•The6thTwist

326 17 1
                                    

Twist of Destiny

Chapter 6 • Living With Him

JAICEL's POV

Pagkatapos ng ginawa niya sakin, mapang-asar niya akong nginitian. At noong lumabas na yung lalaking yun, agad naman din pumasok si ate Kara.

"Jaicel." Tawag sakin ni ate Kara nung nakapasok na sya.

"Ay! Oh bakit?" Gulat kong tanong sa kaniya, kahit na alam kong pumasok siya sa kwarto ay wala talaga ako sa ulirat dahil sa ginawa nung bayabas na 'yun. Pero hindi ibig nun ay nagugustuhan ko na siya ah! Dahil makalipas ng isang taon, naramdaman ko na naman 'yun at hindi pwede 'yun! Hindi pwede ulit 'to! At saka imposible! Sobra! Dahil baka nararamdaman ko na naman 'to dahil nabubwisit lang talaga ako sa ma-pride na lalaking 'yun! At saka makalipas kasi talaga ng isang taon, may lalaki na naman ulit na gumawa sa akin nun.

"Kamusta naman pakikipagusap kay Naithan?" Tanong nya.

"Ok lang. Alam mo bang pumayag na sya." Masaya kong sabi. 'Yan lang ang mga lumalabas sa bibig ko kahit na sobrang saya ko dahil mapapagamot na ang mama ko.

"Talaga?!" Masaya niyang tanong.

Tapos ay tumango na lang ako.

"Eh bakit parang pawis na pawis ka?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Ha?!" Gulat kong tanong sa kanya sabay kapa ng noo ko, at puro pawis nga! Kaya agad ko itong pinunasan. "Mainit, sobra!" Natatawa kong sabi dito. Ayst! Halatang may tinatago talaga ako! Buset 'to si Naithan!

"Hoy! Baka naman may ginawa na kayo agad ah! Kaya pawis na pawis ka!" Nanlalaki niyang mga mata na sigaw sa akin at hinaawakan ang dalawa kong braso.

"Ate Kara! Kung ano anong iniisip!" Sigaw ko sa kanya at tinaboy ang mga kamay niya sa braso ko.

"Ate Kara! Kung ano anong iniisip!" Sigaw ko sa kanya at tinaboy ang mga kamay niya sa braso ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Awtsu, nakalock nga 'yung pinto kanina eh." Namula ang mga pisngi ko sa mga narinig ko kay ate Kara! Hayuf kasi! Kung hindi ko siya sinipa siguro may mangyayari na talaga?! Ni-lock niya pa talaga ang pinto ah! Hindi pa kasi ikakasal may balak na agad siyang bombahan ang tiyan ko! Humanda siya sakin! "Uyy." Pang-aasar niya. Napatingin naman ako ng masama sa kaniya. "Huli ka na! Namumula 'yung mukha mo oh!" Inasar niya pa ako lalo at tinuro turo ang mga pisngi ko.

"Ate Kara! Nagugulat lang ako sa mga sinasabi mo kaya ganun!" Pangangatuwiran kong sigaw sa kaniya, para matahimik na!

"Hayst, sige na nga. Baka mapaamin ka pa ng wala sa oras eh." Pang-aasar na naman niya. Aaminin? Anong aaminin ko? Na nagsasando lang ako at hindi nagba-bra dahil dalawa talaga likod ko?! 'Yun ba?

"Ano ba, ate Kara?!" Napatawa na siya sa reaksyon ko.

"Jaicel, uwi na ko ah." Nagiba na ang ekspresiyon ko nung maringin ko 'yung sinabi niya. Iiwan niya ako? Dito? Mag-isa?!

PLEASE DONT READ!!!! Under Revision- Twist Of Destiny ౪ (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon