Part 1

30.8K 510 22
                                    

Story Of Us Trilogy

Book 1: A Love To Cherish (Vladimir and Bainisah)

Book 2: A Tale Of Forever ( Ezekiel and Patrice)

Book 3: A Tale Of Love To Cherish Forever (Alexander and Christine )



CHAPTER ONE

"GRRR!"

Inis na ibinalibag ni Bainisah ang sangkaterbang diyaryo na ginagamit niya sa kanyang job hunting. Halos iyon pa rin ang mga job advertisement na nakalagay roon. Napuntahan na niyang lahat iyon at napasahan na ng resume.

She was Bainisah Gandamato or "Bai" to her friends and family. Tubong-Mindanao ang kanyang ina pero dahil sa kaguluhan doon ay napilitan silang manirahan sa Boholkung saan siya isinilang at lumaki. Hindi niya alam kung sino ang kanyang ama. "Putok sa buho" ang tukso sa kanya ng mga kalaro niya noong maliit pa siya lalo pa at apelyido ng kanyang ina ang gamit niya. Nang lumaki siya, noon niya nalaman mula sa kanyang ina na biktima ito ng panghahalay at siya ang bunga. Kaya raw huwag na niyang tangkaing kilalanin pa ang kanyang ama.

Mula pagkabata ay pinangarap na ni Bainisah na maging isang sikat na newscaster kaya ginawa niya ang lahat para makapagtapos sa kursong Mass Communication sa San Marcelino College—isang maliit na kolehiyo sa Bohol—sa kabila ng kanilang kahirapan.

Sobrang saya niya noong magtapos na siya. Punong-puno siya ng pag-asa na makakamit niya ang pangarap niya. Niyaya agad niya ang kanyang ina na lumuwas ng Maynila dahil mas maraming oportunidad doon para sa kursong tinapos niya. Suportado nito ang pangarap niya. Ibinenta nila ang maliit nilang lupa sa Bohol at iyon ang ginamit nila sa pagluwas sa Maynila. Umupa sila ng maliit na paupahang bahay sa Paranaque.

Subalit dumating ang malaking dagok sa buhay niya. Isang gabing umuwi ito ay h-in-old up ito. Nanlaban ito kaya sinaksak ito ng walang pusong holdupper. Mabilis namang nahuliang maysala subalit malamig na bangkay na ng kanyang ina ang nadatnan niya sa ospital kung saan ito isinugod ng mga taong sumaklolo rito. Halos magdilim ang buong mundo niya dahil ito lang ang mayroon siya. She cried day and night.

Nagluluksa man ay batid niyang kailangan niyang magpatuloy sa buhay.Ilang buwan pagkatapos ilibing ang kanyang ina ay ipinagpatuloy na niya ang paghahanap ng trabaho. Alam niya na iyon din ang gugustuhin nito saan man ito naroroon.

Perohindi naging madali ang lahat. Hindi kasi niya inakala na malaking factor pala ang eskuwelahang pinanggalingan ng isang aplikante. Ilang beses niyang naranasan ang diskriminasyon pero hindi pa rin siya sumuko at itinuloy pa rin niya ang pag-abot sa kanyang pangarap. May mga istasyon naman ng telebisyon na walang diskriminasyon pagdating sa eskuwelahan. Iyon nga lang, iisang sagot din lang ang natatanggap niya at iyon ay tatawagan nalang daw siya. Subalit sa ilang linggong paghihintay niya ay walang dumating ni isang tawag kaya pinanghihinaan na talaga siya ng loob. Ayaw naman niyang subukan ang mga lokal na diyaryo dahil telebisyon nga ang puntirya niya. Pero mukhang maisasantabi na niya ang pangarap dahil nauubusan na siya ng pera. Atrasado na nga siya sa upa sa bahay. Mabuti nalang at kaibigan niya si Valerie, ang anak ng may-ari ng paupahang bahay. Pero kailangan niyang makahanap na ng kahit anong trabaho sa lalong madaling panahon.

Isang araw ay binulabog ang pagmumuni-muni ni Bainisah ng katok sa pinto. Hindi na niya pinagkaabalahang ayusin ang hitsura niya sa pag-aakalang si Valerie lang iyon. Ang telephone number kasi nina Valerie ang inilagay niya sa kanyang resume. Nakiusap siya rito na agad iparating sa kanya sa sandaling may tawag na para sa kanya.

Agad na binuksan niya iyon upang manlaki lang ang kanyang mga mata sa lalaking napagbuksan niya. Ito ay walang iba kundi si Ezekiel Moreno, ang CEO at chairman ng Moreno Brodcasting Network na isa sa pinag-apply-an niya.

Sa pagkataranta niya ay bigla nalang niyang isinara ang pinto at sumandal sa likod niyon. Ano ang ginagawa ng isa sa pinakakilalang tao sa bansa sa hamak na bahay nila? Huminga siya nang malalim para payapain ang sarili. Kinakabahan siya dahil hindi siya sanay humarap sa ganito kalaking pangalan. Noon lang nangyari na may prominenteng tao na naligaw sa lugar nila.Nang makabawi sa pagkabigla ay dali-dali niyang itinali ng goma ang magulong buhok. Wala na siyang magagawa pa sa suot niyang pambahay dahil baka mainip na si Mr. Moreno sa labas ng pinto nila.

Wala siyang maisip na konkretong dahilan para pumunta ito roon gayong hindi niya ito personal na kilala. Sa magazines at telebisyon lang niya ito nakikita.

Ilang beses na tumikhim muna siya bago nanginginig ang kamay na binuksan ang pinto.

Nahigit niya ang hininga nang muli niyang masilayan ang guwapong mukha nito. Mas guwapo pala ito at mas matindi ang karismang taglay nito sa personal. Bukod doon, tila ang gaan aagd ng loob niya rito.Nakangiti ang mga mata nito at parang napaka-welcoming ng dating. It was definitely a contradiction of what the public had seen. Lagi kasing seryoso ito at tila hindi marunong ngumiti kapag nakikita sa publiko.

"Hi," bati nito.

"H-hello, Sir," kiming tugon niya.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon