Twist of Destiny
Chapter 34 • Official
JAICEL's POV
Kinabukasan. Nasa sasakyan na kami ngayon at iniisip ang mga mangyayari ngayon sa school. Baka mamaya may mangyari na naman na hindi maganda, baka nga ito pa ang maging dahilan para makasira sa relasyon naming ni Naithan. Nakatulala lang ako sa may bintana, sa may front sit habang si Naithan naman ay nagda-drive ng sasakyan.
"Uy. Ok ka lang ba?" Tanong ni Naithan sabay kalabit sa akin.
"Ha? Saan? Nandito na ba tayo?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya at medyo natataranta.
"Ano?!" Tanong niya din sa akin habang naka-kunot noo niya.
"Ano rin?" Nakatulalang tanong ko sa kaniya.
Tapos bigla syang ngumiti at sabay lapit sa akin, bigla niyang pinitik ang noo ko.
"Aray ha! Ano bang problema mo?!" Kunot noo kong tanong sa kaniya habang nakahawak sa noo ko.
"Kanina pa kaya kita tinatanong! Kung saan mo gustong ganapin yung birthday mo pero nakatulala ka lang diyan." Sagot niya. At halata sa mukha niya ang pagkainis.
"Ah, ganun ba? Sorry hindi kita napansin." Nakasimangot kong sabi sa kaniya.
"Hayst... Sino bang ini-isip mo ha?" Pang-aasar niya. Pero 'yung boses niya parang wala ng gana na hindi na katulad kanina.
"Wala ah." Simpleng sagot ko sa kaniya.
"Sino nga?" Pang-aasar nya ulit tapos nangati ng kaunti. "Si Brian ba?" Sabi nya pero yung boses niya naging malungkot pati 'yung ekspresyon niya ay nag-iba talaga. Ano seloso naman po.
"Hoy, ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko naman sa kaniya. "Nagseselos ka ba?" Malambing kong tanong. Kasi kapag inaway ko pa 'to baka, magkagalit pa kami pag dating namin sa school.
"Hindi ah." Cold niyang sagot sa akin.
"Hayst! Napaka-seloso mo naman. Ang ini-isip ko lang, paano kung malaman nila yung relasyon natin? Baka mas lalo nila tayong sirain o mas lalo nila akong paginitan." Sagot ko sa kaniya at napasandal na lang sa upuan.
"Tsk! 'Yun lang pala." Pang-aasar niya sa akin. "Jaicel, walang makaka-sira sa relasyon natin. Ikaw lang ang mahalaga sa akin at hindi 'yung mga iniisip ng mga ibang tao. Hindi nila tayo masisira." Paliwanag niya sa akin at hinawakan na naman niya ang kamay ko habang nagmamamneho siya
Nakakatuwa naman at nakakgaang ng loob. Ganoon niya ba ako sobrang kamahal? Ganoon talaga? Napaka-saya ko dahil akin sya at sa kanya naman ako. At wala ng makaka-agaw sa kaniya dahil hindi ko hahayaang mangyari 'yun.
"Nandito na tayo." Sabi niya sa akin at lumabas na ng pintuan ng sasakyan. Diniretso niya 'yung sasakyan sa parking lot ng school at hindi sa mismong gate.
"Ah, sige." Sabi ko naman at lumabas na din.
Pagdating naming dalawa sa harap ng gate ay wala na naman kaming nakita na mga babae. Napakablangko na naman ng paligid dahil wala ang mga fangirl ni Naithan ang nakapaligid sa gate.
Bakit? Ano 'to? Trap na naman? Pagpasok ko, susugurin na naman nila ako at tapos kung ano ano na naman ang mga gagawin nila sa akin? Kinakabahan na naman ako, 'yung feeling na parang hindi school ang papasukin mo kung hindi isang haunted house!
Pero nakapasok lang kami ni Nithan sa school ng walang ibang nangyayari, parang wala lang talaga. Ligtas na nga kaming nakapasok sa room ngayon eh.
"Hi, Jaicel!"
"Hello, Jaicel."
"Good Morning, Jaicel!"
BINABASA MO ANG
PLEASE DONT READ!!!! Under Revision- Twist Of Destiny ౪ (Book 1)
Storie d'amoreThis novel is under revision and construction. For some reason, I was 14 years of age when I started to write this so I'm not contented. I'm 16 now and I want to improve this novel. And Tagalog pa rin siya. All Rights Reserved 2014