RUSS POV
Weekend nanaman... kaylangan kong pumunta sa isang branch ng coffee shop namin. Nakakatamad. Pero I don't have a choice, utos ni Papa.
Walang masyadong tao, pag 1 p.m. nakakatamad, ang dapat ko lang naman gawin ay tumunganga dito. Black ang uniform ng mga employee namin. Anak ng... bakit bigla ko nalang naalala ang mangkukulam na yun. Lagi kasing itim ang suot nya. Creepy talaga.
Pero... kung sabagay kahit sya na ang pina ka weirdo at creepy na taong nakilala ko. One thing is for sure "she was my good friend", "my first best friend" Yung taong hindi ako kinaibigan dahil sa yaman ko o dahil sa gwapo ko hehe! at ang taong, hindi ako pinagtawanan dahil takot ako sa madilim na lugar o multo. "tae na... bakit, bigla akong naguilty sa mga pagbubully ka sakanya" ano bang nagyari samin... naduwag kasi ako. Ngayon ko lang narealize... wala akong kwentang best friend.
Tumayo ako sa bar at nag mix ng mga alak.
May pumasok na customer... napatitig ako. Naka-dress sya na floral at nakalugay ang itim na itim nitong buhok. Straight hanggang beywang. Nakasalamin ito ng malinaw, at may hawak na libro. Dumeretso sa corner ng shop at umupo sa isang table. Nasisinagan ng araw ang pwesto na yun. She look's like an angel. Pag-upo nya, mabilis nyang binuksan ang libro at napangiti pa ito. Excited sa binabasa niya.
Hinubad nya ang salamin nya. Lumingon-lingon, naghahanap ng waiter. sa kung anong dahilan... ako ang lumapit. "Yes miss, what is your order?" akala ko magugulat siya pag nakita ako. Mabilis lang nyang kinuha ang menu. "What the f*** kung ibang babae lang ito, nalusaw na sa pagkakaupo... hindi ba nya ko nakilala? bulong ko. Napansin ko ang salamin na hawak nya, makapal ang lens... It means sobrang labo pala ng mata nito. Basa kasi ng basa ng libro!
"Can I have mocca frappe and a slice of blueberry cheese cake" hindi man lang ito tumingin sakin, pagbalik ng menu, at pagsuot ng salamin nya, tutok na ulit ito sa libro.
"Kontrabida kang libro ka!!! bulong ko. Sa gwapo kong ito, libro lang pala magiging karibal ko!... Napansin ko ang title ng book "Perfect Chemistry" author Simon Elkeles. Hmp... never heard! Try ko kayang pagbasahin siya ng "Fifty Shades of Grey" ni E.L James. hehe!
Pag serve ko ng order nya, nagtaka ang mga employee ko, pero syempre walang gustong magtanong o umangal. Takot lang nila! Binalaan ko pa sila...
"ako lang ang may karapatang lumapit sa babaeng nasa sulok ok."
Yes Boss! naman silang lahat.
Anak ng.... 8:00 n ng gabi, ilang libro na ba nababasa nya... 3 na agad. Nakakailang baso nadin sya ng kape, kung alak lang yan, bangag na siya sa kalasingan at nai-uwi ko pa siya, at ilang slice ng cakes na din ang nakakain nya. Bakit kasi hindi nalang whole cake ang inorder nya. Yung isang glibro na binasa nya ang title, "The Lucky One" author Nicholas Sparks at yung isa naman. "The Rescuer" kay Nicholas Sparks din. Patayin ko yang author na yan eh... sino kabang Nicholas Sparks ka!
8:30... nag c.r muna ko. Paglabas ko. T*ina! nasan na sya?
"Hoy! nasan na yung babae nakaupo dun? hinawakan ko pa sa kwelyo yung isang employee ko.
takot na takot naman sakin. "boss, umalis na po eh", sorry po"
Sorry daw? kala mo naman kasalanan nya kung bakit umalis na yung babaeng yun.
BINABASA MO ANG
"Moon" My Guardian Ghost
Genç KurguThis is a story about an extra ordinary girl. About paranormal things, love and friendship. Creepy, exciting with the touch of funny story. I hope you like it. Cassidy Lunette ang weird at creepy pero talented sa pagpipinta. She can see dead people...