simula pa kagabi di maalis sa isip ko kung paano niya ba nakuha ang mga impormasyong yun tungkol kay Kive. Psf di na ako mag tataka. Bakla talaga tong paul na to at pati kay Kive nan sto-stalk siya hahah.
Masaya rin ako para sa kung ano mang mangyari mamaya dahil makakasama ko ulit ang nag iisa kong insperasyon at isali na natin si Kambal yieee ang saya na sana kaso mag pa pa epal pa yung Paul na yun. Swerte niya nalang kasi pinayagan siya ni Kive na sumama. Ash bat ba kasi pinayagan pa siya huhu.
Hindi ko alam kong mababagot ba o ma e excite akong tumayo at maligo sa banyo kaya lang naman ako nag kakaganito eh kasi dahil sa Paul na yun kainis.
Tumayo na ako sa pagkakahiga ko at naligo na sa banyo habang kumakanta, pagkatapos kumain at nag paalam sa sarili naming bahay.
Kailan kaya darating si Mommy galing sa business trip nila? Hayss miss ko na siya.
Pumara na ako ng taxi dito sa labas at dumeretso na sa sementeryong pupuntahan ko.
Hindi pa ako nakakapasok don kinikilabutan na agad ako sa di ko masabing dahilan huhu.
Pagpasok ko sa sementeryo di na ako nahirapan na makita sina Paul, Veronica at si Kive dahil kaunti lang naman ang tao sa sementeryo ngayon. Wow ha ang aga nilang nakarating. Excited lang ampeg?
Lumakad na ako papunta sa kinaroroonan nilang tatlo kaso naiirita ako dahil ang mga mata nila nakatitig lang saakin. Center of attraction ganon.
Yumuko nalang ako at sawakas nasa harapan ko na sila ngayon.
"late?" tanong ni Paul na halatang galit o sadyang pa cold lang siya. Grabe iba talaga ng mood tong lalakeng to
"good morning Venesse" bati saakin ni Kive. Oh buti pa si Crush sinalubong kaagad ako ng magandang umaga hindi gaya nitong Paul na to na parang may napkin sa brief o sabihin nating dinudugo siya ngayon.
"kambal!" sigaw naman ni Veronica at niyakap ako kaya siguro di na mag tataka ang dalawang boys, dahil alam narin naman nila na kung bakit kambal tawagan namin ni Veronica siguro nasabi naman ni Veronica sa kanila. Ito pa na sobrang daldal ng mood
"oh hello" sabi ko at binitiwan niya na ako sa pagkayakap. Wala talagang araw na di ako mamimiss nitong kambal ko eh noh.
Nakita ko naman si Kive na biglang umiba ang mood Bigla siyang nalungkot kaya na guilty nanaman ulit ako.
Hinawi hawi ni Kive ang puntod ni Jenny kasabay ng pag patak ng luha niya. Kaawa awang Kive.
"psh Drama! " narinig kong bulong ni Paul kaya agad naman akong tumabi sakanya at pinalo siya sa hita niya. Napaka baliw! alam niya na nga na nalulumbay na yung tao tapos pag sasabihan niya pa yung crush ko na madrama wew. "ano?"
"tumigil ka nga sa kakabulong jan para kang ewan na kinakausap mo ang sarili mo!" sigaw ko kaya sina Veronica at Kive saaming dalawa na ang atensiyon
"may dalaw ba kayong dalawa?" tanong ni Kive
"napapansin ko palagi nalang kayong mag kaaway" sabi naman ni Veronica.
BINABASA MO ANG
Venesse Death Tears(Complete)
Fantasy(Completed!) Highest rank Achieved#40 in fantasy (05/12/18) Lahat ng tao pwedeng masaktan, karamihan sa kanila ipinapakita ito sa pamamagitan ng pag iyak. Lahat ng Tao pwedeng maging Masaya karamihan sa kanila kapag sumobra naiiyak na Lahat ng Tao p...