•The42ndTwist

258 12 0
                                    

Twist of Destiny

Chapter 42 When Girls Are Tired For Boys

JAICEL's POV

"Angel!" Tawag ko sa labas ng bahay nila Angel.

Sabay silip niya naman sa may bintana nila, sarado na ang karinderya nila. Mga 9:00 pm na kasi ngayon eh, naglakad lang ako papunta sa kanila dahil sa naiwan ko ang wallet ko. Hindi ko alam kung ilang pagpapahirap pa ba ang kailangan kong maranasan ngayong araw para lang pilitin na nila akong sumuko.

"Uy! Jaicel?" Nagtatakang tanong niya sa akin noong nakita na niya ako sa bintana ng kwarto nila.

"A-Angel." Hindi ako makahinga, pakiramdam ko unti-unti akong nilalamon ng puso ko. Sobrang hina ko talagang tao! Kaya hinawakan ko na ang dib dib ko dahil hindi na ako makahinga at pakiramdam ko ay ilang saglit na lang ay bibigay na ako!

"Jaicel? Pupunta na ako diyan, maghintay ka lang diyan." Sabi sa akin ni Angel at umalis na ng bintana nila.

Mga ilang saglit lang ay lumabas na siya ng bahay nila at agad na pumunta sa akin. Noong pumunta na siya sa akin ay hinawakan na niya ako at ginabayan.

"Halika pumasok ka muna." Sabi ni Angel sa akin habang yakap yakap ako papasok ng bahay nila.

'Nung nasa loob na kami ay pinaupo niya muna ako sa sofa nila at kinuha ng tubig.

"Oh, uminom ka muna." Sabi ni Angel sa akin habang inaabutan ako ng tubig.

"Salamat." Sabi ko habang nanginginig ang kamay ko at uminom.

"Oy! Jaicel? Ok ka lang ba? May nangyari bang masama?" Nagaalalang tanong sa akin ni Angel saka na niya ako niyakap.

"Angel, nangyari na naman!" Iyak ng iyak kong sabi kay Angel. Nakita ko naman na nagulat siya sa sinabi ko kahit na halos sumasara na ang mga mata ko dahil sa namamaga na ang mga ito sa kaiiyak ko.

Kinalas niya ang yakapan naming dalawa at hinawakang bigla ang mga dalawa kong braso.

"Anong nangyari na naman?!" Galit niyang sigaw sa akin na mas lalo ko namang ikina-iyak.

Dahil sa hindi ko na kayang sumagot, tumango na lang ako sa kaniya at napayakap na lang ako sa kaniya bigla.

"Angel, hindi ko na kaya! Sobra na akong nahihirapan! Ang dami ko ng sinasakripisyo! Kulang pa ba?!" Sigaw ko habang umi-iyak ng malakas sa balikat niya.

"Uy, Jaicel tama na. Hayaan mo dito ka na muna magpalipas hanggat hindi mo pa kaya, akong bahala sa'yo." Pag-papaawat nya sakin.

Ako naman, hindi na nag-salita at nagpatuloy sa pag-iyak. Sa hindi matigil na pag-iyak

"Uy, Tahan na. Birthday mo diba? Dapat masaya ka." Sabi ni Angel sa akin. Ang galing noh Jaicel? Birthday ko ang saya saya ko, sobra!

Makalipas ang isang oras ay tumahan at kumalma na ako, salamat talaga kay Jaicel. Matutulog na kaming dalawa ngayon sa kwarto niya. ipinahiram muna sa akin ni Angel ang isa niyang pantulog.

Tulog na si Angel at nakapatay na ang ilaw, ako naman nakasandal lang pader at umi-iyak pa rin ng hindi alam ni Jaicel. Minsan naman kapag naiisip ko ulit 'yung mga nangyari ngayon ay napangiti na lang ako ng may halong sarkastiko dahil natatawa na lang ako sa panloloko sa akin ng kapalaran

"Tinuring ko naman silang mga matatalik na kaibigan ha? Si Yana, Si Jules at ngayon naman si Lhian. At 'yung mga ala-ala, gusto ko siyang balikan para mabago ko kaso takot na takot ako. Dahil alam ko na kahit balikan ko 'yun ay nandun pa rin 'yung mga sakit na nararamdaman ko. At wala naman akong karapatang balikan pa 'yun. Parati na lang ako nalulungkot at umi-iyak, hindi pa ba sapat ang lahat ng 'to para maging masaya ako habang buhay?" Sabi ko at tanong ko sa sarili ko habang umiiyak ng may hawak na tissue. Oh, diba baliw na ako kinaka-usap ko ang sarili ko?

PLEASE DONT READ!!!! Under Revision- Twist Of Destiny ౪ (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon