CASSETT POV
Pag-mulat ng mga mata ko... si Moon agad ang kaharap ko.
"Good morning" bati nya... at ang tamis ng mga ngiti nito.
"Good morning..." sagot ko. Bigla akong napabalikwas. "Teka? anong ginagawa mo sa kwarto namin?" taranta ko.
"Relax... pinapasok ako ni Karis at Rukia, kanina pa naman sila gising eh" ngiti nito.
"ha? hanggang ngayon nakabukas padin ang third eye nila?" tanong ko.
"uhmmn... well, ako lang naman ang nakikita nila eh" sagot nya.
Nagtaka ako...
"Si Liam at Lacey, tinulungan silang mabuksan ang third eye nila pero para sakin lang" paliwanag agad nito.
Ha? eh parang kagabi lang nag rarambulan ang mga yun dahil sakin ah? tapos agad-agad close na?
Natawa si Moon, halata siguro na sobra akong naguguluhan.
"Cassett... ok. na ang lahat, umalis na sina Lacey at Liam, umuwi na muna sa Manila. Pangbawi daw nila yun kina Rukia at Karis, pati narin pala sila Russ at Ray, para kahit papano... nakikita at nakakausap nila ako" ang tamis ng mga ngiti nya.
"ok..." bulong ko. Pero kasi kinakabahan ako para sa kanila lalo na kay Rukia, pero kung sabagay for sure kinikilig naman ito kapag nakikita si Moon.
"let's go, kumain ka na muna sa baba" hinila ako ni Moon.
"teka... hindi pa ko nakakapag-ayos"
Pagbaba ko.
Nabulunan si Ray. Napamura si Russ at nagkayakapan si Rukia at Karis.
"oh my... akala ko ba si Moon lang ang multong makikita natin?" tanong ni Rukia.
Pagharap ko sa salamin, muntik nadin akong mapatalon kay Moon.
Ano ba namang buhok to... buhaghag nanaman ng husto at... tulo laway pa ko sa pagtulog kanina... Si Moon kasi hindi muna ko pinagayos.
"Oh Lett, kain na" natatawa pa si best friend.
"Sige... mag-aayos muna ko ha? kakahiya naman sa inyo" umakyat ulit ako. Nagtawanan sila.
Pagbaba ko... kumakain na sila. Kumuha na din ako ng pagkain ko. Napansin kong hawak ni Rukia at Ray ang sketch pad ko.
"grabeh, Cassett ang gaganda ng mga drawing mo, wala akong masabi" saludo pa ni Ray sakin.
"ganyan talaga kami... magaganda na, artistic pa" pagmamayabang ni Rukia.
Napataas kilay si Ray. "kung kina Cassett at Karis... wala akong tutol sa sinabi mo, pero... sayo..." hindi pa man natatapos ang sasabihin nya, inihampas na ni Rukia ang sketch pad ko.
"Huy, Ruh, maawa ka naman sa sketch pad ko, walang kasalanan yan" sabi ko.
Sa pagaaway nilang dalawa...
"Shit!" sigaw ni Ray...
"lagot ka!" sabay pa silang dalawa.
"Naku lagot kayo kay Cassett" panakot ni Russ.
"Sorry Cassett" sabay taranta nung dalawa.
Dinampot ni Karis ang natanggal na pages mula sa sketch pad.
BINABASA MO ANG
"Moon" My Guardian Ghost
Novela JuvenilThis is a story about an extra ordinary girl. About paranormal things, love and friendship. Creepy, exciting with the touch of funny story. I hope you like it. Cassidy Lunette ang weird at creepy pero talented sa pagpipinta. She can see dead people...