Chapter Thirty: Unforeseen

703 33 9
                                    

CASSETT POV

          Pagkarating namin sa parking lot. 

         Sunod-sunod ko nanaman narinig magmura ang mga boys... 

         "Damn!!! my car!" sigaw ni best friend Ian...

          Ibinibaba muna ako ni Ram. Napamura din siya ng makita ang kotse niya... Shit, parang yung board ko lang kanina, pinagtripan ng mga addict, pero syempre.... compare naman sa kapirasong board... Hello! luxary sports car bababuyin mo! lakas talaga ng mga topak ng nagtritrip samin.

          "What the hell! my new car!!! si Liam, yung Audi na sinakyan namin kanina... halos hindi mo na makilala... mangiyak-ngiyak tuloy siya... "sis? look?" para siyang batang paslit na nagsumbong sa kapatid.

         Napailing nalang si Lacey at ki-nomfort ang kapatid.

         Flat din ang mga gulong nila. 

         Pero mabuti nalang hiwalay ang mga motor nila Alex, Justin at ni Ray. Hindi nadamay pagtripan. 

          Biglang may nagdatingan na mga lalaking naka-motor... Ang bibilis at ang yayabang magpatakbo... pinapalibutan nila kami. 

         "Get behind us!" utos ng mga boys saming mga girls... 

         "Pare... be ready ok..." sabi ni Ian. 

         "Kanina pa nga kami nanggigigil eh!" si Justin napaka war freak talaga. 

         Naghawakan kami ng kamay nila Rukia at Karis...  Si Lacey... parang handa ding makipag-umbagan...

          Nagbabaan ang mga lalaki... mga tropa ni Ash... grabeh! tigas talaga ng mukha nito... akala ko ba nagsorry na siya kanina... 

          Paghubad ng helmet nya... bugbog sarado ang mukha nya... ganyan ba ka-grabe ang ginawa sa kanya ni Liam at Lacey kanina? 

          "Sorry Russ..." bigla nitong bulong... pero hindi maangas ang pagkakasabi nito ngayon. 

          "O ano Russ? ang damot mo kasi eh! hindi mo pa kami hinayaang magperfomed kanina..." isang lalaki ang nagsalita... paghubad ng helmet nya.

          "T*** mo Tobby!" sigaw ni Ian.

          "sino siya?" tanong ko.

         "Siya ang dating lead guitarist nila... na pinalitan ni Ram" paliwanag ni Karis.

         "Duwag ka talaga noh! pareho kayo ni Ash!" sigaw ni Justin.

         Umiling si Ash...

        "Pare... sorry... hindi ko ginusto to" paliwanag ni Ash, tapos bigla siyang sinuntok ni Tobby. 

         "Hwag nyo nga akong itulad sa duwag na to!" galit na boses ni Tobby. "wala ka ding kwenta Ash, simpleng trabaho lang hindi mo pa nagawa!" sigaw nito sa kay Ash.

         "Sira-ulo ka talaga Tobby!!! G*** ka!" sigaw nila Alex.

         "kayo kasi eh... dapat hinayaan nyo nalang ang banda namin ang tumugtog... at tinulungan nyo nalang ang luka-luka na yan!" sabay turo sakin. "Ngayon Russ, makikita mo... pagsisisihan mo at pinagpalit mo kami sa mga baliw na grupong yan!" 

         Sino kaya samin ang baliw ngayon? napakapit ako kay Ram.

       Lumapit ang mga lalaki... tapos nagsimulang mag-upakan ang mga boys... napapasigaw nalang kami... ano bang dapat naming gawin? 

"Moon" My Guardian GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon