CASSETT POV
Matapos maipaliwanag ang lahat ng pangyayari sa lahat ng tao dito sa paligid ko...
Nag-ring ang phone ni Ian.
"Yes... hello? Dad?" lumabas siya ng kwarto.
Napansin ko din na nag-iba ang aura ni Sid. Parang ang saya niya ngayon.
Pagpasok ulit ni Best friend Ian sa kwarto.
"Guys... I have to go" lumapit siya kay Karis. "I'm sorry baby, kaylangan ko munang puntahan si Dad" hinalikan nya ito sa pisngi.
Medyo nalungkot si Karis.
"Uhmmn... tuloy pa ba tayo later?" tanong ni Karis.
"I will call you..." yun ang sagot ni Best friend. Disappointed syempre ang lola mo. "I'm sorry" bulong nya ulit at hinalikan niya si Karis sa lips... smack lang.
"aiiii.... ang sweet naman ni Papa Russ" kilig ni Rukia.
"I understand" mahinang sagot ni Karis at pinilit nyang ngumiti.
"Bestfriend pagaling ka ha?" sabay gulo ng buhok ko.
"Opo" sagot ko.
"Wait pare... sabay na ko sayo" si Ray.
"O san ka naman pupunta?" mataray na tanong ni Rukia.
"May aasikasuhin lang ako" sagot ni Ray.
"Weh? gusto mo lang din yatang mahalikan eh" pang-asar ko sa kanila.
Nagkatinginan ang dalawa.
"Tse! asa ka naman!" pagtataray ni Rukia.
Napailing si Ray... tapos hinablot si Rukia at hinalikan siya sa labi. Na-shock nalang din ang lola mo.
"Aaaiiiii!" kilig naming lahat.
Pati sila Alex at Justin nagpaalam nalang din. Nakakapanibago... matagal-tagal nadin nung magsolo kaming tatlong girls... tulad ng dati.
"Cuz? kumusta si J.L?" tanong ni Sid.
"Well... ok. lang siya... ang cute nya Sid" ngiti ko. "pero cuz... nagtatampo ako sayo, bakit hindi mo yata siya naikwento sakin? kahit si Skyler?"
"Sorry... ang totoo... masakit kasi sakin ang pagkawala nila eh... namatay ang first love ko at iniwan naman ako ng best friend ko." nakayuko si Sid.
"My gosh... parang yung story mo lang din Cassett, dapat pala sumulat tayo kay Mam Charo ng Maalaala Mo Kaya " singit ni Rukia samin.
Naalala ko nga ang dating buhay ko... ang lahat ng nangyari sakin.
"Si Skyler ay isang mabait, makulit at hindi boring na tao, naging best friend ko siya... pareho kasi kami ng mga trip. Nakilala ko ang kapatid nya, 12 years old palang kami nun pero... na-inlove na talaga ako kay Jhonlene... ang saya din kasi nyang kasama, walang kaarte-arte." paliwanag ni Sid.
"oo nga... mababaw nga ang kaligayahan ng dalawang magkapatid nayun... kahit corny ang joke mo, tawa sila ng tawa" sabi ko.
Natawa si Sid.
"hindi pa din sila nagbabago, sayang lang nga... siguro kung buhay pa si J.L" bigla siyang napahinto... "for sure Luca, magiging kaibigan mo din siya, hindi kasi yun nagja-judge ng ibang tao, tatanggapin ka kahit sino ka pa" Ngumiti si Sid sakin.
BINABASA MO ANG
"Moon" My Guardian Ghost
Ficção AdolescenteThis is a story about an extra ordinary girl. About paranormal things, love and friendship. Creepy, exciting with the touch of funny story. I hope you like it. Cassidy Lunette ang weird at creepy pero talented sa pagpipinta. She can see dead people...