Chapter Twenty Four: Surrogate (Ram and Moon Chapter)

902 32 9
                                    

RAM POV

          "Hindi!!! Hindi pwede!!! Hindi ako pwedeng iwanan ni Moon!!!" sigaw ni Cassett.

          Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang pagkatok ko sa pintuan... ramdam ko kung gaano ang takot nya na mawala si Moon sa kanya. 

          Kumatok ako nung mapansin kong ok na ang lahat... tahimik na... alam na siguro ni Cassett na pinuntahan lang kami ni Moon. Nauna na ko kina Russ... hindi na ko pumasok ng school, dahil narin iyon ang gusto ni Moon. Ang multong yun talaga... Well syempre... hindi ko naman kaylangan magpakipot pa noh.

          Pinagbuksan ako ng pinto. Si Kuya Ace ang humarap sakin. "Kung mamalasin ka nga naman... itong snowman pa agad ang kaharap ko" bulong ko. 

          Napataas agad ang kilay nito, nung mapansin nyang may hawak akong bulaklak... Sunflowers. 

            "Anong kailangan mo?" tanong nito. Naku magpinsan nga kayo ni Cassett, your always asking stupid questions. 

          Pinilit kong ngumiti. "dadalawin ko sana si Cassett, nasabi kasi ni Moon na lumala ang sakit nya eh" syempre kahit hindi matino ang tanong nya, kaylangan kong sumagot ng matino. 

          "Ijo... halika dito, pasok ka" hay salamat naman... Save by the belt, tita Claire.

         Syempre una kong iniabot ang isang long stem rose kay tita... tapos yung bouquet kay Cassett. Taas kilay sila Sid, Kuya Ace at pati narin si Tito. 

          Halatang nagtataka din si Cassett. 

          "Kumusta ka na?" pambasag ng katahimikan. Awkward eh...

         "Uhmmnn... ok. lang?" alanganing sagot ni Cassett. "Si Moon?" tanong niya.

         Ouch! gusto ko yatang tumalon mula dito sa 3rd flr. ng hospital. 

          "Ah... pinuntahan siguro sila Russ, Karis, Rukia at Ray" sagot ko. 

         "Bakit hindi ka pa sumabay sa kanila, di ba may pasok ka din?" tanong ni Sid. Na kung makatitig eh kulang nalang magtago ako sa ilalim ng kama ni Cassett.

          "Pinauna na kasi ako ni Moon" shit! nadulas ang bibig ko. Napatingin ako agad kay Cassett.

         Napataas ang kilay nya... "pinauna ka nya?" mataray nyang sagot.

          "Bakit?" tanong naman ni Sid. 

          Hindi ako nakasagot. 

          Kinuha ni Cassett ang phone nya at may tinawagan... for sure si Russ yun. 

          Ewan ko kung anong sumanib sakin at bigla ko nalang inagaw ang phone nya.

        Napatingin ang lahat. Gulat na gulat... kahit ako nagulat din eh. 

         "Ram?, anong ginagawa mo? Ibigay mo nga sakin yang phone ko?" pakiusap niya.

          "Sinong tatawagan mo?" tanong ko.

         "si Ian... tatawagan ko sila... para makabalik na si Moon dito" mabilis nyang sagot.

         "Hindi pwede" mabilis ko ding sagot. 

          "Ehemmn... ijo? may problema ka ba sa mga anak ko?" shit! nandito nga pala sila tito.

       "Eh kasi po tito... ang totoo... binilin po sakin ni Moon.. I mean C.K na ako nalang muna magbabantay kay Cassett" paliwanag ko. 

"Moon" My Guardian GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon