Venesse Point of view....
Isang araw na ang nakalipas pero hindi parin bumabalik si paul dito,ni hindi ko man lang alam kung ano bang ginagawa niya sa Laguna ngayon.
Namimiss ko na siya...
Bumangon na ako sa kama ko at sinimulan ko nang mag daily routine.may pasok kasi ngayon dahil lunes
Naligo na ako sa banyo habang kumakanta gaya ng dati, nagbihis ng uniporme ,kumain ng umagahan, at nagsipilyo
Boring pala kung nag iisa kalang noh.wala jan ang magulang mo at wala karing makakausap.
Ganyan si paul, nag iisa lang siya sa pamamahay na to na halos mga kasama niya lang ay mga hayop ,haysss kaawawang bata.
Lumabas na ako sa mansion ni paul para pumasok na sa school
"Good morning"sabi ng kapitbahay naming nagwawalis sa labas. hindi ko siya nakikita dati,siguro bagong lipat lang
"Good morning din po"sabi ko at ngumiti ako sakanya, I think 50 years old palang siya pero ang cute niyang ngumiti .hihi
"Mag isa kalang ba diyan iha?"tanong niya saakin.
"Sa ngayon po oo, nasa Laguna kasi ang kasama ko....."hindi ko napatuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sakanya, auntie ba? Tita? Ale?pshhh bahala na"ate"
"Ahhh ,ummm ako nga pala si Jolie at ok lang rin saakin na tawagin mo akong ate jolie,by the way ,haysss ang hirap nang nag iisa eh noh?"tanong niya pero tumingin ako sa relo ko at nako late na ako
"Umm ate Jolie pwede po bang mamaya nalang tayo mag usap?late na po kasi ako"sabi ko habang nakatingin sa relo ko na natataranta,maglalakad pa kasi ako eh,siguro tatakbo nalang ako para hindi ma late
"Ahhh o sege ano palang pangalan mo?"
"Venesse"sabi ko pero mukha siyang kinakabahan, nakikita ko kasi sa itsura niya.bakit?
"Mag iingat ka at mag iingat rin ako"sabi niya ng napakaseryoso .weird. kanina lang sobrang saya niya dahil nakikipagkaibigan siya saakin tapos ngayon naman napakaseryoso na na parang masama ang tingin niya saakin.
"Arf arf"tahol ng I think aso ni ate Jolie
"Bibi,"sabi ni ate Jolie at hinawi hawi niya ang aso niyang bibi ata ang pangalan,napangiti nalang ako dahil sobrang cute niya kagaya ng pangalan niya
Psh bahala na nga.iniwan ko na siya doon at naglakad na papunta sa paaralan.
Lakad doon lakad dito na halos sumakit na ang tiyan ko,huhu natatae nanaman ata ako eh
Pinigilan ko lang ito hanggang sa makarating na ako sa school at dumeretso na sa classroom
"Good morning ma'am sorry I'm late"sabi ko
"Ms. Alcantara because your late, you may face your consequences "sabi ng teacher namin.huhu first time ko to sa buong buhay ko. Ang patungan ng consequences.
Pero teka bakit wala si kive sa desk niya,late rin ba siya?
Sinamahan ako ni ma'am papunta sa guidance counselor at tama nga ang hinala ko dahil late rin si kive katulad ko.
"First time?"tanong ni kive saakin at tumango naman ako. Hmm mukhang nahihirapan na si kive sa pwesto niya ngayon ah.
"Ms.alcantara luhod"sigaw ni ma'am kaya lumuhod nalang ako dahil huhu nakakatakot siya ,sarap iyakan eh"sasusunod kung malelate pa kayo ,mas masama pa dito ang maaabot niyo"sabi niya habang pinapatungan ako ng 5 libro sa magkabila kong kamay.ouch ang bigat naman nito .huhu gaganti talaga ako sayo ma'am tandaan mo yan
BINABASA MO ANG
Venesse Death Tears(Complete)
Fantasy(Completed!) Highest rank Achieved#40 in fantasy (05/12/18) Lahat ng tao pwedeng masaktan, karamihan sa kanila ipinapakita ito sa pamamagitan ng pag iyak. Lahat ng Tao pwedeng maging Masaya karamihan sa kanila kapag sumobra naiiyak na Lahat ng Tao p...