•The43thTwist

263 12 0
                                    

Twist of Destiny

Chapter 43 • The Real Reason

NAITHAN's POV

Nandito ako ngayon sa mall para bilhan si Jaicel ng regalo. Wala naman siya ngayon sa bahay dahil nasa ibang mall din sila nila Lhian at naghahanda para bukas sa birthday niya. Ang regaling ibibili ko kay Jaicel ay isang engagement ring, magpopropose na ako sa kaniya. Alam kong ikakasal na nga kami pero sa kontrata lang 'yun, gusto ko ngayon ay makatotohanan na. Dahil mahal na mahal ko na talaga siya kaya gusto ko na ng makokotohanang kasal naming dalawa.

"Tignan ko nga 'to." Sabi ko sa saleslady.

"Sige po sir." Sabi nya at nilabas ang singsing na tinuro ko.

Maganda 'yung singsing pero mahal para sa isang babaeng katulad ni Jaicel. Hindi naman dahil sa hindi ko 'yun kayang bilhin kung hindi dahil sa masyadong burara si Jaicel sa mga gamit niya kaya baka mawala niya lang 'yung ganung kamahal na singsing.

"Can I see. Uhm. Mapang-akit pero mura lang." Sabi ko ulit sa saleslady. Ngayon lang ako bibili ng cheap na singsing dahil nga kapag nawal ni Jaicel 'yun ay madali ko na lang siya mabibilhan dahil sa marami pa akong nakareserba na pera. Baka mamaya maubos na ang pera ko sa kakabili pa lang ng engagement ring dahil sa parati niya nawawala.

"Sige po sir." Sabi naman niya sa akin.

Ipinakita naman niya sa akin 'yung singsing na 'yun. 'Nung mas nakita ko pa ng malapitan ay mas nagandahan pa ako at mas naattract pa sa design ng singsing na 'yun. Kahit mura laang siya at mas affordable ay worth it pa ring bilhin dahil sa ang ganda ng design nito. Parati ko namang nahahawakan ang kamay ni Jaicel eh, kaya sa daming beses na 'yun ay nasukat ko na kung anong size ng daliri niya.

"Sige, ok na 'to." Sabi ko naman sa kaniya.

Noong tapos na niya 'yon ayusin ay naisip ko munang kumain bago umuwi dahil panigurado akong wala pa naman si Jaicel sa bahay, mabobored lang ako o kaya ay mas lalo ko pa siyang mamimiss

Habang kumakain ako ay biglang tumunog ang phone ko.

"Naithan. Asan ka?" Text ni Lhian.

"Nasa ibang mall ako ngayon. Bakit?" I Replied.

"Magkita tayo." She Replied.

Nakakapagtaka. Bakit niya naman gustong makipag-kita? For what reason? May problema ba? May nangyari bang masama? Eh diba magkasama sila ni Jaicel ngayon?

Dahil sa hindi ako mapakali sa kakaisip kung bakit gusto niya makipagkita ay tinawagan ko na sya. Ilang saglit lang ay sinagot rin naman niya agad.

"Oh, Lhian? May problema ba?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Meron kasi akong problema. Pwede ba kita mak-usap sa personal kahit saglit lang" Sagot naman niya sa kabilang linya.

"Sige." Sabi ko na lang at binaba ko na.

Tinapos ko na lang ang pakain ko tapos ay pumunta na ako sa lugar na tinext nya. Pagpunta ko sa mismong bahay nila, pinapasok niya naman ako sa dining room nila para doon kami makapag-usap. Hindi ko naman napansin si Brian kaya hindi masyadong awkward ang pagpunta ko sa bahay nila.

"Anong problema?" Panimula ko sa paguusap naming dalawa.

Bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya at nagulat na lang ako ng bigla siyang napayakap sa akin, nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Sabihin na natin na wala na akong gusto kay Lhian ng dahil kay Jaicel, pero sa ginawa niyang ito parang may naramdaman na naman ako sa kaniya.

"Naithan, hirap na hirap na ako. Hindi ko alam kung anong pipiliin ko. Kung kaibigan o kapatid. Pero mas mahal ko ang kapatid ko. Gusto ko ng kumilos dahil ayoko na siyang nakikitang nahihirapan at nasasaktan." Sabi nya habang umi-iyak.

"A-ano bang problema?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya, dahil nararamdaman ko na umiiyak na siya. Ramdam ko na basa na 'yung balikat ko eh.

"Naithan, si Brian, muntik ng mag pakamatay dahil sa inyong dalawa ni Jaicel." Sagot niya habang lumakas ang pag-iyak sa balikat ko.

Si Brian? Muntik ng magpakamatay? 'Yung best friend ko? Muntik na siyang magpakamatay dahil sa pagkagusto niya sa babaeng mahal ko? Bakit? Bakit?

"A-ano? Pe-pero anong gusto mong gawin ko?" Nauutal kong tanong kay Lhian. Dahil napapaisip na ako ng posibleng mangyari kay Brian, at mangyayari 'yun sa isang idlap lang. Mawawala ang best friend ko ng limang taon, sa isang idlap lang.

"Hiwalayan mo sya." Sagot ni Lhian na lubos kong kinagulat. Anong balak nila ni Brian? Bakit nila 'to ginagawa? Gusto ba talaga nila kaming sirain na dalawa hangang sa mga buto namin?!

"Pero Lhian hindi ganun kadali 'yun! Mahal ko si Jaicel!" Sigaw ko kay Lhian.

"Please! Naithan! Kung gusto mong lumuhod pa ako sa harap mo gagawin ko." Sabi ni Lhian sa akin. Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at sabay luhod pa sa harapan ko.

"Please, Lhian. Stop that. Stand up. Please, Lhian. Please." Pagmamaka-awa ko sa kaniya habang pinipilit siyang patayuin pero naka-kapit na siya sa binti ko ng mahigpit kaya hindi ko siya matanggal.

"Please, Naithan! Mahal ko ang kapatid ko! We will just pretend that we are in a relationship. Please! Naithan! Please!" Pagmamaka-awa niya.

"Ano bang gusto mong mangyari Lhian?" Seryosong tanong ko kay Lhian.

"Magpapangap lang tayo sa harap niya bukas, tapos kapag nakumbinsi na siya sa pagpapangap na 'yun ay hahayaan lang natin sila lumabas ni Brian kahit isang araw lang, Naithan. Please, kahit isang araw lang Naithan, pasayahin mo si Brian kay Jaicel." Pagmamak-awa ng sobra sa akin ni Lhian. At iyak lang ng iyak ng malakas.

Naa-awa na ako na ako sa kanya dahil kahit papaano naman minahal ko rin naman si Lhian. At best friend ko din si Brian. Paano ba ang gagawin ko Jaicel? Paano ba? Mahal na mahal kita pero ayoko ng may mawala dahil sa pagmamahalan natin.

Hindi ko na alam! Naluluha na rin ako, dahil may isang desisyon lang ang sumasagi sa isip ko. Pero may tiwala naman sakin si Jaicel, alam kong kayak o siyang maaibalik sa akin kapag naging maayos na din ang lahat. Dahil sa alam ko na mahal na mahal niya din ako, gaya ng pagmamahal ko sa kaniya.

"Ok I Agree."

×××

VOTE|COMMENT

PLEASE DONT READ!!!! Under Revision- Twist Of Destiny ౪ (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon