Part 4

14.4K 371 1
                                    


CHAPTER TWO

Three years later...

BILANG naang oras mo, Bainisah Gandamato!

Ibinaba ni Ezekiel ang sulat. Sumandal siya sa backrest ng kinauupuang swivel chair, saka bumuntong-hininga. Nakadama siya ng pag-aalala para sa pinsan dahil pangatlong death threat na nito iyon.Sa kanyang bumabagsak ang mga sulat para dito dahil mahigpit ang bilin niya sa assistant ni Bainisah na salaing mabuti ang bawat sulat na mayroon ang pinsan. Nasabi na niya rito ang tungkol doon pero tila bale-wala lang iyon dito. Tuwing magpaparinig kasi siya tungkol sa pagkakaroon nito ng bodyguards ay tinatawanan lang siya nito.

Ah, tatlong taon na pala ang nakararaan mula nang puntahan niya ito sa bahay at sabihing pinsan niya ito. He loved his cousin. Gagawin niya ang lahat para dito.Gusto niyang iparamdam dito na mayroon pa itong kapamilya sa katauhan niya. Besides, he owed it to his uncle. Naging mabuti ito sa kanya at mas itinuring pa niya itong ama kaysa sa sariling ama.

He sighed. Tuwing naiisip niya ang kuwento ng tiyuhin at ng nanay ni Bainisah, hindi maaaring hindi papasok sa isip niya ang isang partikular na babae. Katulad ng Tito Andrew niya, he had to let go a very special woman ...

Ipinilig niya ang ulo para iwaksi ang isiping iyon bagaman duda siya kung magagawa niyang alisin nga ang babaeng iyon sa kanyang isip dahil sa loob ng labindalawang taon, hindi ito nawaglit minsan man sa isip niya.

Binuksan niya ang drawer ng executive desk at inilabas mula roon ang dalawa pang sulat. The first letter was written in scribble. Ang pangalawa ay mga ginupit na letra na pinagdugtong-dugtong lang. Ang pangatlo naman ay computer print-out. Hindi tuloy niya malaman kung iisa ba ang may gawa niyon. Sa ayaw at sa gusto ng dalaga ay magtatalaga na siya ng security para dito dahil mukhang hindi basta nananakot lang ang nagpadala ng mga iyon.

Napatingin siya sa broadsheet na nasa ibabaw ng mesa niya. Lumawak ang ngiti niya nang makita ang larawan ng isang sundalo roon.



BAHAGYANG tumingalasi Vladimir sa napakataas na building ng Moreno Broadcasting Network bago siya pumasok doon. Hanggang maaari ay ayaw niyang maligaw sa lugar na iyon pero hindi niya mapahindian si Ezekiel Moreno, ang CEO ng MBN. Naging kaibigan niya ito noong first year college siya sa UP sa kursong Business Management. Pareho rin silang neophyte sa fraternity na sinalihan nila noon sa UP. Nagkahiwalay sila nang pagkatapos ng isang school year ay lumipat siya saisang military school dahil na-realize niyang gusto niyang magsundalo. Gayunman, hindi sila nawalan ng contact ni Zeke.

It was yesterday when he received an urgent call from Zeke, asking him to drop by at his office. Hindi niya alam kung bakit siya nito pinapupunta sa opisina nito pero nasisiguro niyang hindi iyon isang casual meeting lang. Iyon ang unang pagkakataon na pupunta siya roon.

Binati siya ng mga guwardiya na naroroon. Hindi dahil kilala siya ng mga ito bilang kaibigan ni Zeke kundi kilala siya ng mga ito bilang si Captain Vladimir Mondragon ng Philippine Army. Tinanguan niya ang mga ito bago tuloy-tuloy nang tinungo ang private elevator na tanging si Zeke lang ang gumagamit. Ito ang nagsabi sa kanya na gamitin niya iyon. Hindi siya sinita ng mga guwardiya, marahil ay sinabihan na ang mga ito ni Zeke na anumang sandali ay magtutungo siya roon. Ilang sandali lang at bumukas na ang elevator. Bumulaga sa kanya ang isang magandang babae na nahihinuha niyang secretary ni Zeke. Sa pagkakatayo nito roon ay tila inaantabayan na nito ang pagdating niya.

"Good morning, Captain Mondragon!" nakangiting wika nito. Hindi niya pinansin ang tila pagpungay ng mga mata nito.

"Is Mister Moreno in?" pormal na tanong niya.

"Yes, my boss was expecting you. This way please," anito bago iminuwestra ang isang pribadong opisina. Nakalagay sa malaking pinto ang: Ezekiel Moreno, CEO and Chairman, Moreno Brodcasting Network.

"Thank you, I'll take it from here," aniya rito.

Halatang nadismaya ito. Napilitan na itong umalis.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon