•The11thTwist

282 14 0
                                    

Twist of Destiny

Chapter 6Street Fighters

JAICEL's POV

Matapos ang 1234567890000000 years ago 'kong mapanisan ng laway dahil walong oras akong walang imik at di nagsasalita sa loob ng classroom dahil sa masiadong pahirap na mister Pride na 'to. Buset ka po! Matapos ang lahat sa wakas ay maguuwian na! Biyayaan nawa ang gurong ito sa pagpapauwi na sa amin. Naiisip ko lang, paano kung araw-araw ganiyan? Kawawang kawawa talaga ang lola mo, ahuhu!

Pinauna ko muna yung mga mala-anghel at mga hulog ng langit kong mga kaklase! Pisti! Kung makapanghusga at makapanglait sa akin akala naman nila mga perpekto na sila. Grebe syela!

Pero si Pride ayaw pa rin lumabas at 'yung apat pa ay ayaw pa ring lumabas. Bakit? Cleaners ba sila? Sige, maglinis kayo diyan! Lalo na 'tong ma-pride na lalaking 'to? Siya mismo ang ilampaso ninyiyo sa sahig!

Tumayo na ako para tumakbo at makaalis na dito sa room na 'to, pero dalawang hakbang pa lang ng lakad ko ay tinisod na ako ng bayabas na 'to!

"Aray ko!" Sigaw ko, napasubsob tuloy ako sa sahig at parang may bali pa ata 'yung paa ko! Nakakabad-trip talaga siya! Pasalamat siya at hindi ko lang siya magantihan dahil sa nandito pa rin 'yung apat niyang mga kaibigan.

"Nice one Naith!" Masayang sigaw ni Danny kay Naithan at sabay apir pa! At si Traicy naman naka devil face! Putspa, kahit hindi na siya magganun, mukha naman na talaga siyang devil eh!

"Jaicel, ayos ka lang ba?" Nagulat na lang ako at nasa tabi ko na si Brian at ginabayan ang braso ko para tulungan akong makatayo sa pinagbagsakan ko.

"Bakit mo ginawa 'yun Naith?" Salubong ni Lhian sabay hawak din sa braso ko at kasama niya si Brian na ginabayan ako sa pagtayo.

"Ano ba kayo? Ok lang ako noh." Sabi ko sa kanilang dalawa at dahan dahang tinanggal na ang mga kamay nila sa braso ko.

"Pero nasubsob ka kaya sa sahig. Hindi ka ba nasaktan?" Naga-ala alang tanong ni Lhian sakin.

"Ha? Ok lang yan, hindi ko ikakamatay 'yan." Natatawa at pabiro kong sabi kay Lhian at sinimulan ng magpagpag ng damit.

"Oo nga Lhian ok lang yan. Bagay naman kasi talaga siya sa sahig eh, ang sarap tapakan." Panlalait ni Pride sa akin.

"Naith? Ano bang problema mo kay Jaicel huh?" parang naiinis na tanong ni Lhian kay Naithan pero nandoon pa rin 'yung angelic voice niya.

"Wala." Tipid niyang sagot at tumingin sa ibang direksyon. 'Yan kasi eh, may pakundisyon kundisyon ka pang nalalaman pero baka mamaya ikaw pa ang maging dahilan para malaman ng mga tiga-school ang kasal nating dalawa.

"Una na ako ah. Baka kasi mamaya , hinihintay na ako ng sasaknyan ko sa labas." Sabi ko sa kanila at dumiretso na ng labas sa may room. Nauna na akong umalis dahil baka mabeat ko ang record ni Manny nito sa boxing history. Habang tumatakbo ako mukha akong zombie dahil yung isa kong paa masakit at namamanhid kaya ayan para tuloy akong pilay kung maglakad sa hallway. 'Yung isang paa ko naman pilit na tinutulak yung buo kong katawan! Grabe talaga 'yang Pride with the power of safe guard na 'yan sa akin, humanda talaga siya paguwi dahil matatamaan talaga siya sa akin!

Pero buti naman at nakaya ko ang mala walking dead na adventure ko sa hallway, at dito na nagtatapos ang nobelang ito. Sumakit ang paa ni Jaicel Garcia dahil kay Naithan Cruz pero nakayanan niya pa rin ang maglakad sa hallway at makaka-uwi na siya. The end.

Sorry naman! Corny noh? Ahehe. At nakapunta na nga ako sa harap ng school sa may gate. Wala naman gaanong tao dahil siguro uwian na, buti na lang at hindi siya katulad kaganina na parang may rally na kaunti na lang ay magriot talaga sila!

PLEASE DONT READ!!!! Under Revision- Twist Of Destiny ౪ (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon