CASSETT POV
Kinabukasan. Pagpasok sa school. Halos lahat ng topic ng mga students ay yung tungkol kahapon.
"Guys!!! nabalitaan nyo na ba?" sigaw ni Alex at Justin.
"ano nanamang balita yan?" iritang tanong ni Rukia.
"Si Ms. Hera... patay na daw" halos pabulong na sagot ni Alex.
"WHAT!!!" sigaw at tanong naming lahat.
Kasabay nun... nag announce na may meeting daw ang lahat ng mga teachers kaya... vacant kami ngayon. Pinagkasunduan nalang naming magbabarkada na magkwentuhan sa music room nila Ian.
"Shit! malaki na talaga ang sira ng ulo ni Sir Uno" si Ray.
"bakit? sure na ba na siya ang pumatay?" tanong ni Karis.
"No baby, pero... siya ang number one suspect" sagot naman ni Ian.
"Pero... malinis ang pagkakagawa niya if ever... walang matibay na evidence eh" si Justin.
Nagkatinginan kami nila Ram, Moon, Lacey at Dawn.
"at alam niyo ba kung anong nakalap namin kwento ni Justin?" si Alex.
Napatingin kaming lahat sa kanilang dalawa. Tahimik ang lahat.
"Nagkaruon pala ng relasyon si Sir Uno at Gabby" mahinang simula ni Alex.
"Shock!!!" reaction ni Rukia. Binawalan siya ni Ray na manahimik.
"Tapos... nung student pa dito si Sir Uno, girlfirend pala niya nuon ang babaeng pinatay na si Lynel" pagpapatuloy ni Justin.
Shete... hearthrob pala itong si Sir Uno, kahit nuon pa. Pero... lahat ng babaeng involved sa kanya namamatay. Tsk.Tsk. O pinapatay niya?
"at according to our source si Gabby ay kapatid nung isang professor na naging karelasyon naman ni Lynel na ngayon ay nakakulong dahil siya ang naging suspect sa pagpatay kay Lynel" paliwanag ni Alex.
Infairness naman sa dalawang ito, ang galing kumalap ng information.
"it means ba nito si Sir Uno talaga ang pumatay kay Ms. Hera at Gabby?" tanong ni Karis.
Walang nakaimik agad samin.
"ang gulo? pinatay niya si Gabby, dahil ba kapatid nito ang sumulot at pumatay sa girlfriend niya nuon na si Lynel?
"Oo at pwede ding dahil, natakot si Sir Uno na manggulo si Gabby sa relasyon nila ni Ms. Hera" paliwanag ni Karis.
"Malabo parin talaga guys" iling ni Ram.
"Isa pa, sino naman kaya talaga ang pumatay kay Lynel, si Sir Uno ba o yung kapatid ni Gabby?" tanong ni Lacey.
"At bakit kaylangan din nyang patayin si Ms. Hera?" tanong ni Rukia.
"Baka dahil, nalaman ni Ms. Hera na pinatay ni Sir Uno si Gabby, natakot siguro na baka magsumbong siya sa pulis at hiwalayan niya ito" sagot ni Ray.
Halos magdamag lang kaming tumambay sa school, ni isa sa mga prof. namin, hindi pumasok sa class namin. Maaga din kaming dinissmiss, karamihan ay balak munang makipaglamay kina Ms. Hera.
Ang dami pading tanong sa isip namin.
Ang nakakadagdag sa tanong ko ay, ano naman ang kinalaman nung masamang kaluluwa na sumasanib kay Sir Uno?
BINABASA MO ANG
"Moon" My Guardian Ghost
Fiksi RemajaThis is a story about an extra ordinary girl. About paranormal things, love and friendship. Creepy, exciting with the touch of funny story. I hope you like it. Cassidy Lunette ang weird at creepy pero talented sa pagpipinta. She can see dead people...