•The18thTwist

282 15 0
                                    

Twist of Destiny

Chapter 18The Insecures

NAITHAN's POV

Matapos ang sinigaw ni Danny sa amin, nagulat kaming lahat dahil nga baka mamaya ay pagtulungan na siya! Sabi ko na nga ba at hindi niya makakaya ang ganitong uri ng eskwelahan eh!

"Tara! Sunod tayo!" Panga-aya ni Lhian sa amin apat. Halata naman sa mukha nilang lahat ang pag-aalala.

"Naku! Hindi ko alam pero nag-aalala ako! Tara na nga! Danny tara!" Inaya naman ni Traicy si Danny.

"Sige na nga, baka kung ano pang mangyari sa alien na 'yun eh!" Sabi naman ni Danny, nagsitayuan na sila Lhian.

"How about you Naithan! Tara!" Lhian said and forcing me to come with them.

"Ayoko, hindi ko aaksayahin ang oras ko sa isang action movie na walang kwenta." I replied, sa totoo niyan alalang-alala na talaga ako ang kaso nawala talaga ang mood ko noong nalaman ko na gusto ni Brian si Jaicel at parang gusto pa yata 'yun ni Jaicel... Hindi! Hinding hindi ako magseselos!

"Bahala ka! You're always thinking of your self, you should learn how to think about the others!" She said and emphasizing every word na lumalabas sa bibig niya.

And then umalis na silang lahat, ako na lang ang natira mag-isa dito. I just continue eating, mas ok na 'to kesa makisali sa mga kaguluhang wala naming kabuluhan.

"Uy! Tara! May nag-aaway dun oh!" Dahil sa tahimik sa canteen, narinig ko ang sigaw ng isang lalaki sa labas ng canteen.

So?! Ok lang 'yun sa akin noh! Wag nilang sabihin na wala silang laban sa mga babaeng yun, wala akong pakelam kung masaktan 'yung mga babaeng 'yun pero si Jaicel este! 'Yung mga kaibigan ko na ang mga masasaktan, humanda na sila sa akin. At saka may tiwala naman akong matutulungan na nila si Jaicel, lalo na si Brian? Baka 'yun pa nga ang maging Knight and shining armor niya, lol, ang sweet ah... Sinabi ng hindi ako nagseselos eh!

Pag nalaman kong kawawa, nasaktan o nagalusan 'yang monggoloid na 'yan sa away na siya, baka makutusan ko talaga siya! Dahil siya ang unang babaeng nanapak sakin, kaya hinding hindi ko papalagpasing gantihan ang mga babaeng 'yun kapag nasakatan nila si Jaicel!

JAICEL's POV

Mabilis akong lumabas sa canteen dahil sa mga nangyari at sa mga ginawa ni Brian. Lalo pa 'yung masamang tingin sa akin ni Naithan kanina, sana naman ay hindi siya nagalit sa akin. Baka mamaya naglit siya at masira lang agad agad ang pagkakaibigan naming.

At saka isang malaking kahihiyan yung nangyari kanina dahil sa isang katulad kong pangit bumagsak ang napaka-cute na ngumiti na si Brian. At saka ayoko na ng gulo, simula noong may nangyaring masama kay mama, ayoko ng makipag-away sa school.

Teka! Ok lang ako! Sigurado ba ako na totoo yung mga sinabi nya?! Kasi hindi ba nakakaloka! Kahapon lang kami nagkakilala ni Brian tapos may gusto na agad sya sakin?! Aba! Teka! Baka malandi! O baka naman niloloko niya lang ako, ano ba 'yan? Akala ko pa naman mabait siya, sobrang hindi ko tuloy alam ang mga iisipin ko ngayon.

Tapos inaaya niya pa kaya ako ng isang date! Mag-isa siya! Hinding hindi ako maniniwala sa mga panloloko niya sa akin noh! Kaya tumanggi ako sa alok niya.

Sa ngayon hindi ko alam kung saan ako puputa! Basta para akong nagmamarathon sa school dahil takbo lang ako ng takbo! Naka-lock naman kasi 'yung room naming at saka vacant pa lang kasi naming.

Isang beses may nadaanan ako, kamuka nya yung babae kanina! Aba! Sya nga yun! 'Yung babaeng nagsabi sa akin na may araw din ako sa kaniya. Alam kong sikat sila Naithan at Brian dito, kaya isang damakmak na babae ang panigurading pagtutulungan ako para gantihan!

Pero hindi ko alam kung bakit tinitignan niya lang ako at hindi niya ako pinapasin, baka naman hindi niya na ako sasaktan. Kaya nagpatuloy-tuloy na lang ako sa pagtakbo!

"Jaicel!" May narinig akong sigaw!

Brian?!

Tumakbo na lang ako ng mabilis at baka mamaya pag huminto ako, dito naman siya magsabi ulit ng nararamdaman nya! Promise! Iiwas na talaga ako, dahil baka ikapahamak ko pa 'yung mga ginagawa niya sa akin.

Hanggang sa nawala at naligaw ko na siya! Teka! Dumaan na ako ulit kanina dito ah! Grabe, nakakahingal!

'Yung lugar na 'to ay kung saan ko nakita yung mga babaeng nagbanta sa akin sa canteen, ok naman eh tahimik naman ngayon, umalis na siguro yung mga babae dahil wala na sila sa pwesto nila kanina.

Tumayo na lang ako dito at dumungaw sa terrace, mga ilang minuto lang ng paghihintay para sa time naming ay may bigla na lang may humila ng balikat ko dahilan para mapalingon ako at para mapaharap sa kanila.

Sabay sampal ng isang babae sa akin ng malakas! Sobrang lakas talaga! 'Yung pakiramdam na nawala ako sa ulirat dahil doon. Grabe, ang sakit talaga!

"Ano bang problema niyo!" Sigaw ko sa kanila noong ilang segundo lang at bumalik na ang ulirat ko.

"Bakit papalag ka?!" Mataray na sigaw nung isang babae habang pinanlalakihan ako ng mata at tinatakot ako.

"Wow! Ang galing mo talaga Jess may pasa na siya agad sa pisngi oh!" Tuwang tuwa na sabi nung babae na katabi niya! Kinapa ko ang pisngi ko pero dahil sobrang sakit hindi ko mapigilang hindi na ito hawakan.

"Oo, bakit? Papalag ako! May problema ka ba dun?!" Sigaw ko sabay hampas sa kanya sa balikat 'yung tipong nag-aaya ba ng away! Dapat kasi marunong sila pumili ng away at aawayin nila! Dahil kapag ako napuno, hinding hindi talaga nila 'yun magugustuhan.

Nagulat silang lahat sa ginawa ko at kasabay nito ang pagngiti ng devil smile sa akin.

"Ayos ka ha!" Mayabang nyang sigaw akin, may isa pa sanang susugod sakin para ambangan ako kaso pinigilan siya ng babaeng sumampal sa akin.

"Kilala mo ba kung sino kami!" Mataray tanong ng babaeng sumampal sa akin.

"Wala akong pakelam kung sino kayo! At wala rin akong balak alamin yun!" Matapang kong sigaw sa kanila.

"Ayos ka talaga ha! Malandi ka na nga ang tapang tapang mo pa!" Sigaw niya. "Tara na! Pagtulungan na natin 'to!" Dagdag niya.

"Malandi kang babae ka!"

"Pokp*k!"

"Bruha!"

"Mangkukulam!"

'Yan ang mga salitang binabato nila sa akin at habang unti-unti silang lumalapit sa akin ng sabay-sabay pero isa-isang sumasampal, bumabatok, sumasabunot, sumusuntok at sumisipa sa akin!

Bale 10 o higit pa ata sila! Kaya hindi ko sila kaya, dahil ang dami talaga nila! Kahit bugbog na bugbog na ako hindi ako makalaban dahil sa ang sakit na rin ng buo kong katawan. Wala akong ibang ma-react at masabi sa kanila kung hindi aray na lang.

"Itigil ninyo nga yan!" May sumigaw na lalaki sa hindi kalayuan. Sino yun? Tumigil ang mga babaeng pinagtutulungan ako at sabay sabay tumingin sa taong sumigaw, nakita ko kung sino 'yung sumigaw na 'yun.

×××

VOTE|COMMENT

PLEASE DONT READ!!!! Under Revision- Twist Of Destiny ౪ (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon