•The14thTwist

290 15 0
                                    

Twist of Destiny

Chapter 14Crazy

NAITHAN's POV

Para akong naiinis sa mga pinag-iisip ko! Kung ano ano siya! Nabi-bwisit ako! Hindi naman kasi dapat ganun ang maramdaman ko, mali 'yun, sobrang mali 'yun! Kung ano ano pa ang mga iniisip ko, na hindi ko dapat siya paalisin sa pagkakayakap sa akin dahil sa gusto ko pang titigan siya ng matagal, at kung hindi ko pa nakontrol ang sarili ko ay dapat yayakapin ko pa siya kanina! Ano ba naman 'yan Naithan? Hindi ka ba nandidiri sa mga pinag-iisip mo aat sa mgaa nangyayari ngayon?

Pakiramdam ko ay gusto kong mandiri kanina pero bakit parang ayoko pang umalis sa pwesto naming, 'yung feeling na parang gusto ko ganun lang kami!

Gusto kong malaman 'yung sagot kung bakit ganito ang mga iniisip at mga nararamdaman ko pero hindi ko alam kung kanino ba ako magtatanong at hindi ko alam kung saan ko mahahanap ang sagot! Gulong gulo na ako!

Kaya gumawa na lang ako ng palusot para makaalis siya sa harapan ko, at tinanong ko siya kung hindi ba siya nandidiri para maasar siya at hindi magduda sa mga pagkilos ko. Dahil ako? Ramdam na ramdam ko ang bilis at lakas ng tibok ng puso niya. Kahit ako, ramdam na ramdam ko rin ang malamig niyang mga kamay noong yakap yakap niya ako.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang bilis talaga ng tibok ng puso ko! Walang ibig sabihin nito diba? Kinabahan lang ako dahil first time kong maranasan na ang isang babae ay pumangibabaw sa akin. Nakakapanibago lang talaga.

Ayoko na 'tong maramdaman kaya pinalayas ko na lang siya sa kwarto ko at pinag-lock ko na ng pinto para hindi bumalik! At hinding hindi ko na talaga siya pagbubuksan ng pinto! Tapos sa hindi malamang dahilan, tinawag niya ako sa matino kong pangalan!

"Naithan, ok ka lang ba? Ok, sige kung masama ang pakiramdam mo magpahinga ka muna. Pagluluto na lang kita." Malambing niyang sinabi sa akin at dahil doon mas lalo pang tumibok ng puso ko! Diba ang tawag niya sa akin ay Pride! Pero bakit ngayon ay Naithan?!

Yuck! Pwede ba Naith tama na! Nakaka-umay! Nakakadiri!! Eww! Yuck! Kadiri!

Hindi ito pwede Naithan! Hindi ba dapat siya ang una magkagusto sa pagitan ninyong dalawa ay siya?! Kaya nga tayo pumayag sa kasal dahil gusto mong gumanti sa kaniya diba? Magkakagusto at mababaliw siya sa'yo pero hahayaan mo lang, papahirapan at sasaktan siya dba?

Kaya itigil mo na 'yan drama mo! "Tama na nga Naithan! Para ka ng ewan sa mga pinagiisip mo! Hala! Kinakausap ko ba 'yung sarili ko? Hala! Tinatanong ko ba ang sarili ko? Hala! Naithan Cruz! Nababliw ka na ba?!" Shocks! Nababaliw na nga ata talaga ako! Ano ba yan?! Kinakausap ko ang sarili ko!

Para mahimasmasan, lumabas na lang ako. Wala naman sigurong masama dun noh! Bahay ko 'to kaya walang masama sa lahat ng gagawin ko?! Kaso! Arg! Naiinis lang ako dahil hindi ko nga kasi alam ang gagawin ko! Dahil kinakabahan ako sa pagbaba ko, parang may ewan feeling sa akin na hindi na lang dapat ako bumaba.

Naith, huminahon ka lang, ok? Kay Lhian mo lang dapat maramdaman 'to, OK?! Teka! Anong maramdaman! Mukha! Wala kang nararamdaman sa kanya noh! First time mo lang kasi 'yun maranasan 'yung ganung sitwasyon! Kasi naman Naithan! Sa 18 years mo dito sa mundo, bakit hindi mo 'yun ginawa sa buhay mo kahit minsan?!

Pero wala eh! Akyat at baba lang ako sa may hagdanan, matapos kong huminto sa isang hakbang ng hagdanan kinakabahan ako kaya babalik ulit ako sa kwarto ko pero pag hawak ko na 'yung door knob bigla naman akong mapapabalik sa hagdanan para bumaba! Nahihilo na nga ako eh!

Kaya no choice kundi umupo na lang sa unang palapag ng hagdanan! Para matahimik na ang kaluluwa ni Erning! Naririnig ko yung boses ni Jai, I mean Monggoloid pala, hindi ko alam pero nanlalamig ang mga kamay ko ngayon! Maginaw ba? Nagpalagay ba dito ng aicon si mama?

PLEASE DONT READ!!!! Under Revision- Twist Of Destiny ౪ (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon