RUSS POINT OF VIEW
Habang gigil na gigil ako sa pagbubugbog sa dalawang ungas nato. Lagi kong naaalala ang kaibigan kong nalulong sa droga dahil sa kanila.
Napahiga na silang dalawa, wala na to! Pero para magtanda, kaylangan maramdaman din nila kung paano makipaglaro kay kamatayan. Dinampot ko ang isa sa kanila, isinandal ko sa pader at sinakal ng biglang....
"hoy, anong ginagawa mo?" sigaw nya. Paglingon ko, isang babae. Hindi ko matandaan kung saan ko sya nakita.
"hoy, Russ, sobra ka naman yata sa pagiging trouble maker mo?" ano daw! ang tamang naman ng babaeng to na pagsabihan ako. "makakapatay ka na ah" banggit nito. ha! mukha ba kong killer? sa pogi kong toh?
"hwag kang makialam" babala ko sa kanya.
Kumaripas na tuloy ng takbo yung dalawang ugok. Kainis!
Tinitigan ko siya. nakapusod, ang haba ng palda at medyas. Mukhang manang naman pala ito. Seryoso ba siya sa pagtatanggol sa dalawa?
Sa inis ko. Iniwan ko nalang siyang mag-isa.
Pagod ako, gusto kong matulog. Dumeretso ako sa likuran ng school. Ngayon ko lang napansin, tahimik at parang payapa ang lugar nato. Napansin ko din agad ang malaking puno, parang inaakit ako na matulog duon... pagbigyan nga. "T*ina, gwapo ko talaga, pati puno, gusto akong makatabi sa pagtulog.
Humiga ako, medyo naramdaman ko na ang kirot ng katawan ko at sugat sa may kilay ko. Pero sa antok ko, nakatulog na ko.
May nararamdaman ako, parang may humahaplos sa noo ko. Ang bango naman... ang sweet ng amoy. Dahil sa protective instinct ko, kahit nakapikit, mabilis kong nahawakan ang kamay nya. Pagmulat ko... siya? nanaman. Dahil sa sikat ng araw, ngayon ko lang mas natitigan ang mukha nya. Walang ka-make up make up o kung anong kulorete at kaartehan na nakikita ko usually sa mga babae. Parang ang gaan ng loob ko sa kanya. Anghel ba to? kaylan pa ko namatay?
Nagulat sya sa pagkakahawak ko, ng mapansin kong panyo pala nya ang pingpupunas nya sa sugat ko. Bigla nalang akong nahiya. Napatayo ako agad. Syete! ano to, matagal ba kong nasikatan ng araw at pakiramdam ko uminit ang mukha ko?
Naglakad na ko palayo, tapos bigla nya kong tinawag ulit at iniabot ang panyo nya.
"punasan mo yang sugat mo, tapos, dumeretso ka sa clinic" Ha? inuutusan ba ko ng babaeng to? Ewan ko ba kung bakit, pero kinuha ko yung panyo. Naglakad na ulit ako palayo.
Narinig ko pa siya bumulong. "hindi man lang ba marunong mag-thank you yun" at sumigaw pa siya. "hoy, ibalik mo yang panyo ko ha?" napangiti ako, as if naman ibabalik ko pato, itatapon ko nalang .
Tumunog na ang bell. Itatapon ko na nga sana yung panyo, ng mapansin ko may nakaburda dito... pakpak ng angel. At ang pangalan nya Karis. Sinapian ako ng kung ano. Binulsa ko ang panyo.
5:00
Performance namin sa gym, as usaul punong-puno na to. Sigawan ang mga baliw na babae sakin. Feel ko tuloy kantahin ang paborito kong kanta na Science and Faith ng The Script. Hindi masyadong intense ang song na to. Swave lang.
Sobrang init... sobrang pinagpapawisan na ko. Nakapa ko ang bulsa ko, may panyo nga pala ako dito. Dagdag sa kalokohan ko, pinunasan ko ng dahan-dahan ang pawis ko, at para mas mabaliw ang audience, pinasok ko ito sa t-shirt ko. Balak kong ihagis ito. Sa kung saan, paghagis ko sa may gitna...
"putek, anong klaseng babae yun, nakakatakot" sa isip ko. Si Luca ba yun ng Class A, yung lagi kong binubully mula pa nung elementary. Mukha padin siyang halimaw na mangkukulam. Kinikilabutan ako pag nakikita ko siya. "teka bakit nandito pa la siya"
Napahinto ako sa pagkanta. Katabi ni witch ang babaeng yun. Hawak nya ang panyong pinahiram nya sakin. Pero nakasimangot ito, ng makita ang panyo. Siguro dahil hindi ko nalabhan hehe!
Buti nalang sinalo ako ng drummer namin. Focus ulit sa performance... last lyrics... "its the way we feel, yeah this is real" habang binggit ko ang mga huling lyrics na yun... Ang babaeng yun ang malinaw sa isip ko. Si Karis.
Pagkatapos ng performance, gusto ko na ulit mapag-isa, pass muna ko sa inuman at barkada trip. Naalala ko ang garden sa likod ng school. Dun nalang muna ko magpapahinga.
Malapit ako sa locker room, nang may marinig akong boses. Pamilyar ang mga demonyong boses na yun. At may umiiyak, sumisigaw ng tulong... babae... boses yun ni...
Tumakbo ako, at mabilis kong nadampot ang base ball bat. Pinalo ko agad sa ulo ang yumayakap sa kanya. Nakita ko siya, umiiyak sa takot. Pinagbubugbog ko muna ang tatlong demonyo.
Lumapit ako sa kanya, napatingin siya sakin, umiiyak padin ito. Syete anong dapat kong gawin? Lalapitan ko sana siya, yayakapin para i-comfort pero... expose ang bra nya. Maliit ang dibdib nya, pero syempre, I'm still a man. "Hindi naman pang wonder woman ang dibdib mo ah?" Pakshet! ano Russ? yun talaga ang sinabi mo? ganda ng pang-comfort words mo! Wala na nasabi ko na, wala ng bawian.
Namula siya at natarantang pilit na inaayos ang blouse nya. Pero punit na to.Lumapit ako sa isang locker, malay ko kung kanino yun... basta may p.e t-shirt dun. Kinuha ko yun at iniabot sa kanya.
"halika ka na, umuwi na tayo" sabi ko.
Naglalakad lang kami, tahimik...speechless ako. Sa buong buhay ko, ngayon lang yata ako natameme sa isang babae. Nasa parking lot ang kotse ko, pero parang mas gusto kong ihatid muna sya sa bus stop, o kung san mas ligtas na lugar. Isa pa baka kung sinong fratertinity group nanaman ang nakaabang sa may kotse ko, madamay pa siya.
Nandito na kami sa bus stop. Pagsakay nya, nagpasalamat ulit sya at nagpaalam, ang simple pero ang sweet ng ngiti nya. Naramdaman kong nag blush ako. Tumalikod agad ako, gabi na pero ang init ng pisngi ko. Tae nah! problema ng mukha ko ngayon! Nung marining kong paandar na yung bus... kusang gumalaw ang kamay ko. Nag wave goodbye ako. Parang tanga lang, malay ko ba kung nakita pa nya yun.
Pagkatapos ang mga pangyayaring yun, madalas nagtutungo ako sa garden ng school. Halos araw-araw nakikita ko siya duon, nakasandal sa puno, tahimik na nagbabasa. Minsan nakikita ko siyang lumilingon-lingon parang may hinahanap o hinihintay... for sure ako yun ahaha! joke lang! Pero ngayon lang ako nag-alangang lumapit sa isang babae. Ngayon lang ako hindi sigurado kung maaari bang magkagusto din siya sakin.
Pag nakikita ko, simple lang sya... parang ordiary girl lang kung tutuusin, pero nagiiba ang aura nya kapag nakatutok siya sa libro. Tae na, kaylan pa ko nagsimulang maging stalker ng babaeng to?
At according to my sources... naks! syempre, may mga alagad ako dito sa school.
Pinakamatalino sa klase, nirerespeto ng mga students at teachers hindi dahil sa yaman nito o ganda. Kung hindi dahil sa utak nya. Tutok at mahilig mag-aral! Weird ang barkada nya... lalo na ang witch na yun. Pambihira! bakit si Luca pa? kinulam nya siguro si Karis.
Pero kapag nakikita ko silang magkakasama... kakaiba nga sila sa mga taong nakapaligid sa kanila... pero mukhang masayang makigulo sa kanilang tatlo.
Mayaman, gwapo, talented... sikat lalo na sa mga babae. Nirerespeto ng lahat... maliban pala sa luka-lukang babaeng yun at ang inosenteng si Karis. Nirerespeto ako ng karamihan, dahil sa takot.
T*ina... bakit ngayon ko lang narealize... ang boring ng buhay ko. Naghahanap ako ng bagong excitement at thrill.
Masubukan ngang makipag-close sa mga wirdong to...
BINABASA MO ANG
"Moon" My Guardian Ghost
Novela JuvenilThis is a story about an extra ordinary girl. About paranormal things, love and friendship. Creepy, exciting with the touch of funny story. I hope you like it. Cassidy Lunette ang weird at creepy pero talented sa pagpipinta. She can see dead people...