Chapter Forty: Hide and Seek

679 30 9
                                    

CASSETT POV

"Good morning Cassett" bati nung isang babae, hindi ko siya kilala.

"Good morning Lu... I mean... Cassett" pahiya pa nung isang lalaki sa corridor.

Ngiti dito ngiti duon... daig ko pa ang pulitiko na hahabol sa pagka Presidente... Shete! ang sakit na ng pisngi ko. Nangangawit na sa kakangiti... Mas sanay kasi akong sumimangot.

Marami na ring pagbabago kahit papano sa buhay ko. May mga ilan padin namang tinatawag akong luka-luka at marami paring nagseselos sakin dahil nakakasama ko padin ang mga hot boys ng school.

Nakapaligid padin ang mga kaluluwa... pero tulad ng dati hindi ko nalang din sila masyadong pinapansin.

"Hello Cassett" bati ng mga best friend ko. Si Rukia at Karis. Pumasok kami sa kwarto. First subject... Trigonometry... Si Sir Uno ang mukhang problem solving kong professor... nakasunod padin ang malanding multong patay na patay sa kanya... literal na patay pala.

"Hey Cassett?" maliwang ang mga ngiti ni Ram.

"Good morning bati ko naman"

Mas mabilis lumilipas ang oras ngayon. Kahit minsan boring ang mga subjects... nagiging special naman ang bawat araw ng pagpasok namin sa school.

Pagkatapos ng klase...

"Hey guys?" bati samin nila Ian at Ray. Sabay lapit sa mga girlfriend nila.

"Let's go?" tanong ni Ian.

"Ay.. naku! gurl... kay Papa Ram ka na nga lang muna, ikaw kasi wala kayong partner eh" pang-aasar samin ni Rukia.

Nagkatinginan tuloy kami ni Ram. At pareho pa kaming nag-blush. Tae naman kasi... Awkward padin?

"O sige na nga... halika na Rameses" alok ko.

Ngumiti naman ito.

Dumeretso kami ulit sa villa nila Ian, dun sa Laguna... Friday, kaya until weekends dito muna kami mag-stay.

"Hey you guys..." bati ni Liam.

Lumingon lingon ako agad...

"Psst... miss me already?" bulong nito mula sa likuran ko.

"Moon... ikaw talaga" asar ko.

Na-una na sila Moon at ang magkakambal na si Lacey at Liam dito.

Inayos muna namin ang mga gamit namin. Nagprepare para sa dinner... Pagkababa namin.

"Hey... ?" bati nya, may dalang sunflowers.

Napataas ang kilay ko. Tinanggap ko ang mga bulaklak.

"Cassett... ako ang nag invite sa kanya" paliwang agad ni Ram.

"Skyler? hindi ba dapat nagpapahinga ka pa?" sagot ko.

"Cassett, I'm ok. na... isa pa... makita lang kita, lalong gumagaling ang sugat ko" korny nitong banat.

"Tse... asus! o sya sige na nandito ka na eh... teka? kung nandito ka... It means..."

"Hoy Luca... kumain na tayo, ang layo ng byahe, nakakagutom" ang pinsan kong si Sid... hayun nauna ng lumamon samin.

"Naka motor kayonng pumunta dito?" tanong ko...

"Nope!" sagot niya. Lumingon siya sa may sala...

"Moon" My Guardian GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon