Akmang idadampi na ni Bainisah ang Betadine sa noo ng binata nang saklutin nito ang braso niya. Napahiyaw siya sa higpit ng pagkakahawak nito.
"Jesus! I'm sorry," wika nito nang makilala siya.
Bahagyang hinimas niya ang nasaktang braso. "O-okay lang. Papahiran ko sana ng Betadine ang sugat mo at saka ko lalagyan ng Band-Aid. 'Tapos, gigisingin na rin sana kita para palipatin sa guest room. It'll be more comfortable to rest in bed. Masyadong maliit ang couch para sa iyo."
Umupo ito at inihilamos ang mga palad sa mukha. "Nasaktan kita," wika nito. Nakayuko ito at hindi niya makita ang mukha nito pero hindi maikakaila sa tinig nito ang pag-aalala.
"Wala ito." Nauunawaan niya na ang tulad nitong sundalo ay mabibilis ang reflexes. "Sige na, doon ka na mahiga sa guest room." Vladimir was a very special man. Hindi niya ito aaluking matulog sa isa sa mga silid ng bahay niya kung hindi ito espesyal sa kanya gayong hindi naman niya ito kaano-ano. Alam din niya na hindi ito katulad ng ibang mga lalaki na agad na magbibiro ng may pakahulugan kapag nakakarinig ng salitang "silid" o "kama."Alam niyang safe siya rito. Funny, but she really felt as if she knew him all her life.
Napanganga si Bainisahnang sa isang mabilis na kilos ay hilahin siya ng binata. Bumagsak siya sa kandungan nito. At tila may sariling isip naman ang mga kamay niya na humawak sa mga balikat nito.
"I've missed you, Bai," wika nito sa boses na halos magpatindig ng mga balahibo niya. He was staring at her while his hands were on her waist. Their position was so intimate. "I said I missed you, Bai. Do you miss me, too?" His voice was huskier this time.
Napalunok siya. Hindi niya alam kung ano ang mas uunahin. Ang pagsagot sa tanong nito o ang pagsaway sa tila nagririgodon niyang dibdib. He missed her. Pinabilis niyon ang tibok ng puso niya. Did he missed her like the way she missed him? Pareho lang ba sila ng nararamdaman?
"I nearly got shot. You distracted me, don't you know that? Pumapasok ka sa isip ko kahit hindi dapat dahil nasa bundok ako at nakikipaglaban sa mga rebelde," paangil na wika nito.
Napuno ng pag-aalala ang puso niya para sa binata. Muntikan na raw itong mabaril. Pero hindi maikakailang nakadama rin siya ng tuwa dahil naiisip pala siya nito.
Nahigit niya ang hininga nang magsimulang maglakbay ang kamay nito. Mula sa baywang niya ay tumaas iyon hanggang sa masagi ang gilid ng dibdib niya. Hindi naging hadlang ang damit niya para maramdaman ang init na hatid ng palad nito.
"Bainisah..." mababa ang tinig na sambit nito na nakapagparamdam ng kakaibang sensasyon sa kanya.
Get a grip,Bainisah! Ang munting tinig na iyon sa kanyang isip ang nagpabalik ng huwisyo niya. Hinamig niya ang sarili at gamit ang lahat ng willpower na mayroon siya, umalis siya sa kandungan nito.
"V-Vladimir, what do you want from me? Bakit mo ako pinuntahan dito sa bahay ko? Bakit mo ako hinahawakan na parang may karapatan ka?" tuloy-tuloy na tanong niya. Gusto niyang malaman kung may katugon ba ang lihim na pagtingin niya para dito. She knew it was too soon to tell that she loved him. But it was undeniable that she was feeling intense attraction towards him. But then, kung mahal na nga niya ito, mahalaga pa ba ang ikli o haba ng panahon na nakilala niya ito para masabi niya kung ano ang nararamdaman niya?
Hindi ba at may mga taong nai-inlove sa unang tingin pa lang? Ang kailangan lang niyang malaman ay kung pareho sila ng nararamdaman.
Nasaktan siya nang bumakas ang pag-aalinlangan sa mga mata nito. Tila maging ito ay hindi sigurado kung ano ang nais nito sa kanya.
Sa pagkadismaya niya ay tumayo na ito. "Uuwi na ako. Pasensiya na sa abala. Lock the door when I leave. Goodnight." Bago pa siya makahuma ay nakalabas na ito.
Bumuntong-hininga siya. You are puzzling me, Captain.
BINABASA MO ANG
Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)
RomanceBook 1 of Story Of Us Trilogy Sa trabaho lang ni Bainisah bilang newscaster nakasentro ang buhay niya. Hanggang sa isang araw ay lumitas ang kanyang knight in shining armor sa katauhan ng guwapong sundalo na si Vladimir Mondragon.