CHAPTER THREE
BUSOG pa si Bainisah kaya habang nagsisikain ang mga crew niya ng pizza ay nagpaalam siya sa mga ito na maglalakad-lakad saglit. Ang alam kasi niya ay may magandang park na malapit doon. May security personnel na ibinigay si Mayor Sombrano habang nasa Naujan sila pero sinabihan niya ang mga ito na magpaiwan na dahil kaya na niya ang sarili niya.
Naaliw siya sa pamamasyal sa park. Naujan Park was well- preserved. Preskong-presko ang hangin, matatayog ang mga puno, at namumukadkad ang mga bulaklak—kagandahang hindi makikita sa Kamaynilaan. Malawak ang park kaya umikot pa siya para makita ang kabuuan niyon. Nagbabalak siya ng isang programa na may temang local travel. Kapag natuloy ang proposal niya ay isa ang Naujan sa ipi-feature niya. Abala siya sa pagmamasid sa park nang bigla siyang sabayan ng isang lalaki. He appeared out of nowhere. Halos manigas ang buong katawan niyanang maramdaman niya sa tagiliran niya ang isang matigas at malamig na bagay. Alam na niya kung ano ang ibig sabihin niyon. Nasa panganib siya.
"Huwag kang magkakamaling sumigaw o kumilos nang hindi ko magugustuhan,Gandamato.Hindi ako magdadalawang-isip na itumba ka rito ora mismo," wika ng lalaki sa kanya nang lingunin niya ito.
Nanlamig siya nang makilala niya ang jacket na suot nito. Ito ang lalaking tumawag ng atensiyon niya bago ang interview. Base sa hitsura nito ay ito ang klase ng taong hindi gagawa ng mabuti sa kapwa. Malamig kasi kung tumingin ang mga mata nito.
Kinakabahan man ay pinanatili pa rin niyang kalmado ang sarili. Kailangan niya iyon para maka-isip siya ng paraan kung paano matatakasan ito.
She subtly scanned the area, looking for the possible people who could help her. Pero wala siyang makita na sa tingin niya ay may kakayahang makatulong sa kanya dahil halos mga babae ang mga iyon at karamihan pa ay may mga batang akay. Ni wala rin siyang makita ni anino ng kahit isang pulis. Masyadong delikado kung gagawa siya ng isang maling hakbang dahil sigurado siyang puwedeng malagay sa panganib hindi lang ang buhay niya maging ng ibang mga tao sa paligid niya.
"Ano'ng kailangan mo sa akin?" tanong niya rito. She was biding time para makaisip ng paraan kung paano lalansihin ito.
"Maglakad ka lang," utos nito sa halip na sagutin ang tanong niya.
Sa kabila ng nerbiyos na pilit itinatago ni Bainisah ay nagsimula na rin siyang lumakad kasabay nito. Sana ay makahanap siya ng pagkakataon para matakasan ito. Nasisiguro niyang kapag hindi siya nakatakas ay paglalamayan siya bukas.
Oh, God, please help me...dasal niya. Wala pa rin siyang makitang pagkakataon para tumakas. Pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng oras.
Hanggang sa makakita siya ng motorsiklo na pumarada malapit sa sasakyang tinutumbok nila. Ewan niya pero sa tingin niya ay iyon na ang hinihintay niyang tagapagligtas. Ang problema, paano niya maipaparating dito na nasa panganib siya gayong normal ang kilos ng lalaking katabi niya? Isang maling kilos niya ay siguradong puputok ang baril na nasa tagiliran niya. Naisip niyang senyasan ang nasa motorsiklo pero nakatalikod ito sa kanya.
Nawawalanna siya ng pag-asa lalo na at pinaandar na uli ng lalaki ang motorsiklo nito. Peroganoon na lang ang pagkasorpresa niya dahil pagharap ng lalaking nakamotorsikloay umalingawngaw ang isang putok ng baril. She froze. Hinintay niyangmaramdaman ang sakit na dulot ng balang bumaon sa kanyang katawan. Subalit sapagkamangha niya, ang lalaking nagtatangka ng masama sa kanya ang bumulagta salupa. Natutop niya ang bibig niya nang makitang sa pagitan ng mga mata ang tamang lalaki. It was a fatal shot. Bago pa siya makakilos ay nasa tabi na niya angnakamotorsiklong lalaki.
BINABASA MO ANG
Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)
RomanceBook 1 of Story Of Us Trilogy Sa trabaho lang ni Bainisah bilang newscaster nakasentro ang buhay niya. Hanggang sa isang araw ay lumitas ang kanyang knight in shining armor sa katauhan ng guwapong sundalo na si Vladimir Mondragon.