Venesse Point of view..Pagkatapos nang lahat ng pangyayari na nag simula sa pag kwekwentuhan namin ni Kive hanggang sa kalagitnaan ng pag iyak niya, ngayon naman ay tapos na ang klase at pwede nang umuwi.
Gusto na sana ni Kive na ihatid ako sa bahay kaso tumanggi ako sa pagkakataong ito dahil hihintayin ko pa ang kamatayan ng principal na iyon.
Gusto ko rin sanang patayin yung babaeng nagsumbong saakin kaso hindi ko siya nakikita eh.
Dahan dahang lumiit ang mga studyante sa campus na ito at lalong dumidilim naman ang langit dahil patakip na ang araw.
Ang ganda ng pagkawala ng araw.
Time check 2:15pm.
Kyahhh.kainis naman na relong to oh! Ilang beses ko bang paulit ulitin sa sarili ko na sira tong relo ko.
Sira tong relo ko.
Kyahhh ash kainis. Tinapon ko nalang ang relo ko palayo saakin dahil sobrang naiinis na talaga ako. Sobra.
"Iha" Ay mamatay kang prinsipal ka!. Hayss kagulat man tong gard na to oh na basta basta nalang sumusulpot"bakit di ka pa umuuwi sainyo? "
Hindi ko alam na sa araw na ito may mga tao pa palang concern sa kapwa nila tao.
" may tao po ba diyan sa loob? "tanong ko habang tinuro ko ang principal office para makasigurado naman ako.
Arsh kanina pa kaya ako naghihintay rito nakakainis na ha.
" ahhh umuwi na po ang principal iha. Ikaw umuwi kana rin sa inyo"sabi niya wow huh buti pa siya ginagawa niya sa ibang tao ang gumamit ng 'po' kahit siya pa yung nakakatanda kesa saakin,ang bait ni Gard pero wala na akong sinabi kundi umalis na lang doon.
Gabing gabi na at sure akong nag aalala na sila mommy saakin sa bahay.
Wala akong choice na maglakad pauwi dahil wala namang magpapasakay saakin na taxi. I think 7 pm na ngayon grabe gabing gabi na talaga ako ng uwi. For the first time.
Habang naglalakad ako sa tulay bigla nalang akong nawalan ng hininga at nawalan na ako ng malay sa di ko malamang dahilan.basta nangyari nalang ang nangyari na hindi ko namalayan.
*******
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nagpapasakit ng mata ko.
Hindi ko binuksan ang mata ko dahil parang may naka dikit dito kaya dinapo ko ang kamay ko sa mata ko para kunin ang mga matitigas kung muta.
May naamoy akong malalansang dugo. Hmm naamoy niyo din ba yun?
Minulat ko na ang mga mata ko at sobrang dilim ng nasa paligid ko na tanging sikat ng araw mula sa bintana lang ang naaanigan ko.
Nasa isang lumang building ako ngayon pero ewan ko ba paano ako napadpad rito.
Isip isip.
Ah naalala ko na.
Sa tingin ko na kidnap ako at ang kumidnap saakin ay itong mga duguan na nasa paligid ko ngayon.
Haha. Hindi nila ako makukuha ng basta basta noh.
Umuwi ako sa bahay na duguan ang damit buti nalang at medyo tuntun ko pa ang daan pero Arsh mag aalala na si mommy saakin ngayon.
Pagkarating ko sa bahay eh wala akong mommy na naabutan kaya dumeretso nalang ako sa kwarto ko at naligo at nag bihis ng uniporme.
Hahabol ako sa school dahil may kailangan akong gawin at kung hindi ako papasok ngayon alangan naman na ipapalunes ko pa ang pagpatay ko sakanya?
Ayoko nang pinaghihintay ako.
Nag taxi na ako papuntang school at sakto lang ang dating ko dahil nag kla-klase pa sila.
Imbis na dederetso ako sa classroon ay sa principal office ako pumunta, perfect timing dahil walang ka studyante studyante sa paligid at walang makakakita sa pagpatay kundi ang cctv lang.
Napaghandaan ko na rin naman ang cctv na yun dahil naka color white na hood ako ngayon kaya di mahahalata ang itsura ko.
Here we go.
Kakatok na sana ako sa principal office kaso bigla namang may dumaan na dalawang studyante na nag uusap sa likuran ko.
Nag cutting class ba sila? Tf.
"nabalitaan mo yun?"tanong ng isang babae
"oo nga eh, patay na raw ang matagal nang hinahanap ng mga pulis na mga kidnapper sa mga babae." sabi naman ng isang babae.
Kidnapper.?
Namatay.
Mukhang alam ko na ang pinag uusapan nila at wow ha ang bilis nila makasakhap ng balita.
Hinintay ko silang mawala roon bago ako kumatok sa pintuan ng office.
At sakto naman dahil sawakas at nasilayan ko na rin ang pinakahihintay kong patayin.
Ang prinsipal
"good morning ma'am" magalang kong sambit at ngumiti naman siya saakin.
"take your sit, anung kailangan mo iha? " tanong niya na may mahinahong boses. Parang good mood siya ngayon ah well tignan nalang natin ngayon.
"kasi ma'am binully nanaman po ako,mag hihingi lang po sana ako ng paumanhin na i expelled niyo siya rito sa campus" sabi ko ng pahikbi hikbi, ngayon ay umiiyak na ako sa harapan niya.
"yun lang pala," mahinahon niyang sambit"umalis kana rito dahil wala naman akong maitutulong sayo"sigaw niya kaya sinunod ko naman ang bilin niya.
Lumabas na ako sa principal office.
Haha ngayon na ang kamatayan mo.
Pumunta ako sa cr na maraming tao at inalis ko roon ang hood ko at tinago ko sa bag ko nang saganon ay hindi ako mapagbintangan.
Mag iingat na ako ngayon
"ahhhhh!" sigaw ng isang teacher sa may hindi kalayuan rito.
Alam ko na kung anu yung ingay na yun kaya lahat ng studyante ay napalapit sa principal office at isa na ako roon para naman hindi mahahalatang ako ang pumatay.
Dumating narin ang maraming pulis. Psh wala kayong magagawa diyan!
Kung patay. Patay di na yan mabubuhay pa.
Good bye prinsipal....
BINABASA MO ANG
Venesse Death Tears(Complete)
Fantasía(Completed!) Highest rank Achieved#40 in fantasy (05/12/18) Lahat ng tao pwedeng masaktan, karamihan sa kanila ipinapakita ito sa pamamagitan ng pag iyak. Lahat ng Tao pwedeng maging Masaya karamihan sa kanila kapag sumobra naiiyak na Lahat ng Tao p...