C27

953 14 0
                                    

Venesse Point of view

Sobrang tanga ko,hindi ko na control ang pag iyak ko.paano na to? Nag-aalala na ako Kay kive sa kung ano mang mangyari sakanya

Sobrang dami ng nangyari, hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil crush rin ako ng crush ko o magiging malungkot ako dahil nasa kapahamakan na siya ngayon.

Kanina,hindi ko alam na napaluha nalang ako sa pag confess niya saakin sa park ,mabuti nalang at naisip kong madidisgrasiya lang siya kaya sana naman totoo yun at hindi siya mamamatay.

Nag open ako ng Facebook ko at may nakita ako sa isang page na balitang may nadisgrasiyang kotse.

Inalam ko kung saang hospital ba sila ngayon at mabuti nalang at naroon ang inpormasyon.

Nagbihis na ako at nagmadaling lumabas kaso.

"Saan ka pupunta?"nakalimutan kong nasa pamamahay pa pala ako ni paul.

Pinakita ko sakanya ang cellphone ko at binasa niya ang nasa article. By the way kanina ko pa siya hindi pinapansin,hindi ako umiimik kapag may tinatanong siya saakin ah basta nag tatampo ako sakanya ngayon

"Sasama ako,baka mapano ka pa doon"sabi niya

"Hindi pwede!"nabilis kong sagot

"May pamasahe ka ba?"-siya

"Maglalakad lang ako"-ako

"Eh sobrang layo ng hospital na to"-siya

"Wala akong pakialam,kaibigan ko siya at titiisin ko ang lahat para lang madalaw ko siya"-ako

"Kaibigan lang ba talaga?"-siya

"Hindi mo ako maintindihan"sigaw ko halos gusto ko nang maiyak kaso ayoko nang mawalan pa ako ng kaibigan pero bakit hindi ako maintindihan ni paul diba dapat kung may kaibigan ka, siya ang karamay mo sa mga problema mo ,pero bakit?"ako ang dahilan kung bakit siya nasa hospital ngayon ,hindi ko sinasadya"sabi ko sabay yuko na walang nailalabas na luha sa mga mata ko at naramdaman ko nalang ang kamay niya sa balikat ko

"Sege pumunta ka na doon ,gamitin mo na ang kotse ko mag ingat ka ha"sabi niya at ibinigay saakin ang susi ng kotse niya.

"Salamat"sabi ko at nagmaneho na paalis ng bahay niya

Masyadong masakit sa kalooban ko na hindi ko man lang kayang umiyak, hindi ko man lang kayang ilabas ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag iyak.gusto kong umiyak kaso buhay naman ang kapalit sa isang luhang papatak sa mga mata ko.

Ilang minuto ng pagmamaneho ko ay sawakas at nakarating narin ako sa hospital at dumeretso ako sa information para mag tanong kung nasaan bang room si Kive ngayon,at tinuro niya naman kung nasaan kaya dali dali akong pumunta doon.

"Kive"sabi ko,naaawa ako sa mukha niya ngayon.sugatan siya at ang daming dugo sa mukha niya.kasalanan ko to eh.gusto Kong umiyak sa awa pero hindi pwede

"V-venesse?"sabi naman ni kive ng mahina

"Oo nandito na ako.magpagaling ka huh."sabi ko sabay upo doon sa upuan malapit sa kanya

"Si Veronica,nasaan siya?"tanong niya..si kambal? Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon pero kinakabahan ako sa tanong ni kive"ayos lang ba siya"

"Anong nangyari?"tanong ko ng may halong pag aalala.

"Nasama siya sa aksedente ,kasalanan ko to eh hindi kasi ako nag maneho ng maayos"a-aksedente?

Tumayo kaagad ako sa kinauupuan ko at bumalik sa information para tanungin kung nasaang room ba si Veronica ngayon

Hindi mo kasalanan ito kive,, kasalanan ko to,ayokong mawalan nanaman ako ng mahal sa buhay dahil tinurin ko na ring parang isang pamilya ang kambal ko.sana naman ayos lang ang lagay niya.

Dali dali akong pumasok sa room ni kambal.

Pagbukas ko ng pinto bumungad saakin ang tulog kong kambal na maraming tissue ang pumalibot sa paa at kamay niya.kaawa awa siya kesa kay kive.

Gusto kong umiyak dahil sa awa kaso bawal.

Napagdisisyonan kong umalis na muna sa hospital at pumunta sa lugar kung nasaan tahimik at walang tao, gusto kong umiyak, gusto kong ilabas ang lungkot na nasa puso ko.

---------------

Paul Point of view...

Kamusta na kaya si venesse doon? Sana naman nasa mabuti siyang kalagayan.

Kanina pa ako paikot ikot na naglalakad dito sa kwarto ko dahil sa pag aalala ko kay Venesse gabing gabi na kasi pero hindi parin siya nakakauwi

Paano kaya kung na hospital rin ako , dadalawin rin kaya ako ni Venesse? Mag aalala din kaya siya para saakin katulad ng pag aalala niya kay kive?

Ash nagseselos nanaman ako..

Nakakahalata na kasi itong si Kive  na may gusto siya kay Venesse eh tsk. Ayokong agawin niya si Venesse

Kinuha ko ang mahaba kong ahas at nilaro laro ko Ito(uy wag nga kayong green haha) kaso nag aalala parin ako eh kaya napagdisisyonan ko nalang na mag Facebook muna at may nakita akong link at pinindot ko yun.

Kasali rin pala si Veronica sa aksedente?.ayan kasi ta ta*ga tang* ang driver kaya yan tuloy na disgrasiya

Sobrang dami ng sugat ni Veronica at ayon sa article hindi pa siya nagigising.nakakaawa.

Inalam ko narin kung saang hospital sila ngayon at mabuti nalang at nakasulat doon.baka kasi naroon din si venesse. Nag aalala na talaga ako.

Pumunta na ako sa hospital at nag tanong kung saan ang room ni kive at Veronica kaso magkaiba pala sila ng room kaya ang una kong pinuntahan ay si Veronica na sobrang daming tissue na pumalibot sa buo niyang katawan at hindi pa nagigising.kaawa awa pero wala si venesse doon.

Sunod ko namang pinuntahan ay si Kive.

Pagdating ko doon tinitigan niya kaagad ako ng masama pero wala roon si venesse

"Nasaan si venesse?"tanong ko sakanya

"Nasa room ni Veronica,bakit?"sabi niya pero wala siya doon. Saan siya pumunta?lalo tuloy akong kinabahan."wag kang mag alala paul dahil malapit na siyang mapasakin.mag hintay kalang"sabi niya pero iniwan ko nalang siya doon at umuwi nalang ,nagbabakasakaling naroon na si venesse

Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na ako sa mansion at gaya ng sinabi ko kanina nandito na nga si venesse.nakatulala,parang wala sa sarili at nag iisa

"Venesse"sabi ko at lumingon naman siya saakin at kaagad akong niyakap"shhh tahan na"

"Gusto kong umiyak paul habang nanjan ka kaso hindi ko magawa,paul ako ang may kasalanan ng lahat ng to eh"sabi niya habang ako naman ay hinahaplos ang likod niya para patahanin siya

"Hindi mo sinasadya yung nangyari venesse shhh tahan na"sabi ko.

Kung mahal mo ang isang tao kaya mo siyang tanggapin kahit ano pang meron sa kanya.

Venesse.

Venesse Death Tears(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon