•The28thTwist

247 16 0
                                    

Twist of Destiny

Chapter 28 Leaving Him Is Like Hell

JAICEL's POV

Nandito pa rin ako ngayon sa clinic at hinding hindi ako aalis ditto hanggat hindi bumabalik si Niathan. Iyak na iyak lang ako sa kinahihigaan ko habang naka-upo at pilit kong pinupunasan ang mga luha kong wlaang tigil sa pagtulo kahit anong gawin kong kusot sa mata ko.

Di ko alam pero may sakit akong nararamdaman sa puso ko, sobrang sakit dahil ang inaasahan ko talagang iiwan niya ako ay makalipas pa ng limang taon. Pero bakit an gaga niya naman ata akong iwan? May ugali na naman ba akong hindi niya nagustuhan? Kung meron man babaguhin ko. May nagawa na naman ba akong hindi niya rin nagustuhan? Kung meron man aayusin ko. Ano bang nagawa ko Naithan?

Pero hindi ba dapat maging masaya pa ako dahil malalayo na ako sa taong kinai-inisan ko ng buong buo... Pero hindi ko pa rin matatago sa sarili ko na ang lalaking kinaiinasan ko nga na 'yun ay ang lalaking unti-unti ko ng minamahal. Ang masakit pa hindi ko man lang 'yun namalayan, hindi ko man lang namalayan na unti-unti ko nap ala siyang minahala kaya hindi ko ito nakuntrol, bagkus ay lumalim pa ng lumalim.

Ang reputasyon niya at ang paghanga sa kaniya ng mga tao ay nawawala na ng dahil sa akin kaya ito na lang ang magaganti niya sakin kaya dapat tanggapin ko. Tama lang 'yan Jaicel, tama lang na umiyak ka dahil nasira mo lang ng sobra ang buhay ni Naithan kaya wala ng iba pang ibang sisihin kung hindi ang sarili.

"Oo tama. Tama, Jaicel. Tama lang 'yan." Sabi sa sarili ko habang pinupunasan ang luha ko dahil gusto ko ng tanggapin na ako ang nagkamali kaya hindi dapat ako umiyak, dapat pa niya akong pahirapan eh. Kulang pa 'to Jaicel, ano ka ba?

Pero... Pero... Pero hindi ko pa rin talaga mapigilan ang sarili ko. Mas lumakas pa lalo ang iyak ko, kahit nakakaailang pahid na ako ng mga luha ko.

"Naithan! Naithan! Hindi ko kaya bumalik ka na, kailangan kita! Kailangan kita Naithan, kailangan kita dahil mahal kita!" Sigaw ko habang iyak ng iyak sa loob ng clinic. Halos magwala na ako sa sobrang sakit, hindi ko na nga kayang huminga ng dahil sa kakaiyak ko.

Lumipas ang ilang oras ay wala talaga akong balak na umuwi at naghintay na lang ako dito hanggang sa mag-uwian at umaasang pupuntahan ako dito ni Naithan para sabay na kami umuwi tapos ay sasabhin niya sa akin na binabawi na niya ang desisyon niya, oo aasa ako, kahit masakit, aasa ako hanggang dulo.

Pero hindi niya ako binalikan.

Tumayo na lang ako at lumabas ng clinic, noong pagkalabas ko ng clinic bigla ko na lang siya nakasalubong ng hindi ko inaasahan.

"Naithan?" Tinawag ko siya pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad niya. Kasama niya sila Brian at kasama niya rin silang dinaanan lang ako at parang walang nakita sa dinaanan nila.

Naistatwa na lang ako sa kinatatayuan ko dahil nagmukha akong tanga noong tinawag ko siya. Parang lang isang taong tinatawag ang taong minamahal ko na nasa tabi ko na pero hindi niya pa rin ako makita kaya naghahanap pa rin siya ng iba.

Noong nakalayo na sila, saka na lang akong sumunod na lumabas. Naglakad lang ako papuntang taxi station at hindi ko naman inaasahan na makakasalubong ko pa si Naithan 'dun dahil sa akala ko ay nauna na siya at iniwan na rin ako.

"Naithan?" Tinawag ko naman siya. Narinig niya ako kaya napatingin siya sa akin.

"Sumabay ka na." Cold niyang sinabi sa akin na agad ko naming kinagulat dahil sa baka magbago na ang isip ni Naithan.

"Ah-ah si-sige." Nau-utal kong sabi sa kaniya at tapos ay sumakay na rin sa kabilang upuan ng taxi.

Habang nakasakay na kami sa taxi ay ang lamig ng buo kong katawan lalo na ng kamay ko. Hindi ko alam kung nilalamig ba ako ng dahil bas a aircon o sa sobrang kaba ba dahil sa naiilang ako sa kaniya.

PLEASE DONT READ!!!! Under Revision- Twist Of Destiny ౪ (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon