•The21stTwisT

281 15 0
                                    

Twist of Destiny

Chapter 21 • The Good Side Of Him

JAICEL's POV

Ewan ko sa inyo!" Mayabang na sigaw ni Naithan, nagtawanan naman kaming lahat pwera lang si Brian na seryosong seryoso sa kinatatayuan niya.

"Nga pala Jaicel, sabi ng principal pwede ka na daw umuwi para makapagpahinga ka na." Biglang sinabi ni Lhian sa akin.

"Ganun ba? Sige mauuna na ako kung ganun?" Sabi ko sabay tayo ko sa kama at kuha ng bag ko.

"Teka! Baka masakit pa 'yung katawan mo kaya magpahinga ka muna diyan at wala ka rin kasabay umuwi." Mabi-bilis na sabi ni Naithan sa akin.

Natahimik ang lahat, lalo na ako.

"Ha?" Nagtatakang tanong ko na lang sa kaniya.

"Aww... Napaka-maalalahin mo naman pong fiancé." Pang-aasar na naman ni Danny kay Naithan.

"Aww... How sweet." Pang-aasar din ni Traicy, hayst! Mag-boyfriend talaga sila, haha.

"Pwede ba! Baka magalit lang kasi si mama kapag may nangyari sa kaniyang masama noh!" Naiinis na sigaw ni Naithan sa kanilang dalawa.

Wow! Naithan! Kelan ka pa ngakaroon ng pakelam sa nararamdaman ni tita?! Pero napangiti ako 'dun ah, dahil parang nagbabago at bumabait na si Naithan.

"Ah, ganun ba? San nga pala bahay ninyo?" Tanong ni Danny. Sa totoo lang pang-aasar niya pala, panigurado ako na gusto niya kaming mahuling dalawa ni Naithan kung magkasama ba kami sa iisang bahay na kami lang dalawa o sa bahay pa rin nila Naithan dati.

"Doon sa amin." Sagot ni Naithan. Tinatago niya na magkasama kaming dalawa sa iisang bahay dahil panigurado ako na mas aasarin lang nila kami.

"Punta kami mamaya ha." Sabi ni Danny, hayst! Wala ka talagang takas sa ulupon na 'to!

"Bawal!" Malakas na sigaw ni Naithan.

"Wow! Kelan pa naging bawal sa inyo Naithan? Eh doon nga ang tambayan natin, o baka naman may lihim pa kayong hindi naming alam?" Nanga-asar na tanong ni Danny.

"Pwede ba? Oo na! May sarili kaming bahay! At ayoko ng makalat dun! Kaya ayoko!" Sigaw ni Naithan sa kanilang lima.

"Awtsu! Gusto mo lang masolo si Jaicel eh!" Pang-aasar ulit ni Danny, natawa naman ako dun ng kaunti, hindi dahil sa nakakatawa talaga kung hindi dahil sa nakakakilig 'yun para sa akin.

"Pwede ba ulit! Oo na pumunta na kayo mamaya pag-uwi!" Sigaw ni Naithan kay Danny na sobrang sarap batukan! Haha.

Nang bigla namang nag-bell.

"Oh sige na, Jaicel, papasok na kami" Paalam ni Naithan sa akin. "Dyan ka lang ha, dadaanan na lang kita mamaya." Dagdag nya, at lahat ng yan binulong niya lang sa tenga ko mismo. Namumula na naman ako siguro nito dahil may iba akong naramdaman noong humaplos 'yung hininga niya sa tenga ko.

"Naith, mamaya na 'yan lambingan! Ilang oras na lang naman eh, uwiian na." Sigaw ni Danny sa labas ng clinic.

"Sige, alis na kami." Paalam niya ulit habang lumalabas.

Sobra akong kinikilig sa mga sinasabi at ginagawa nya! Oo na! Ayan na! Inaamin ko na! Kinikilig talaga ako! 'Yung pagpasan niya sa akin kanina, 'yung pagyakap ko sa kaniya kanina, 'yung pagtanggol niya sa akin kanina' yung mga ngiti niya sa akin, 'yung paghaplos niya sa buhok ko at 'yung pagbulong niya sa akin kanina. Kinikilig ako hindi dahil sa kalandian, kung hindi dahil sa pakiramdam ko ay kumportable talaga ako sa mga ginagawa niya sa akin. Ibang iba talaga ang dating sa akin.

PLEASE DONT READ!!!! Under Revision- Twist Of Destiny ౪ (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon