Chapter Thirteen: Overprotective (Ray Chapter)

1K 49 8
                                    

CASSETT POV

        Kung kakausapin ko nga ang multong puno ng galit, natatakot ako na baka masaktan ni Rukia. Kaya nag-suggest si Moon na sa training camp nalang... malawak ang lugar at walang madadamay na inosenteng tao, kapag nagwala ang multo. "syet naman, talagang magwawala?" 

         Papunta na kami ng training camp.

        "Hey, Cassett, san kayo pupunta?" si Karis. Patay! hirap pa naman lusutan ng babaeng genius nato. 

        "we will talk to a jealous ghost" sagot naman agad ni Russ. 

        Napanganga ako. Waaaahhh! best friend, ang daldal mo... daig mo pa si Kris Aquino na walang tumatagal na sikreto. Napatingin ako agad kay Karis, shock ang lola mo. 

       "ahahaha! si Ian talga, nahahawa na sa kawirduhan ko" pilit kong joke kay Karis.

        Parang pinilit din ni Karis ang sarili nya sa pagngiti....

      "ok,.. uhmmn, san nga kayo pupunta?" tanong nya ulit. Anak ka nang curious na manang ka!

       "magtratraining sila" si Ray ang sumalo sakin. Infairness Hitler, buti kapa hindi ka kasing slow ng best friend ko. 

        "Ha? akala ko ba Cassett ayaw mong magtraining dahil baka mainjured ka?" naku naman Karis... kulit kulit mo...

        "eh ano... kasi..." utal ko.

       "siya muna papalit kay Rukia" mabilis na sagot ni Ray. Waaahhh... thank you.

        "ay oo nga pala, pupuntahan ko si Rukia sa clinic" taranta ni Karis. 

        "mabuti pa nga bantayan mo siya, kasi sa sobrang sarap ng tulog nya baka mahulog pa siya sa kama" sabay tulak sa kanya. 

         Napansin kong hinabol siya ng tingin ni Russ, 

         Tinulak ko din siya ng bahagya... "sige na, samahan mo na si Karis" sabay kindat sa kanya.

        "But... how about you?" uuuy... naks, concern na talaga sakin si best friend.

       "I'll be fine, kasama ko naman si Moon eh" confident kong sabi. 

        Napatingin siya sa likod ko. Ngumiti naman sa kanya si Moon "don't worry ako ang bahala sa kanya, I will protect her" akala mo naman maririnig sya ni Russ.

        "pero Lett?, sa tingin ko, mas kylangan mo naman ako ngayon, ayoko ng gawin ang ginawa ko sayo dati... sa takot ko, nilayuan kita... pinagtawanan... , gusto kong bumawi sayo... bilang best friend mo, hayaan mo na tulungan kita... protektahan..." tinakpan ko ang bibig nya.

        Ngumiti ako sa kanya  "Ian, hindi na tayo mga bata... kaya ko na ang sarili ko, pero... ang gusto kong gawin mo ngayon, protektahan mo ang mga kaibigan ko o.k.? importante sakin sila Karis at Rukia at syempre ikaw din. Ako ang mag proprotekta sa inyo, dahil ako ang may kakaibang kakayahan... sabi mo nga diba, I'm weird but I'm special?" 

        Huminga siya ng malalim... "ok. pero kapag kylangan mo ng back-up, tawagan mo ko ok." concern padin ang mga mata nya. 

       "oo , sige... share a load mo muna ko, para matawagan kita ahahaha!" corning joke ko.

         Tumingin siya kay Moon. "please take care of my best friend" 

        "You bet I will" confident na sabi naman ni Moon. Naku ewan ko sa inyo. hindi pa kayo nagkakakitaan nyan ha? pano nalang kung nakikita at nakakausap talaga siya ni Russ, for sure close nga ang dalawa. 

"Moon" My Guardian GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon