•The10thTwist

275 14 0
                                    

Twist of Destiny

Chapter 10Hell Mates

JAICEL's POV

JAICEL's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ito na Jaicel! Handa ka na ba? Handa ka na bang mapahiya?!" Sabi ko sa sarili at hindi matigilan ang pagkagat ko sa labi ko dahil sa sobrang kaba! Habang nasa labas pa ng room at hinihintay si Brian, napapaatras ako sa kinatatayuan ko dahil parang ayoko talaga pumasok. Nakakaramdam talaga ako na may masamang mangyayari! Dahil sa nararamdaman ko ang aura ni Pride, kaya parang nagiinit na naman ang dugo ko. Ilang saglit lang ay lumabas ulit si Brian para tawagin ako.

"Jaicel, ok na" Nakangiting sabi niya sa akin habang nakadungaw siya sa pinto.

"Hindi ba pwedeng pasok na lang ako, yung wala ng paki-pakilala?" Tanong ko, sobrang pakiramdam ko may mangyayaring hindi talaga maganda.

"Ano ka ba? Hindi 'yun pwede, dapat makilala ka nila." Sabi ni Brian.

"Ayoko nga!" Galit kong sabi pero mahina lang, tapos ay pinandilatan ko siya.

Natawa na naman siya sa sinabi ko at hindi ko alam kung bakit siya natawa. Kaya ayun, nakita ko na naman 'yung nakakaewan niyang ngiti. Nakakagigil talaga! Dahil masiyado akong nadadala ng ngiti niya na 'yun at hindi ko maiwasang mag'react kapag ngumingiti na siya.

Tapos ay sabay hatak siya ng kamay ko papasok sa room naming, wala na akong magagawa kaya sumunod na lang ako sa kaniya at hinayaang hatakin ang kamay ko papasok sa loob.

"Uy! Teka!" Napasigaw ko na lang noong paghatak niya.

Noong nakapasok na ako sa may pintuan ang unang bumungad sa akin ay si Pride na naka-upo dito sa tabi ng pintuan. Nakatingin siya sa akin ng masama habang naka-cross arms pa. hindi ko na lang siya pinansin para walang makapansin sa amin at baka magduda pa sila.

Noong nalingat na ang paningin ko sa mga kaklase ko, lahat sila ay nakatingin sa akin. 'Yung iba parang nandidiri sa itsura ko, 'yung iba naman parang gulat na gulat na nakita ako.

"Hi." Nakangiti kong sabi with mathich wave pa ng kamay.Kaso tumawa lang silang lahat! As in tawang tawa sila na parang wala ng bukas. Dahil sa pinakita nilang 'yo, ibinababa ko na ang aking kamay at sumimangot na lang. Nakakabad-trip kasi eh, tuwang-tuwa sa pagmumukha ko, 'yung isa napapapadyak pa, 'yung lalaki na nakaupo sa unang helera sa may bandang dulo! Tuwang tuwa men ah!

Pero may dalawang hulog ng langit sa araw ko na 'to, dahil si Brian at 'yung isang babae na malapit kay Pride ay hindi tumatawa. Parang naiinis pa nga sila sa mga pagtawa ng mga kaklase nila sa akin.

At 'yung bayabas na Pride! Mas binibuweset pa ako dahil naalala ko lang 'yung mga ginawa niya sa akin at ang mga pinagdaanan ko ngayong araw ng dahil lang sa kaniya, kumukulo talaga ang dugo ko kapaga naakikita ko ang pagmumukha ng lalaking 'to sa isang araw!

PLEASE DONT READ!!!! Under Revision- Twist Of Destiny ౪ (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon