•The25thTwist

269 14 6
                                    

Twist of Destiny

Chapter 25 • His Side

JAICEL's POV

"Uy! Teka!" Pasigaw na tawag ko sa kaniya habang naka-upo pa rin sa upuan. "Pag hindi mo sinabi magagalit ako sa'yo at hindi na kita kaka-usapin." Pagtataray ko sa kaniya at napa-cross arms pa. Sa tingin ko naman ay narinig niya ang sinabi ko kaya napahinto siya sa paglalakad niya.

"Ok lang. Hindi ka kawalan noh." Pagtataray niya din sa akin, copy cat!! Nagtaray ako, nagtaray din sya?! Gaya-gaya! Baka, bakla! At saka sa totoo lang? Ang moody niya! Minsan malambing, minsan parang baliw, minsan mabait, minsan naman may toyo, minsan naman may sayad sa utak, minsan masama at minsan malamig pero hindi talaga nagbabago ang pagiging mayabang niya. Haha! Oo, hinding hindi magbabago ang pagiging bayaba niya.

"Sige, sabi mo eh." Pagtataray ko ulit sa kaniya. Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko at iniwan siyang mag-isa dun. Nakaka-banas kasi eh! Aakyat na sana ako para magbihis na lang at iwan na siya ditto, kahit ako na lang pumasok sa school mag-isa ay kaya ko na! Wala akong pake sa kaniya.

"Hoy! Jaicel." Tawag niya sa akin noong nasa hagdanan na ako. Napatigil naman ako sa paglalakad at nagbabasakaling sagutin na niya 'yung tanong ko pero ganun pa din ay hindi ako lumingon sa kaniya. Paniguradong sasagutin na niya ang tanong ko noh.

"Maghuhugas ka pa ng pinggan." Dagdag niya. Huh! Ano daw?! Arggh! Maghuhugas lang pala! Akala ko pa naman, asdfghjkl! Nakaka-asar talaga! Dumiretso na lang ako sa pag-akyat sa taas ng may kasamang mabibigat na hakbang at pagdadabog.

"Hoy! Ano ba?" Sigaw niya at narinig ko pa 'yun pero hindi ko na lang 'yun pinansin at nagpatuloy pa rin sa pagpanik sa taas. Pagkapanik ko ay dumiretso na muna ako sa closet para kumuha ng uniform ko.

Pagkatapos kong makakuha ng uniform ko ay lalabas na ako at kasabay ng paglabas ko biglang may humatak sa braso ko. Tapos ay hinawakan niya 'yung kamay ko! Ay! Dalawang kamay pala at sinandal pa niya ako sa pader!

"Anong problema mo huh?!" Cold na tanong ni Naithan sa akin. Habang nakatingin sa akin ang mga galit niyang mga mata. Hindi ako pumalag, nilakasn ko na lang ang loob ko at hindi na ininda pa ang sakit ng kamay ko dahil sa mahigpit niyang pagkakahawak. Dahil alam ko sa sarili ko na may gusting ipahiwatig ngayon ang mga nakakatakot na mga tinginan ni Naithan sa akin.

"Wala akong problema!" Pasigaw kong sabi sa kaniya kahit na ang dami ko talaga problema.

"Tinatanong kita kung anong problema mo kaya sumagot ka." Cold niya ring sabi sa akin. Pansin ko 'yung galit sa mata niya. Sobrang O. A man pero nakakatakot talaga, at hindi ko 'to mabasa kaya hindi ko alam kung bakit ganiyan na lang siya makatitig sa akin. 'Yung titig na parang gagahasain niya ako ng wala sa oras.

"Sabi ko hindi ba kapag hindi mo ko sinagot galit na ako sayo." Low tempered kong sagot dahil baka mas magalit pa siya kung sisigawan ko pa siya. #LowTemopered push mo 'yan Jaicel.

"Ang arte mo huh!" Pinagkadiin diin niya talaga ang mga salitang 'yan sa pagmumukha ko. "Parang gusto kong makakuha ng atensyon kaya ginawa ko ang lahat, I have to act cool para maipagmalaki ako ng papa ko na lalaking-lalaki 'yung only child nya. And I have to be smart para maipagmalaki din ako ni mama. And the last thing kaya ma-pride at mayabang ako dahil kulang ako sa pagmamahal ng magulang. Silang dalawa lang Jaicel! Kahit silang dalawa lang ang nagkukulang sa akin pakiramdam ko pinagsasakluban na ako ng langit at lupa, saan ba ako nagkulang? Inusenteng anak lang naman nila ako ha? Pero bakit ang oras at pag-ibig na lang nila na ang tanging hinihiling ko lang naman sa kanila pero hindi pa nila maibigay?" Sa tingin ko, ito na ang totoong Naithan Cruz. Ang lalaking pinapakita ang kahinaan niya at 'yun ay ang mga magulang niya. 'Yung mga magulang niya na parati niyang nakikita pero naman niya nakakasama, ibang iba talaga ang impact sa isang anak kapag nagkulang ang mga magulang nila.

Hindi na lang ako makapagsalita, dahil ramdam ko 'yung mga sinasabi niya sa akin. Pero ang sa akin naman kasi ay ang papa ko lang ang nang-iwan pero nandiyan pa rin ang mama ko.

At sa puntong 'to? Nakita ko na lang ang isang Naithan Cruz na lumuluha na, napatingin siya sa ibang direksyon dahil ayaw siguro niyang makita ko siyang umiiyak.

At dahan-dahan na niyang kinalas ang mahigpit niyang pagkakahawak sa mga kamay ko na pakiramdam ko ay namanhid na sa sobrang higpit ng mga hawak niya. Nakahinga na ako ng maluwag pero nandoon pa rin 'yung kaba dahil masakit pa ang mga ito.

"Sorry, sorry." Cold niyang sabi at sabay buntong hininga at pinunasan patago ang mga luha niyang papalabas na ng tuluyan kanina. "Pero kung ayaw mo pa rin akong papansinin at galit ka pa rin sa akin, nasa sayo na 'yun." Sabi niya sa akin at sabay talikod dahil papasok na sana siya sa kwarto.

Pero bago pa siya magpapatuloy sa paglalakad niya ay niyakap ko na agad siya noong pagkatalikod niya. Jaicel ano na naman 'to?!

"Wag ka ng malungkot, ako na ang magpapasaya sayo at hindi na kita iiwan. Kahit anong mangyari." Malungkot kong sabi habang nakayakap sa kaniya ng mahigpit. Oo kahit lumipas pa ang limang taon na sinasabi niyang maghihiwalay din kami at magkakaniya kaniya na ay hindi ko pa rin siya iiwan. Gagawin ko na ang lahat simula ngayon, para ang isang Naithan Cruz ay magustuhan at mahalin na rin ako.

Pero wala naman akong narinig na sagot niya kahit isang salita. Galit ba sya? Nagdadam? Nagtatampo? Ano?! Ang dami na namang tanong sa isip ko!

Pero ilang segundo lang ay kinalas niya ang pagkakayakap ko sa kanya at humarap naman siya sa akin at ako naman ang niyakap niya sa oras na 'to. Sobrang higpit na parang mas ayaw na niya akong mawala simula ngayon. Na parang kailangan ko ng dumikit sa kaluluwa niya para manatili lang ako sa buhay niya hanggang dulo.

"Jaicel, huwag na huwag kang aalis ha. Dito ka lang, huwag kang gagaya sa kanila. Huwag mo rin akong papabayaan at iiwan." Malungkot niya ding sinabi sa akin habang pahigpit ng paahigpit ang mga yakap niya.

"Oo, hindi ako aalis sa tabi mo." Sagot ko ng nakangiti sa kaniya. Totoo 'yan, buong puso kong ipinangangako 'yan.

"Pangako?" Tanong naman niya.

"Pangako." Sagot ko. Oo Naithan, pangako ko 'yan. Kahit na 100% naman akong sigurado na ikaw ang mangi-iwan sa ating dalawa sa dulo ng istorya natin. At 'yun na ngayon ang isa sa mga kinakatakutan ko. Ang iwan mo ako.

"Salamat." Sabi niya at napayakap na din ako dahil ang higpit higpit na ng yakap niya sa akin kaya nadala na rin ako. Magka-yakap pa din kaming dalawa kahit ilang minuto na ang lumipas. At sobrang higpit ng kaniya, mas maahigpit pa kesa sa akin.

Pero dahan-dahan na akong kumalas sa pagkakayakap naming dahil hindi ko uubusin ang limang taon sa yakap lang na ganito noh! Haha.

"Late na tayo. 6:30 na oh. Maliligo na ako." Sabi ko sa kaniya noong kumalas na kaming dalawa sa yakapan namin.

"Sige, bilisan mo ha." Malambing niyang sabi sa akin sabay ngiti ng malaki.

Papunta na akong kwarto dahil nandun nga 'yung c.r namin at si Naithan naman ay papasok pa lang ng closet para kumuha ng uniform niya. Habang ako ay nagbubukas ng pinto ng kwarto at siya naman ay nagbubukas ng pinto ng closet.

"Jaicel." Tawag niya sa akin at agad naman akong napalingon sa kaniya.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Para hindi tayo ma-late, sabay na kaya tayong maligo?" Mapang-asar niyang tanong at may halong nakakapangloko niyang ngiti.

"Manahimik ka nga! Kaya ayokong nakikipaglambingan sayo eh. Nagiging wild 'yung imagination mo!" Galit kong sigaw sa kaniya habang nakatingin na rin ng masama sa kaniya.

Sabay tawa niya naman ng malakas! Tsk! Bayabas talaga! Wala ng pag-asa 'to!

"Sige, maligo ka na." Sabi niya habang tumatawa pa at nagpatuloy na sa pagpasok sa closet namin.

"Tsk!" Tinarayan ko na lang siya, 'yung tipong cold at hindi 'yung maarteng taray na pa-cute. At dahil 'dun agad ko naman siyang pinagdabugan ng pinto at nilock 'yun! At hinding hindi ko talaga 'yun bubuksan hanggat hindi pa ako tapos maligo. Pervert 'tong bayabas na 'to!

×××

VOTE|COMMENT

PLEASE DONT READ!!!! Under Revision- Twist Of Destiny ౪ (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon