Chapter Thirty Six: Strange Matters

641 27 2
                                    

CASSETT POV

        Masaya na ulit ang tropa... kahit wala si Ram, nandito na ulit si Moon. At nakikita pa din ng siya ng barkada. Napansin kong nananahimik si Karis habang nakatitig kay Moon, ni hindi nga nya pinapansin ang blueberry cheesecake nya at coffee. 

      "anong problema baby?" tanong ni Ian, nakahalata na din.

      Umiling at ngumit lang si Karis. 

      "Huy Papa Moon, buti pala bumalik ka na? kasi alam mo, sobrang nalungkot talga si Casseett, masyadong pinadamdam ang pagkawala mo, tapos iniwan pa siya ni Papa Ram" chika ni Rukia. 

      "Alam ko..." matipid na sagot ni Moon. "walang kwenta naman kasi talaga ang bungang araw na yun!" pagsusungit nya.

        Napatingin kaming lahat sa kanya.

      "grabeh ka naman Papa Moon, ang gwapo kaya ni Papa Ram" sagot ni Rukia.

       "Mas gwapo padin ako dun" sagot ni Moon.

      "Pero Pare... hindi mo naman kailangan sabihin na wala siyang kwenta... best friend mo din siya hindi ba?" tanong ni Ian.

       Napangisi lang si Moon. 

         "so? bakit ka nga ba bumalik?" tanong ulit ni Karis. Napaka seryoso ng pagtatanong niya.

        "You guys... syempre para sakin, namimiss ako ng husto ni Moon eh, tsaka... for sure para protektahan ako kay Tobby" ako na ang sumagot para sa kakambal ko.

        Inakbayan ako ni Moon. Hinalikan sa pisngi. "Yup, I miss you so much... " bulong nya.

      Parang pamilyar yun ah? Napatingin ako sa kanya... ang mga mata nya, parang kakaiba.

      "Protektahan? hindi lang yun ang gagawin ko para sayo... I will do more than that" seryoso ang pagkakasabi nito. 

       "aiiiii! ang sweet talaga ng kapatid mo Cassett" kilig ni Rukia. "Ano pa ang pwede mong gawin para sa kanya papa Moon?" tanong nito.

      "Hindi ko na siya hahayaang mag-isa" tinitigan nya ko, ngumiti siya... ibang ngiti...

       "what do you mean?" tanong ni Karis na nakataas ang kilay. 

      Naging seryoso din ang itsura ni Ian. 

      "Isasama ko na si Cassett" sagot ni Moon. 

      "Aiiiii! yeyz naman!" sagot ni Rukia. 

      Natawa ako. Pero kaming dalawa lang ni Rukia ang kinilig sa paglalambing ng kapatid ko. 

      Binatukan pa ni Ray si Rukia. 

      "Problema mo?" pagtataray ni Rukia. "O guys? bakit ang tahimik nyo?" pagtataka din nito. 

      "Seryoso ka pare?" tanong ni Ray.

     "Bakit? mukha ba kong nagbibiro?" sagot naman ni Moon. 

     Tumayo si Karis. Hinampas nya ng libro si Moon.

      "Huy... ano kaba Karis?" pagtatanggol ko kay Moon. 

      "Baliw ka na ba Moon?" sigaw ni Karis. 

      Problema nya? nakakairita na sila ha?

     "Halika na nga Moon, umuwi nalang tayo... matutuwa sila mama kapag nakita ka ulit" hinila ko si Moon. 

     "Lett?" si Ian hinila ang braso ko. "Hwag kang sumama sa kanya" matalim ang mga mata nito kay Moon. 

     Pag tingin ko din kay Moon. Nakakasugat ang mga mata nya. Ngayon ko lang siyang nakitang tumitig ng ganito. 

"Moon" My Guardian GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon