Chapter 23: PROJECT: B-Bash, Ice Cream at at at si Chia??!!

289 7 0
                                    

CHAPTER 23: PROJECT: B-BASH, ICE CREAM at at at si CHIA??!! 

 

Reika’s POV

 

5pm. Wala na kong klase. Yes! Salamat naman.

 

“Rei!” Nilingon ko yung tumawag. Si Aryl.

“Ui, bakit?” Tanong ko sa kanya ng makalapit na sya sakin.

Ngumiti sya sakin tapos hinila nya ko bigla. Nakarating kami sa may parking lot then nakita kong nandun sila Chia, Viene at Kane. Ano bang meron? Binitawan na ko ni Aryl then tumabi ako kay Chia. Wala talaga kong clue kung ano nangyayare. Tinignan ko si Chia. Umiling lang din sya. Mukhang pati sya walang alam. Si Kane naman ang tinignan ko. Ngumiti lang ang loko.

“Okay. Since kumpleto na tayo, may sasabihin ako sa inyo.” Pasimula ni Aryl.

“Teka. Kumpleto? Wala pa kaya si Karl.” Singit naman ni Kane sabay ngiti ng nakakaloko kay Aryl. Gumanti naman ng irap si Aryl. Napataas ang kilay ko. Okay? May something na naman? Shaking my head I went beside Chia.

“Whatever. Di na kailangan yung lalaking yun dito. So ang--”

“Nakakasakit ka naman ng loob. Di man lang ako inintay bago magsimula.” Nagulat kaming lahat ng magsalita bigla si Karl. Dumating na pala sya di man lang namin namalayan. Lumingon sya samin then binati nya kami.

“Hi, girls!” Sabi nya sabay akbay kay Aryl.

“Hi!” Sabay sabay naming sagot nila Chia at Viene.

 

Mukhang nagulat naman si Aryl. Nanlaki pa yung mata nya. O--kay? May nangyare nga? Hmmm. Something’s really fishy.. really really… F-I-S-H-Y.

A minute passed at mukhang nun lang natauhan si Aryl. Bigla nyang hinawi yung kamay ni Karl na nakaakbay sa kanya. Tapos lumayo sya kay Karl ng walang kahit anong sinasabi then humarap na ulit sya samin.

“Okay. Katulad nga nang sinabi ko kanina. May pag-uusapan tayo.”

Nagkatinginan kami ni Chia. Ano naman kaya ang pag-uusapan at kailangang halos buong barkada nandito? Yup, barkada. Naging barkada na din kami. Kahit madalas ang inisan eh magkasundo naman kami lahat kahit papano pwera lang kila Kane at Chia. Pero mukha namang maayos na din sila kahit papano.

“May gagawin tayong project.” Sabi ni Aryl sabay tingin sakin.

“Project?” Halos sabay naming tanong ni Chia.

“Yup! Project with a capital P.”

“Anong project? Para san naman yan?” Tanong ni Chia.

Tinignan ko sila Kane, Karl at Viene. Nakangiti lang sila. Mukhang alam na nila kung ano yung pinag-uusapan eh. Kami lang ata ni Chia ang walang alam.

“Teka, teka. Ano bang meron? Ano ba talaga yun?” Tanong ko ng nakakunot noo. Naguguluhan na ko sa kanila.

“Well…” Panimula ni Aryl.

“Malapit na kasi birthday ni Crei.” Singit ni Kane. Nakita ko ding tumango yung tatlo. Si Karl, Aryl at Viene.

I'm In Love With A HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon