Chapter Nineteen: Deception (Liam and Lacey Chapter)

934 32 54
                                    

CASSETT POV

Infainess kay best friend, super pinaghandaan ang outing namin ha... enjoy much ko ang mga food. Parang walang nangyaring kaguluhan kanina.

Hindi ko alam kung sadyang gutom lang talaga ang mga tao, o dahil epekto padin ito ng kaguluhan kanina. Rinig ko bawat lamon at nguya ko sa sobrang katahimikan eh.

Sinubukang lapitan ni best friend Ian si Karis. Umiwas lang ang lola mo.

Lumapit siya ulit... maglalakad sana ng palayo ulit si Karis pero hinila siya ni Ian.

"wait... Karis, ano bang problema?" tanong ni Ian.

Napalunok kaming lahat. Para kaming nanunuod ng romantic movie habang lumalamon.

"Wala... ikaw ano bang problema?" balik na tanong ni Karis.

Bumulong ako kay Rukia "naku... ihanda mo na yung yelo, for sure magbabatuhan lang yan ng tanong... kung sinong mabukulan! Talo!"

Natawa si Rukia.

"Karis... bakit mo ba ko iniiwasan ha?" tanong ni Russ.

"Bakit hindi mo itanong kay Lacey!" sigaw ni Karis.

Napanganga kaming lahat. Natawa si Russ. Sinampal siya ni Karis. Hay naku ang bilis nang pangyayari, pwedeng pahawak ng remote control "PAUSE" muna oh!

Biglang napangiti ng matabang si Russ.

"so yun yon? nagseselos ka?" tanong nya.

Hindi sumagot si Karis, napayuko siya.

"eh anu yung sa inyo ni Liam? bakit ang bilis mo namang binigay ang pangalan mo sa kanya?" mataray na tanong ni Russ. Sus, best friend... selos much ka din pala.

"Nagseselos ka!" tanong ni KAris.

"Yeah you damn right!, I'm jealous!" sigaw ni Russ. "pero... mukhang naeenjoy mo naman eh?" sarcastic na ngiti nya... wrong move best friend.

Sarcastic din ang mga ngiti ni Karis... "ok. tutal, we have to enjoy our barkada trip naman hindi ba? eh di sige... t-try kong i-enjoy... kasama si Liam!" sabay talikod kay Russ. Tumakbo ito, pumasok sa kwarto. Hindi na nakakibo si Russ.

Lumabas agad si Karis, may hawak na libro, akala namin ihahagis nya sa mukha ni Russ eh, pero...

"labas muna ko..." paalam ni Karis. Gusto ko sana siyang sigawan na "naku teh... feel at home? baka maligaw ka ha?" anyway syempre hindi naman siya stupid, for sure pupunta lang yan sa kung saan para magbasa.

Lahat kami shock! sabay-sabay kaming uminom ng juice... speechless sa pangyayari.

Dumiretso din si Russ sa kwarto nila.

"hayaan muna natin sila" payo ni Ray.

Agree naman kaming lahat.

"swimming nalang tayo mamya, para lumamig mga ulo natin" suggestion ni Ram.

"Ay oo nga... buti nalang nagdala ako ng bathing suit" excited much Rukia?

Naku for sure ako ang pagtri-tripan nito na magsuot ng bathing suit.

"sige enjoy muna kayong mag-swimming, pupunta ko dun sa garden, mas feel ko magpaint eh" syempre palusot ko yun para makaiwas kay Rukia.

"sama ko ha?" ngiti ni Moon... ngumiti naman ako pabalik sa kanya.

"Moon" My Guardian GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon