Chapter Twenty Six: Loyal Comrade

779 32 8
                                    

KARIS POV

          "G*** kayo ah!!" sabay suntok nanaman nya sa isang lalaki. 

          Tatlong lalaki, nakahandusay dahil sa kakabugbog nya. 

        "RUSS IAN!" sigaw ko. Napatigil siya sa pagnununtok sa isang lalaki.

         "Hetong tatandaan nyo... ayoko na ulit marinig na sinasabihan nyo ng masama ang best friend ko" gigil ni Russ at babala nya dun sa lalaki.

         Pati si Alex at Justin nakikipagaway, pinagtutulungan yung ibang lalaki... nakakapanibago, nakikipag-away din sila para kay Cassett.

          "Baby? anong problema? tanong ko.

         "Eh ito kasing mga ungas na to eh... pinagtatawanan at niloloko nila si Lett" gigil ni Russ. 

          "Narinig ko pa na may balak daw silang ipahiya at pagkatuwaan si Cassett sa darating na school festival" paliwanag din ni Alex. 

         "Mga sira-ulo... walang magawang matino!, nananahimik lang si Casett tapos gusto nilang pagtripan, mga g***" sumbat din ni Justin. 

          Nakakapanibago talaga ang dalawang to... hindi ko alam kung dahil ba sa talagang nagbagong-buhay na sila, o dahil sa may mga bago silang motor na binigay ni Russ nung gabing tinulungan nila kami? 

               Tatlong araw narin pala nung huli naming makita si Moon... at halos tatlong araw nadin naming hindi nakikitang ngumingiti ng totoo si Cassett. 

           Madalas nakatulala lang din ito... pinipilit namin siyang patawanin o pasayahin sa kahit na anong paraan pero... wala talaga. Lalong lumalala ang mga pang-aasar ng mga students sa kanya... dahil lalong nagiging weird ang mga ikinikilos nya. Kahit kami nila Rukia, Russ, Ray at Ram... madalas nading inaasar at pinagkakamalang baliw...

        "Hey baby? are you ok.?" halatang nag-aalala nanaman sakin  si Russ... Napapatulala nanaman kasi ako. 

          "I'm fine" pilit akong ngumiti. 

         Biglang tumawa ng parang baliw ang isang lalaki.

          "nakakatawa kayo... pare-pareho kayong mga baliw! nahawa na kayo kay Luka! ang lakas talaga ng kulam nun noh!"

         PAK!!! sound effect ng makapal kong libro sa mukha nya.

          "Eh ikaw palang sira-ulo eh!! ano bang alam nyo ha?" susugod sana ko para manapak din, pero pinigilan ako ni Russ.

        Siya ang sumuntok... at sa pagkakataong ito, hindi ko siya pipigilan. 

         "Russ... wala kang kwenta, pati ba naman ikaw, naniniwala ka sa mga multo?" kahit duguan na siya ang lakas padin nyang mang-asar.

        "Ikaw ang walang kwenta Ash!!! duwag ka! napakaduwag mo..." gigil ni Russ.

         "Oo nga Ash... isa ka sa mga tumakbo nun, iniwan mo kami!" singit ni Alex.

         Si Ash... ang drummer ng grupo nila. Simula ng mangyari ang kababalaghan nung gabing yun. Nawala na ang pagiging loyal ng mga kasamahan ni Russ... pero mabuti na din daw yun, dahil nakilala nya ang tunay na kaibigan na kahit sa gitna ng kaguluhan, bakbakan man sa ibang fraternity o kahit hanggang sa mga multo... nanatili at naniwala ni Alex at Justin sa leader nila... 

         Natawa nanaman si Ash... parang baliw lang.

        "grabeh!!!ang lalakas ng mga tama nyo... sabihin nyo nga, anong drugs ang tinira nyo nung gabing yun? si Luka siguro ang nagbigay sa inyo noh! gayuma siguro yun!" pang-aasar niya.

"Moon" My Guardian GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon