Chapter Eleven: Battle Field

1K 44 13
                                    

RUKIA POV

          SCHOOL CLINIC:

          "Araaayy!!!, dahan-dahan naman Karis" habang binubuhusan ng alcohol ang sugat ko sa tuhod. Ang hapdi kaya! 

          "ano nanaman bang pinagawa sayo ni Ray? nakatitig lang si Cassett sa sugat ko. 

          "Hay naku! yung Hitler na yun, hinayupak sya!, super nahahagard ng husto ang beautiness ng lola nyo ahuhu!" habang tinitiis ang hapdi ng mga sugat ko. 

        "O ayan, tapos na Rukia" sabay tayo ni Karis at niligpit ang first aid box. 

         Tiningnan ko isa-isa at binilang ang bawat sugat na may band-aid. Sa tuhod, paa, braso, siko, pati sa ulo... lalo na ang napakaganda kong face. 

         "Waaaah!!! oh my gosh, hindi na flawless ang skin ko nito, oh my... sana hwag naman maging peklat ang mga to... malapit pa naman ang outing natin, pano ako makakapagsuot ng bathing suit, ahuhu!!"

         "makakapgsuot ka parin naman ng bathing suit ah? pilosong sagot ni Cassett.

         "Eh di nagmukha naman akong mummy na nakabathing suit sa dami ng band aid ko sa katawan" pagtataray ko.

        Nagkatinginan ang dalawa at biglang nagtawanan.

       "Ruh, benda naman ang nakabalot sa mummy hindi band aid" pilosopong sagot ni Karis.

        "at wala pa naman yatang band aid ng mga panahong yun" nakisabay pa si Cassett.

       "Tse! manahimik nalang nga kayong dalawa... ahuhuhu! ang sakit ng katawan ko, letseng C.A.T. training yan!

          BIglang may pumasok sa clinic. Napatingin kaming lahat. 

          Napahinto pa siya nung makita kami. 

         'Hi! Karis" namula pa ang loko. "Hi! Lett! aba super close na talga sila ngayon ha? Pagtingin nya sakin... Hindi man lang nag-hello!  bigla nalang tumawa ang loko na to. 

         Hinagisan ko nga ng mineral water, kaya lang maliksi ang mokong, nakaiwas pa.

        "Ano kaba, ikaw naman dadagdagan mo patong galos ko sa mukha, sayang naman ang kagwapuhan ko" ang yabang talaga nito... but I admit gwapo nga sya. 

         "Uhmmn... Russ, wala pa yung nurse eh" nakayukong sabi ni Karis. Pero hwag ka... hawak na nya ulit ang first aid box. Naku ang manang na to... masyadong halatang nag-papacute. Kung sabagay ang cute naman nya, lalo na kapag nag-bla-blush. 

        "alam ko wala yung nurse, kaya nga ako pumunta dito para ikaw nalang ang gumamot sakin" sabay kindat pa ni Russ kay Karis. Naku! parang binuhusan ng pulang pintura si Karis, super red ng mukha nya. Pag bumanat nga naman ang gwapong ito... pati kaluluwa mo, mahihimatay.

        Uy ang lola mo, todo asikaso naman kay Russ, nanginginig pa nga to nung pinapahiran ng gamot yung galos ni Russ sa mukha... samantalang skin kanina parang wala mang touch of care yung panggagamot nya. At naku, makatitig naman itong si Russ parang mawawala si Karis kapag pumikit sya. 

         Napatingin ako kay Cassett, nakatingin sya dun sa may nurse table. 

        "Cassett nandyan naba yung nurse?" tanong ko. 

        Tumingin sya samin. 

       "hindi naman umaalis yung nurse ah, kanina pa siya nandyan" sagot nito, habang nakatitig padin sa may nurse table corner. 

"Moon" My Guardian GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon