Part 29

11.3K 338 0
                                    


"HINDI ka ba bababa muna?" alok ni Bainisah sa pinsan nang itigil nito ang sasakyan sa harap ng bahay niya. Madilim na nang mga sandaling iyon.

"Hindi na. Pagod na rin ako. Na-miss yata ng katawan ko ang kama ko sa bahay. Pagtulog ang nasa isip ko habang bumibiyahe tayo," nangingiting wika nito habang dinudukwang sa backseat ang maliit na travelling bag niya. Iniabot nito iyon sa kanya.

Natawa siya. "Loko! Inaantok ka pala, nag-drive ka pa. 'Buti hindi ka nakatulog. Sa ospital malamang tayo pupulutin kung nagkataon." Dumukwang siya para hagkan ang pisngi nito. "Call me up once you get home," aniya bago bumaba ng sasakyan.

Hinintay muna niyang mawala sa paningin niya ang BMW ni Zeke bago siya pumasok sagate. Kinuha niya ang susi sa bag at binuksan ang pinto. Pagkabukas ay pumasok na siya sa loob at kinapa ang switch ng ilaw. Muntik na siyang mapatili nang may humapit sa baywang niya.Sa isang iglap ay angkin na nito ang mga labi niya.

Pero nawala ang panic na nararamdaman niya nang maramdaman ang pamilyar na init at paggalaw ng mga labing umaangkin sa mga labi niya. Langhap na langhap din niya ang panlalaking amoy nito at ang pamilyar na hawak nito sa kanya. Ang mapangahas na lalaki ay walang iba kundi si Vladimir. She loosen herself up and answered his kisses.

"Na-missed kita nang sobra," bulong nito sa pagitan ng paghalik sa kanya.

She missed him, too. Buhay na buhay ang bawat parte ng kanyang katawan sa mainit at mapagpalang mga bisig nito. Hindi lang siya basta nawawala sa tamang huwisyo kapag malapit ito, kayang-kaya rin siya nitong pasunurin sa bawat naisin nito tuwing nasa bisig siya nito. "I missed you, too," pagsasatinig niya ng nararamdaman.

Ikinulong nito sa mga palad ang mukha niya at muling inangkin nito ang mga labi niya. Marahan sa simula, tila tinutukso-tukso lang ang mga labi niya. Pero nang tumugon siya, nagsimula itong maging mapusok, nang-aangkin. He kissed her hungrily. Habol nila pareho ang hininga nang maghiwalay sila. "Bai, why can't I get enough of you? Isang araw ka lang nawala sa paningin ko, parang taon na ang katumbas n'on. Ginayuma mo ba ako?" pilyong tanong nito.

Nahihiyang natawa siya. Pareho lang naman sila ng nararamdaman.

Si Vladimir na ang nagbukas ng ilaw. Inaasahan na niyang nakangiti ito pero tila lumukso pa rin ang puso niya nang makita niya ang mukha nito nang lumiwanag na. Wala ang seryosong aura nito kaya tila bumata ito nang sampung taon habang nakangiti.

"Hi," anito.Masuyong iniipit nito sa likod ng teainga niya ang ilang hibla ng buhok na naligaw sa mukha niya. He stared at her so intently she felt like she was going to melt anytime. His eyes was full of emotions—adoration, love... and undeniable passion. Maling-mali talaga ang akala niya noon na hindi ito marunong magpakita ng emosyon. Marunong lang itong magtago. O ganoon lang talaga katindi ang epekto niya rito na nagawa niyang mapalabas dito ang mga emosyong iyon? Kinilig siya sa naisip.

"Hi. Nakapasa ka sa 'marshmallow test." Dito kita iniwan, dito rin kita nabalikan," biro niya na ikinatawa nila pareho.

"Umuwi rin ako kahapon. Kanina lang uli ako bumalik." Tinitigan siya nito. "H-how was the trip to Tagaytay?"

Sasagot sana niya pero itinaas nito ang kamay para pahintuin siya. "Kalimutan mo na ang tanong ko. Iisipin ko nalang na may out-of-town work ka," anito, hindi maikakaila ang selos na nakasungaw sa mga mata.

"Muntik ko nang makalimutan," anito kapagkuwan.Lumapit ito sa mesita. Hindi niya napansin na may pumpon pala ng mapupulang rosas doon. Halatang bago iyon dahil long-stemmed ang mga iyon, hindi tulad ng iniwan niya kahapon. Kinuha iyon ni Vladimir at iniabot sa kanya. "For you,"

"Thank you." Dinala niya ang mga bulaklak sa kanyang ilong at sinamyo iyon.

"N-nagustuhan mo ba?" tila nag-aalalang tanong nito.

Lihim siyang napangiti. Nag-falter pa ang boses nito na tila natatakot ito na hindi niya magustuhan ang mga bulaklak.

"Of course. They're lovely." Kahit yata bulaklak ng kalachuchi ang ibigay nito, magugustuhan niya.

Bumakas ang relief sa mukha nito.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon