Part 27

11.4K 338 5
                                    


"XANDER," wika ni Vladimir nang tanggapin ng kapatid niya ang kanyang tawag. Kauuwi lang niya sa condo unit nito mula sa bahay ng dalaga.

"Kuya Vlad! What's up?" He seemed excited and he knew why. Maaaring sadyang hinihintay nito ang tawag niya dahil sa ginawa nitong pagse-set up sa kanila ni Bainisah sa Café Caridad.

"I'm in trouble, big-time! At 'yan ay dahil sa kagagawan mo! You set me up!"

"I know!" wika nito bago humalakhak. "So, kumusta, Kuya? Can I call her 'Ate' officially? Come on,Kuya Vlad. Hindi ko naman gagawin iyon kung hindi ko nahuli ang kakaibang kislap sa mga mata mo noong sulyapan mo siya sa bahay. Noon ko lang nakita iyon sa iyo."

He groaned. "I-I d-don't know what to do. I mean, paano ba manligaw?" There, he said it. Dalangin lang niya ay huwag siyang masyadong makatikim ng pang-aasar mula rito. Mabuti na lang at milya-milya ang layo nito. Hindi nito nakikita na namumula ang buong mukha niya pati na ang mga tainga niya.Gusto niyang ligawan ang dalaga. Gusto niyang bumawi rito dahil naging mapangahas siya at nagkaroon agad ng intimacy sa pagitan nila.

Hindi sumagot si Alexander, marahil ay natitigilan pa ito sa tanong niya.

Natawa siya. "Oh, brother! You've made my day. Wala kang maisagot, ano? Kasi hindi ka rin marunong manligaw," buska niya rito. Kunsabagay, mga babae na kasi ang lumalapit dito.

"Ahm, I think flowers and chocolates will do."

"You think?" natatawa pa ring tanong niya.

"Kuya naman, eh.Sinabi mo na nga na hindi rin ako marunong manligaw. Flowers and chocolates will do. Saka ang mas mahalaga naman, malinis ang intensiyon mo sa kanya."

"Okay, so flowers and chocolates then. Next, ano ang mga dapat kong sabihin sa kanya?"

"Kahit ano basta galing sa puso mo. Kuya, isasatinig mo lang naman kung ano ang nasa puso mo. Don't worry, it'll come out naturally."

Hindi siya sumagot.

"Kuya, 'you still there?"

"Yes," aniya.

"Bakit bigla kang tumahimik? Come on, wala kang puwedeng paglabasan ng niloloob mo kundi ako."

Bumuntong-hininga siya. Tama ang kapatid niya, dito lang siya nakakapaglabas ng mga saloobin niya. Maaaring mas bata ito kaysa sa kanya pero kaya nitong sabayan ang takbo ng isip niya pagdating sa mga seryosong bagay. Isa rin iyon sa rason kung bakit okay lang sa kanya na tawagin siya minsan nito na "Vlad."

"Xander, nakahanda akong ipaglaban ang nararamdaman kong ito kay Bainisah kahit alam kong may Zeke na sa buhay niya."

"Hindi pa sila kasal, Kuya, kaya may chance ka pa. And besides, malay mo kung hindi naman sila? Baka nanliligaw pa lang si Zeke sa kanya, o magkaibigan lang sila. Hindi naman nila inamin o itinanggi na may namamagitan sa kanila. And you know rumors, right? Puwedeng exaggerated lang. Isa pa, nakita ko ang chemistry at sexual tension sa inyong dalawa na hindi ko nakita sa kanila ni Zeke kapag magkasama sila. I don't know, but I have this feeling you're meant for each other. Iyon ang rason kaya naisipan ko kayong i-set up."

Bumuntong-hininga siya. "Ganoon din ako, pakiramdam ko kami talaga ni Bainisah ang para sa isa't isa. Sana nga tama ka. Kung may pagpipilian lang din ako, ayoko ring masaktan ko si Zeke. Okay, enough of that. Kumusta ka diyan?"

"Okay naman. Ganoon pa rin. They're still exploiting my body. Ang hirap pala 'pag may perpektong katawan!" biro nito.

Natawa siya nang malakas. Nakikinita na niyang nakangisi ito sa kabilang linya. Well, hindi pa naman tuluyang naghuhubad ang kapatid niya. Ang pinaka-daring na nito ay ang billboard nito kung saan nakasuot ito ng underwear.

"But you know what, Kuya? I should thank you."

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"Dahil hindi ka nagpapakita sa media ng katawan mo. Kung nagkataon,siguradong taob ako sa iyo."

Lalong lumakas ang tawa niya. Ah, sino ang mag-aakala na ganito sila kalapit ni Alexander? Natatandaaan niya na may lumabas na issue noon na may alitan daw sa pagitan nila dahil sa pera. Tinawanan lang nila iyon.

"Kuya Vlad..." mayamaya ay sabi nito.

"Hmm?"

"Kapag kailangan mo ng tulong, tawagan mo agad ako. I mean, just in case na babangga ka nga sa pader, kasama mo ako. We'll do it the Mondragon brothers' way," anito sa seryosong tono.

Napangiti siya. Ibig sabihin lang niyon, walang iwanan hanggang sa huli. "The Mondragon brothers' way it is.Salamat, Xander."

Tinapos na niya ang tawag sa kapatid. Kahit paano ay nakapagpaluwag sa dibdib niya ang kaalamang suportado siya ng kapatid.

Story Of Us trilogy Book 1: Vlad and Bai (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon