Twist of Destiny
Chapter 29 • Serious Conversation
JAICEL's POV
"Hindi pa sana kita gigisingin eh kaso ang pogi 'nung lalaking naghahanap sa'yo." Sabi niya sa akin na agad ko namang kinagulat dahil baka si Naithan 'yung naghahanap sa akin! Si Naithan? Hinahanap niya ako? Siya ba 'yung naghahanap sa akin?
"Ah, sige. Susunod na ako." Sabi ko naman sa kaniya sabay tayo. Dumiretso ako sa banyo saglit para maghilamos at magmukhang maayos sa harap ni Naithan. At noong pagkatapos kong mag-hilamos ay lumabas na ako at pinuntahan si Angel sa karinderya.
"Gel. Nasan na 'yung nagha-hanap sa akin?" Tanong ko sa kaniya.
"Ha? Ayun siya oh! Naka-upo 'dun." Sabi niya sa akin habang nakaturo sa taong sinasabi niyang naghahanap sa akin. Agad naman akong tumingin sa taong 'yun dahil exited na akong makita nab aka si Naithan 'yung taong 'yun, pero umasa na naman pala ako.
"B-Brian?" Nagtatakang tanong ko sa sarili ko.
Si Brian 'yung nagha-hanap sakin? Paano niya nalaman na nandito ako at ano na naman ang kailangan niya sa akin? At 'nung nakita na niya ako, nagsimula na siyang kumaway para bigyan ako ng sign na pumunta sa kaniya dahil nandun siya. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya, kahit na ang saya-saya niyang tignan sa puwesto na 'yun ay nakasimangot pa rin ako dahil si Naithan talaga ang gusto kong makita at ang inaasahang naghahanap sa akin pero siya pala 'yun.
"Ba-bakit ka nandito?" Nagtataka pero nakasimangot ko namang tanong sa kaniya.
"Pwede ka bang maka-usap?" Nakangiting tanong niya sa akin.
"Anong pagu-usapan natin?" Tanong ko naman din sa kaniya.
"Ma-upo ka muna." Nakangiti niya pa ring sabi sa akin. Tapos ay umupo ako sa isang upuan sa harap niya
"Ano bang ginagawa mo dito?" Malungkot na tanong ko sa kaniya habang nakayuko. Promise, ayoko na talagang makita si Brian, bukod sa naiilang na nga ako, naiirita pa ako sa kaniy dahil sunod pa siya ng sunod sa akin.
"Pumunta kasi ako sa inyo kahapon para kamustahin ang lagay mo kaso nakita kita na nagla-lakad at may hawak na maleta kaya sinundan kita. 'Nung pasakay ka ng taxi sumakay ulit ako sa sasakyan at sinundan na kita." Sagot niya sa akin.
"Ibig sabihin kahapon mo pa alam na nandito ako?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Yup, pero inalam ko muna kung bakit ka umalis." Sagot niya.
"Ibig sabihin dumaan ka na rin sa amin?" Tanong ko ulit sa kaniya at napatingin na sa kaniya ng seryoso.
"Yup." Tipid niyang sagot.
"Sinabi mo ba kay Naithan kung nasaan ako?" Tanong ko naman sa kaniya ulit.
"Oo sana. Kaso mukhang wala naman siyang pakelam kung nasaan ka eh." Sagot niya naman. Nalungkot naman akong bigla lalong lalo na 'yung mga mata ko. At hindi na pa akong nagsalita ulit dahil sa mas sumasama na naman ang pakiramdam ko. At hindi na rin siya nagsalita.
"Jaicel?" Panimula niya.
"Bakit?" Tanong ko naman sa kaniya.
"Napag-isipan mo na ba 'yung sinabi ko sayo 'nun?" Tanong niya sa akin.
"'Yung ano 'yun diba?" Malungkot kong tanong sa kaniya.
"Oo ayun nga 'yun." Nakangiting sagot niya.
"Brian, ano kasi eh." Sabi ko pero hindi niya ito pinatapos.
"Jaicel akin ka na lang. Magiging masaya ka pa, tutulungan ko pa mama mo at mamahalin pa kita." Bigla niyang sinabi 'yun sa akin. Sinabi niya 'yan lahat ng mabibilis pwera sa dulo, ramdam ko 'yung sinseridad ng sinabi niya sa dulo pero hindi pa rin sapat para siya na ang mahalin ko.
BINABASA MO ANG
PLEASE DONT READ!!!! Under Revision- Twist Of Destiny ౪ (Book 1)
Любовные романыThis novel is under revision and construction. For some reason, I was 14 years of age when I started to write this so I'm not contented. I'm 16 now and I want to improve this novel. And Tagalog pa rin siya. All Rights Reserved 2014