Chapter 1: Clever Little Moon

2.1K 64 6
                                    

Ako si Cassidy Lunette, 16 years old, 4th year high school student sa Sacred Spirit Academy, isang religious private school. Hindi naman kami ganun kayaman pero, scholar ako sa school na yun.

Mahilig akong mag-paint at member ako ng Art Department sa school. Marami na kong napanalunang Painting competetion kaya proud naman sakin ang school kahit papano.

7:45 ng umaga, tumutunog na ang bell sa school, it means malapit ng magstart ang klase at kailangan ng pumunta ng mga students sa classroom nila. Habang naglalakad ako sa corridor, eto nanaman sila naririnig ang mga bulungan.

"ayan si Luca! Luka-luka" sabay tawa. Bulong nang isang babaeng makapal ang make up at maikli ang palda na uniform.

"dali, pasok na tayo sa loob, baka malasin pa tayo" bulong naman ng isang lalaki na mukha namang impakto. Para siyang hinampas ng langka sa mukha dahil sa magaspang at oily nitong mukha.

Napahinto ako sa harapan nya, "ano ko pusang itim" tinitigan ko lang siya, napaatras naman ang ungas.

Sanay na ko sa mga ganitong pangyayari, wala akong pakialam sa mga bulungan nila. Oo I'm weird, inaamin ko naman yun. Mahilig din ako sa mga weird na bagay, I'm always wearing black at pati mga gamit ko laging may design na skull, witch o voodoo dolls at iba't ibang creepy things.

Cassidy Lunette ang ibig sabihin ay Clever little moon. Ewan ko ba sa magulang ko, hindi naman ako bilugin pero, pinaglihi daw ako sa moon. Weirdo din mga yun. Ang totoo, payat naman ako, at oo medyo kulang sa height kung tutuusin. Mahaba at alon alon ang buhok ko. Kaya bagay nga sakin ang Cassidy na ibig sabihin din ay curly hair. Infairness perfect description ang pangalan ko.

"Cassett" sigaw ni Karis, isa sa mga kaibigan ko. "huy, may assignment ka na ba sa trigonometry? tanong nya.

"wala pa nga eh, ang hirap naman kasi" sagot ko.

"Dali, kumopya ka na kay Rukia, pinahiram ko sa kanya yung notebook ko" alok nya.

Matalino si Karis, masipag mag-aral at mabait. Maganda siya, pero hindi siya mahilig mag ayos, napakasimple lang nya lagi. Kung nagkataon na fashionista din sya, for sure, beauty and brain, pang Beauty title ang lola moh. Wala siyang problema sa mga academics sa school, maliban nalang lagi sa love life.

"uy, Cassett, dali kopya kana, habang wala pa si Papa professor Trigo natin", habang kinikilig pa. Si Rukia, mabait din ito at malambing, kabaligtaran ni Karis, fashionista ang peg ng lola mo. Yun nga lang lahat yata ng lalaki sa campus eh crush nya. Napaka optimistic nya pagdating sa mga boys.

"Asus, ikaw naman, kaylan pa natin naging tatay ang gurang na striktong professor na yun" habang kumokopya nadin ako.

Si Karis at Rukia, sila lang naman ang maituturing kaibigan ko talaga sa campus na ito, dahil sila lang ang matapang na kausapin ako, at tanggapin ang kawirduhan ko.

Nauna pa kong natapos kumopya kay Rukia. saktong pagkuha ni Karis sa notebook nya, dumating na ang professor namin. Si Sir Trigo este Sir Uno. O diba, pangalan palang number one na sa subject na pinakaayaw ko. Math!

Maraming kinikilig sa kanya, bata at single pa kasi. Gwapo naman para kina Karis at Rukia, o sya sige na nga. Gwapo nga sya. Yun nga lang, pag nakikita ko siya, mukha siya problem solving! puro numbers at formula!

Nang paupo n sya sa table nya, may napansin ako. Kinikilig ang mga classmate ko, at pati narin ang babaeng nasa likuran nito. Ako lang ang nakakakita sa kanya.

"ang landing multo naman yan" bulong ko. Isang babaeng multo na kasing edad namin, nakadress siya na pale pink at maraming ruffles, may mantsa ng dugo ang damit nya. Sya siguro ang nabalitaan ko nun, na namatay na student mismong araw ng prom night. Bago pa daw kasi dumiretso sa prom night, naginuman sila ng mga barkada nya, at dahil sa kalasingan, nagwala daw ito sa party at inamin ang kalandian nya sa mga professor na lalaki. Laking scandal kaya nun. Tapos, ayun, nakita na siyang patay sa isang room dito sa school.

Pinilit kong hwag nalang siyang pansinin.

Cassidy Lunette "Cassett" pero Luca ang panginis sakin. "luka-luka" and yes! I can see dead people"

"Moon" My Guardian GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon