CASSETT POV
Heto nanaman ang panaginip na yun... Puno... anino... bwan... kadiliman...
"Moooon!!" bigla akong napabalikwas sa higaan... tumingin ako sa paligid... nasa hospital padin ako.
"Ate Cass" si Luke? bakit siya nandito?
"Ate Cass... si Kuya C.K... aalis na, dali! habulin mo siya!"
Bakit ganun hindi ako makakibo o makakilos...
"Luca? ok. kalang?" si Sid.
"Uminom ka muna" inabutan ako ng tubig ni Kuya Ice. Binabangungot ka.
Paglingon ko... wala si Luke... panaginip lang ba yun?
"Si Moon?" tanong ko...
HIndi kumibo ang dalawa. Oo nga pala hindi pala nila nakikita si Moon... pero teka...
Napatayo ako.
"Hoy Luca? ano sa tingin mong ginagawa mo?" taranta ni Sid.
"Sid... dumating na ba si Moon? hindi ba binuksan na ni Ram ang third eye nyo? dapat nakikita nyo na siya diba?" sunod-sunod kong tanong.
Nagkatinginan silang dalawa ni Kuya Ice.
"C.L... hindi pa bumabalik si C.K." sagot ni Kuya Ice.
Kinuha ko ang phone ko. Hindi ko na napansin nahablot na pala ang karayom mula sa dextrose ko.
"Shit! Luca... ano kaba?" nataranta siya nung dumugo ang sugat ko mula sa pagkakatanggal ng dextrose. Hindi ko na yun pinansin.
Madalian kong tinawagan si Ram.
Hindi siya sumasagot.
Si Russ ang sinubukan kong tawagan.
Nagriring lang...
Anong oras naba? 1:30 am? tulog mantika naba ang lalaking ito nyan?
"Hello?" sumagot din.
"Ian!" sigaw ko.
"O Lett? bakit? anong oras na ah? ba't di ka pa natutulog? diba dapat nagpapahinga ka ngayon?" grabe ngayon pa ko sasagot ng quiz bee?
"Ian! si Moon? kasama nyo ba siya?" taranta kong tanong.
"ha? hindi... kanina nung sinabi nyang nasa hospital ka, at binalaan muna kaming hwag ka munang istorbuhin sa pagpapahinga... umalis din siya agad" paliwanag ni Ian.
"san daw siya pupunta?" tanong ko.
"Ewan... hindi na nya sinabi eh... oo nga pala best friend, absent din si Ram kanina, inistorbo ka ba nya sa pagpapahinga mo? humanda sakin ang epal na yun!" inis nya.
Hindi ako makakibo.
"Hello? Hello... best friend? Lett?" pangungulit ni Ian.
"Ian... tulungan mo ko" tumutulo na ang mga luha ko.
"Lett? umiiyak ka ba? napano ka?" natataranta na siya.
Duon ko naalala... ang panaginip ko.
"Ian! please... tulungan mo ko... tulungan nyo ko... hanapin natin si Moon" iyak ko.
BINABASA MO ANG
"Moon" My Guardian Ghost
Teen FictionThis is a story about an extra ordinary girl. About paranormal things, love and friendship. Creepy, exciting with the touch of funny story. I hope you like it. Cassidy Lunette ang weird at creepy pero talented sa pagpipinta. She can see dead people...