•The30thTwist

261 15 0
                                    

Twist of Destiny

Chapter 30 • Making Her Come Back To Him

JAICEL's POV

"Naithan? Bakit ka nandito?" Nanghihina kong tanong kay Naithan dahil sa binuhat niya na lang ako bigla, hindi ko alam kung bakit siya nandito kila Angel. Nananaginip ba ako? Bakit nandito na ang lalaking pinapangarap ko na puntahan din ako at magalala kung ano na ang nangyayari sa akin.

"Dadalhin kita sa Ospital." Sagot niya sa akin habang buhat buhat na ako. Hindi naman ako makapalag sa pagbuhat niya sa akin dahil sobrang hina na ng katawan ko at ang sakit sakit na ng ulo ko.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako." Pagpupumiglas ko sa kaniya pero hindi ko kaya dahil ang tamlay tamlay ko na talaga.

"Jaicel! Pwede ba!" Galit niyang sigaw sa akin. Pero ayaw rin talagang magpa-awat at pilit niya pa rin akong binubuhat. Hanggang sa wala na rin akong palag kaya nabuhat na niya ako ng pa-bridal. Yiee! Kinikilig ako! Este! Erase! Erase! Naiinis ako! Naiinis pa ako lalo dahil baka kapag sumama pa ako, baka mamaya kung ano pang susunod na mangyayari. Paano kung pa-alisin niya lang ulit ako at kaya lang siya nandito dahil sa naaawa na naman siya sa akin. Bakit? Dahil ba sa may sakit lang ako kaya kakaawaan na naman niya ako? Masakit umasa at alam kong alam niyo 'yan.

Nakalabas na kami ng bahay nila Angel ng buhat buhat niya pa rin ako at mas lalo pang sumakit 'yung ulo ko dahil sa hinagis niya ako sa loob ng isang sasakyan. Sa may front sit ng sasakyan na 'yun.

"Bakit ba ang kulit mo?!" Sigaw ko naman sa kaniya, nakayanan ko pa naman kahit na hinang hina na ako.

Tapos ay umalis siya sa harap ko at sinara na niya 'yung pintuan ng kinauupuaan ko. Tapos sumakay sya sa kabilang upuan, sa may driver sit naman.

"Huwag ka na lang makulit at sumama ka sakin." Mahinahon niyang sagot habang ina-ayos 'yung sit belt niya at kasunod naman niya na inayos ay ang sit belt ko naman.

"Ayos pala 'to eh." Mayabang kong sabi sa kaniya. "Pwede ba Naithan! Wag mo akong gawing bayarang babae! Hindi ako 'yung tipo ng babae na kapag isang sabi mo lang ng sumama ako sa'yo ay sasama na agad!" Galit kong sigaw.

"Bakit kelan pa naging Motel ang ospital. Ang sabi ko dadalhin kita sa ospital, gets?" Pang-aasar pa niya sa akin.

Hindi ko na kaya, ang sakit na ng ulo ko at nasabayan pa na sinisipon pa ako. Napapapikit na lang ang mata ko kahit na ayoko dahil inaantok ako, sobra. Anong oras na ba? Naghanap ako ng orasan sa sasakyan at nakita ko na ang oras ay 3:10 am! Nagulat ako noong nakita ko 'yung oras dahil hindi ko akalain na ang isang Naithan Cruz ay pag-aaksayahan ako ng panahon ng ganitong oras!

Hangang sa nakatulog na ako ng mahimbing.

"Jaicel?" Gising sa akin ni Naithan.

"Ha? Hhm... Bakit ba?" Tanong ko, nawala talaga ako sa ulirat kaya hindi ko maalala na papunta pala kami ni Naithan sa isang ospital. Kaya nagising na lang ako noong naalala ko na lang 'yun.

"Tulog ka ba?" Tanong niya.

"Hindi patay na." Pamimilosopo ko pero matamlay pa rin ang boses ko.

"Halika Jaicel, nandito tayo." Gising ulit ni Naithan sa akin, pagkamulat ko na lang ng mata ko ay nakita ko na siya nag binubuhat na ako papalabas ng kotse na sinasakyan namin.

Pagkapasok naming dalawa sa ospital ay pina-confine niya agad ako, 'yun agad ang inutos niya sa mga nurses at doctors.

Alam niyo ba 'yung feeling na pag may sakit ka at hindi ka na makapagsalita at ang kaya mo lang gawin ay ang matulog. Kaya ayun nga, natulog na lang ako ng natulog hanggang sa mag-umaga. Wala na akong pakelam kahit mag-stay ako dito, ayos lang, tatakas naman ako kapag magaling na ako eh.

PLEASE DONT READ!!!! Under Revision- Twist Of Destiny ౪ (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon