•The20thTwist

282 14 0
                                    

Twist Of Destiny

Chapter 11 • Don' Make Him Angry

JAICEL's POV

Ok... Sa tingin ko dumating na si Elsa ng Frozen dito sa Pilipinas dahil na-froze lahat ng mga tao. Kahit sila Brian, Lhian, Danny at Traicy ay naiwang tulala at gulat dahil sa narinig nilang salita na nagmula mismo sa bibig ni Naithan.

Ano ba kasing sabon ang nilagay mo sa dila mo Naithan at nadulas yan! Ha! Pride ba? May pakundikundisyon ka pang nalalaman pero ikaw pa rin pala ang susuway nito sa pagitan nating dalawa! Pero bakit ganun? Parang wala lang kay Naithan lahat ng nangyayari dahil nakuha niya pa akong buhatin at ipasan sa likuran niya. Bakit? Bakit mo ginagawa 'to Naithan?

"Tumayo ka, ipapasan kita. Wag kang mag-ala prinsesang buhat diyan." Cold niyang sabi habang nakatalikod sa akin at pinapapasan ako sa likuran niya. Dahan dahan akong tumayo at dahan-dahang sumampa sa likod niya, tumayo rin siya ng dahan-dahan para alalayan ang mga masasakit kong katawan.

"Danny, kuhanin mo lahat ng I.D nila!" Inutos ni Naithan kay Danny, at saka lang natauhan ang lima niyang magkakaibigan dahil s autos niyang ito.

"Saan naman tayo pupunta?" Bulong ko sa tenga niya dahil sa nakapatong naman ang ulo ko sabalikat niya.

"Sa puso ko." Sagot naman niya, napatingin naman ako sa kaniya dahil namimilosopo na anman siya.

"Ha?!" Mahina kong sigaw sa tenga niya.

"Ano ka ba? Siyempre sa clinic." Sagot niya naman ulit.

"Nagbibiro ka pa. Siguro masaya ka sa nangyari noh?" Mahina kong tanong sa kanya hangang sa napasan na niya ako ng maayos.

"Hindi ako masaya sa nangyari, ang gusto ko lang mapatawa ka sa joke na 'yun kaso ang corny." Bulong niya rin naman sa akin.

"Talaga?" Sabi ko at nabuntong hininga na lang siya, sabay ngti. Hindi na lang din ako nagsalita at pinatong na lang ang ulo ko sa lalaking kanina ko pa hinihintay na iligtas ako, sa lalaking alam kong maliligtas talaga ako. Siguro kung may gusto rin siya sa akin katulad ni Brian, maiisip niya nasiya ang Knight and shining armor ko, ang kaso lang parang Malabo na maisip niya 'yun. Pero sa totoo lang at kung may lakas lang ako ng loob na sabi na Naithan, ikaw lang ang hinihintay ko, ang Knight and shining armor ko. Kaso natatakot ako dahil baka magmukha lang akong tanga.

"Danny nakuha ninyo na?" Tanong ni Naithan kay Danny.

"Oo, bale sampu silang lahat." Sagot naman ni Danny, sabi na nga ba ay sampu silang lahat.

"Sige, tara na. Punta na tayo sa clinic." Sabi ni Naithan at nagsimula ng maglakad.

Habang naglalakad sila papuntang clinic ay pasan pasan pa din ako ni Naithan.

"Naith, Uy! Nagbibiro lang naman ako ha. Alam ninyo namang lahat na mapagbiro ako. Kaya wag kang magagalit sakin dahil sa ina-asar ko palagi si Jaicel." 'Yan ang paulit-ulit na sinasabi ni Danny kay Naithan, nakakarindi na nga eh. Ang dami niya kasing palusot.

"Pwede ba! Manahimik ka! Mamaya ko na lang papaliwanag sa inyong lahat 'to! Sa ngayon, dalhin muna natin si Jaicel sa clinic." Mahina niyang sabi habang buhat buhat ako.

Pumikit na lang ako at may balak matulog dahil parang ubos na ang energy ko sa mga ginawa nila sa akin. At dahil sa may balak akong matulog sa balikat niya, mas lalo kong niyakap ang leeg niya at mas pinatong pa ang ulo ko sa leeg niya.

"Feel na feel mo 'ko ha, ganda mo." Pabiro at pabulong na sinabi ni Naithan sa akin, kahit na nakapikit na ako ay alam ko na nakangiti niyang sinabi sa akin. At ako lang ang nakarinig nun at wala ng iba pa.

PLEASE DONT READ!!!! Under Revision- Twist Of Destiny ౪ (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon