C33

964 14 0
                                    

Venesse Point of view..

Waaah ang sarap ng ice cream gusto ko pa tuloy kumain ng isa o dalawa pa?hehe

What the? Hindi pa nila ubos ang sakanila?huhu ang bagal naman nilang kumain naiinggit tuloy ako

"Gusto mo pang kumain venesse?"sabay na tanong nina paul at kive.nakakahiya naman

"Ako gusto ko pa hehe"pabebeng singit naman ni catherine,

"Catherine Di mo pa nga nauubos yang sayo eh"sabi ni kive sa kadahilanang napatawa ako ng kunti hahaaha pabebe mo kasi

"Eh ayoko tong flavor eh,kuya paul libre mo ko please"pagmamakaawa ni catherine kaya pumayag nalang si paul sa gusto niya...tsk palusot kapa jan eh

"So venesse ikaw ,gusto mo pa bang kumain?kasi ako oo gusto ko pa hehe pareho kasi tayo ng paborito eh"waaaah ang cold ng boses niya,, nakakainlove alam niyo yun? Naalala ko tuloy, oo nga pala noh nang dahil sakanya kaya ko naging paborito ang ice cream na to.

Tumango tango ako sakanya na para bang nananabik nang kumain ng ice cream ,I mean ,sabik na sabik na talaga akong kumain eh waaah

Tumingin ako sa cashier pero hindi ko namalayang nakatingin pala saamin si paul,kanina pa ba siyang nakatitig jan?hmmm curious ako.

Pumunta na si kive sa cashier habang ako rito nag iisa nalang na nakaupo kaso biglang dumating sina Catherine at paul kaya naging awkward narin at biglang natahimik ang lahat

"Excuse me kailangan ko lang mag banyo"sabi ni paul at agad nang umalis. marami rin siyang nakain na ice cream kaya siguro na po-poopou na siya.h aha

Tumingin ng masama saakin si Catherine.sa palagay ko may masama tong balak eh.pumunta siya sa harapan ko at umupo at..

"Wag na wag mong aagawin saakin si paul venesse hindi mo ba alam na ikakasal na kami sa future?at wala ka nang magagawa doon"sabi niya .psh parang sino kung makapag salita ito,sege lamunin mo lang si paul wala akong pake.

"Aray"sabi ko dahil bigla niyang sinipa ang paa ko sa baba

"Venesse heto na ang ice cream mo oh "sabi ni kive at inabot saakin ang dalawang chocolate na sugarcone ice creams

"Hi kive"sabi ni catherine ,psh pabebe

"Hello?"tanong ni kive at umupo siya sa tabi ko habang kinakain ang ice cream

"I wish I could be that ice cream so you can eat me just like that.hmmm"sabi niya..yaksss landi ng Catherine na to,kakasabi niya lang kanina na wag kong agawin si paul sa kanya tapos ngayon nilalandi niya naman si kive.pshhh nababagay talaga sa putikan

Tinignan ko si kive at wala man lang ka emosyon emosyon ang mukha niya ..kilalang kilala ko tong si kive wala lang siyang pake alam sa mga babaeng nagkakagusto sakanya lalo na kapag nilalandi siya pero once na nanahimik at hindi umiimik yan ibig sabihin galit na galit yan sa kalooban niya.

Minsan kasi ,ang isang tao hindi mo makita kung ano ang nasa kalooban niya kung nasa mukha ka lang bumabase

"Pero wag ka masyadong mag assume kive ,cute ka lang pero hindi kita gusto dahil si paul lang ang mahal ko.and by the way ,bagay kayo ni venesse"sabi niya at napatingin nalang kami ni kive sa isa't isa"see? Nagkatinginan pa kayo sa isa't isa at for me isa kayong cute couple kaso hindi cute si venesse eh sorry"sabi niya psh akala mo naman cute rin siya hindi kaya pero kinilig ako ng kunti nong sinabi niyang bagay kami ni kive.

"I'm back"sabi ni paul na ngayon ay nasa likod namin ni kive"tara na venesse ,bibili pa tayo ng mga appliances"sabi ni paul at

"Sabay ako"sabay na sabi nina Catherine at kive

"Anong bibilhin niyo doon?"tanong naman ni paul

"Sira kasi ang bulb namin sa bahay kaya naisipan ko nalang na bumili ng bago"sabi ni kive.

"Bibili lang ako ng bagong air-conditioning kasi nasira ko yung luma namin"sabi ni catherine sabay ngiti.hayss hindi na ako magtataka peke yang pinapakita niyang ngiti saamin

"Ok"sabi ni paul at hinawakan niya na ang braso ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa mga appliances

"Bro ,kailangan ba talagang nakahawak ka sa braso ni venesse?"tanong ni kive

"Oo nga nagseselos tuloy ako na fiancée mo"sabi naman ni catherine habang ako dito tahimik nalang na nakatingin sa kanilang tatlo

"She's under on me,sa bahay ko siya tumitira,ako nagpapaaral sakanya at tinutulungan ko siya"sabi ni paul"at hindi ko siya papakawalan pa"sabi ni paul sa kadahilanang kinilig ang buto ko

She's under on me

"Porket marami ka nang naitulong sakanya, pwede mo nang hawakan ang braso niya?"tanong ni kive .hmmm mukhang mag aaway nanaman ata tong dalawang to eh

"Uy teka teka bakit si venesse lang ang pinag aawayan niyo?"tanong ni catherine. Bakit catherine,gusto mo rin bang makita na nag aaway sila nang dahil sayo?,nakakairita kaya at nakakainis

"Itigil niyo na nga yan,paul pagkatapos mong bumili dito uuwi na tayo pero wag mong hawakan ang braso ko para wala nang gulo"sabi ko at nauna na akong pumasok sa loob ng appliances store

*Ring ring ring*

"Excuse me"sabi ni paul at umalis sa harap nila kive para sagutin ang tumawag sa phone niya

Pumunta naman si kive sa mga may bulb at si catherine naman ay kung saan may air-conditioning habang ako dito lang sa cashier nakatingin sa malayo kung nasaan  si paul ,aba syempre tutunganga lang ako dito kasi hindi ko naman alam kung ano ang bibilhin niya dito.

Lumapit si kive saakin .ah este sa cashier pala para mag bayad sa napili niyang bulb,nakatingin  lang ako sakanya ,aba wala naman kasi akong ginagawa ditk eh

Habang minamasdan ko siya ,lalo siyang kumo-cute sa paningin ko.yieeee

"Ito na po ang change niyo sir"sabi ng cashier at binigay kay kive ang 2050 na sukli

Habang minamasdan ko siya ,hinulog niya ang 2050 sa may lata na nakasulat na 'Bantay bata 163'

Ang bait niya.

Bilang isang stalker niya noon.oo sobrang bait niya talaga kaya ko siya naging crush .noon hanggang ngayon, dati rati paman  sinusundan ko na siya dito sa mall at kapag may sukli siya hinuhulog niya talaga sa lata na yun para makatulog sa mga batang nangangailangan ng tulong

Haysss na tu-turn on tuloy ako dito kay kive ko.

Sa tingin ko nakatulala na ako ngayon at parang natutulo na ang laway ko sakakatitig sa kanya.haysss kive bat ang cute at sobrang bait mo?

"Venesse!"panira moment naman tong sumigaw ng pangalan ko o"venesse"

"Ano?"tanong ko na may halong pagkainis

"Uuwi na tayo dahil mag eempake pa ako,tara na"sabi niya.

Mag eempake?saan?at bakit?aalis na ba siya?saan siya pupunta?

Tatanungin ko pa sana siya kaso hinawakan niya na ang kamay ko at tumakbo

Sayang naman oh ,hindi pa ako nakapagpaalam kay kive my labs ko

"Wag kang mag alala dahil kamay mo na ang hawak ko ngayon,hindi ang braso mo"

Asus , mas ok na nga na sa braso mo ko hawakan kesa sa kamay ko

"S-saan ka p...."hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya

"Sa Laguna"

Venesse Death Tears(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon